Simple lang naman ang pangarap ko dati. Ang makapagtapos at makahanap ng mabuting trabaho para magkaroon ng magandang kinabukasan Ewan ko ba kung paano nagsimula ang lahat. Kung paano nagsimulang dumami ang mga bagay na gusto kong makamit sa buhay. Yung tipong yun nalang ang tumatakbo sa isip ko. Gusto ko lahat nakaplano at gusto ko lahat ng mga plano ko sa buhay ay matupad.
Ngunit isang umaga paggising ko, may namuong tanong sa isip ko "Bakit kaya hanggang ngayon wala pa si Mr. Right ng buhay ko?"
Nagmumuni muni ako at naghihintay ng sagot sa sarili kong katanungan ng biglang nagvibrate ang cellphone ko.
Dali dali kong binuksan ang aking inbox at nakita ang mensahe galing sa isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan.
Di pa dumarating ang taong mamahalin mo at mamahalin ka ng lubos sapagkat di mo pa sya kailangan. Unahin mo raw muna yung mga goals mo sa buhay at kapag nakamit mo na lahat, that's the right time para ibigay sa'yo ni LORD ang The One ng buhay mo.
Pero, paano kung sabay ibigay ng mapaglarong tadhana ang dalawang bagay?
Uunahin mo pa rin ba ang mga pangarap mo sa buhay?
O mas pipiliin mo ang taong kukumpleto sa buhay mo?
Good Morning! 😊
Parang sinagot ng mensaheng ito ang tanong ko kanina. Ngunit parang lalo akong napaisip sa mga tanong sa mensahe nya.
Kung kayo ang tatanungin alin sa dalawa ang pipiliin nyo?
Ang mga pangarap mo ba sa buhay? o ang taong kukumpleto sa buhay mo?Tunghayan kung paano baguhin nang panahon, pagkakataon at ng mensaheng ito ang buhay ng isang simple at ordinaryong dalaga na nagngangalang Hillary Maegan De Castro.
BINABASA MO ANG
Hillary's Goals
Short StoryThis story is about the life, dreams and love of a simple girl turned into a successful woman.