Grabe!first day of class mukhang malelate pa yata ako.Ang aga ko namang nagising at natapos sa pag-aayos. Ang aga ko ring nakarating sa sakayan ng jeep.Ako nga yung unang-unang sumakay pero hanggang ngayon ay di pa rin kami umaalis. Grabe naman kasi 'tong si manong driver.Plano yatang punuin pati bubungan at gulong ng jeep.Isa pa itong si manong barker,lima pa raw sa kanan at pito pa sa kaliwa.Grabe sila oh!e puro dambuhala na nga yung mga katabi ko tapos maghihintay pa raw ng pasahero. naku!naku!Parang gusto ko na talagang silang sigawan at sabihan ng "Let's go na po kasi po malelate na ako.At kapag nalate po ako,babagsak ako at kapag bumagsak ako masisira ang kinabukasan ko."
Kinabukasan??? Chill De Castro...chill...Maawa ka sa pamilya ni manong driver at manong barker.Masisira rin ang kinabukasan ng mga anak nila kung magpupumilit ka na gumora(umalis) na kahit di pa puno ang jeep.sayang ang kita nila.Kapag walang kita,walang makakain ang pamilya nila,walang babaunin ang mga anak nila sa pagpasok nila sa school.at kapag di sila nakapasok sa school, di sila makakahanap ng magandang trabaho at ang ending sira ang kinabukasan nila.(grabe talaga si my dear conscience!mana talaga sakin.may pagkafuturistic rin.) Kaya chill ka lang.Pagpray mo nalang kay LORD na late or absent yung prof. mo sa first subject.
At yun na nga, nagpray nalang ako kay LORD at sinunod si my dear conscience.After 12345678910 years,sa wakas!nakarating din ako sa school.
Pagpasok ko sa room125,all eyes on me.Why?Di ko rin alam.
A.)Dahil maganda ako.
B) Dahil late ako.
C.) Dahil mali ang room na pinasukan ko.
D.) All of the above.And the correct answer is ...tantananan...
Letter C.
Akala nyo letter D no?yan tayo eh!kapag nakakita ng D.)all of the above,yun na agad ang correct answer?wag ganun! Honestly,akala ko talaga letter A ang sagot. I'm sooooo disappointed.Anyways,paano ko nalaman na mali ang room na pinasukan ko? I checked my schedule and I forgot na oo nga pala Tuesday ngayon. Yung Monday pala yung tinignan ko kanina.
Tinignan ko ulit ang schedule ko for this day.Tuesday, 8:00am to 10:00am - Vacant. Ibig sabihin dalawang oras akong maghihintay.Oh no!Anong gagawin ko sa dalawang oras? Wala pa man din akong kakilala dito. Bakit? eh kasi po transferee lang ako. This semester lang ako nagtransfer and at the same time nagshift na rin. Bakit ako nagshift at nagtransfer?
Ganito kasi yun...(Flashback...)
Two months ago, my mom died.Sobrang lungkot namin that time particularly ako.
Iba kasi talaga ang bonding namin ni mama nung nabubuhay pa siya. Yung tipong kahit nag-aaral palang ako ay magsesave ako mula sa mga allowance ko.And kapag medyo malaki na ang ipon,bibili ako ng pagkain para sa aming dalawa sa tuwing halfday lang ang schedule ko. Sa aming dalawa lang talaga. paborito ni mama yung Dingdong at Boy Bawang kaya yun ang madalas kong binibili para sa kanya. Di naman sa madamot pero kaming dalawa lang kasi talaga ang nasa bahay kapag hapon. Yung tatay ko ay nagwowork bilang tricycle driver at kung minsan nagkakaroon din siya ng iba't ibang project. welder din kasi si tatay. Oh diba?ang dami nyang alam gawin. Yung dalawa kong ate nagtuturo sa magkaibang public schools, yung isa ko pang ate na graduate ng Architecture ay nagtratrabaho sa isang kumpanya dito sa Pampanga. Tapos yung bunso namin na babae rin, first year college, Civil Engineering. Tapos ako, third year Electronics Engineering. Yes!Tama kayo.Babae kaming lahat. Limang Maria. So yun na nga. My mom passed away because of cancer. Late na namin nalaman kasi wala namang symptoms yung sakit nya.
After one week nang ilibing si Mama, saka palang kami ulit pumasok ni Bunso. Sobrang dami kong namiss na lessons at one week before our final exams nagkasakit ako. Ang hirap paman din magabsent lalo na sa course na kinukuha ko.Kahit one day ka lang magabsent sobrang hirap ng magcatch up sa lessons what more pa yun one week diba? So yun na nga. Yun ang naging dahilan kung bakit dalawa sa walong subjects ko ang bagsak. Di ko alam pero feeling ko talaga ako na ang pinakamalas na estudyante sa buong mundo. Feeling ko guguho na talaga ang mundo ko. Alam ko ang lahat ng effort na ginagawa ng tatay at ng mga kapatid ko para makapag-aral kami. Kaya alam ko rin kung bakit ngayon ay galit na galit sila sa akin. Idagdag mo pa na tatlo sa mga kapatid ko ay nakagraduate ng di nagkakaproblema sa pag-aaral at nakapag-aral dahil sa mga scholarship at heto ako ngayon di lang isa ang bagsak kundi dalawa. Iyak ako ng iyak sa kwarto.I blamed GOD kasi patong patong na problema ang dumating sa akin. Kawawala lang ni mama tapos ngayon heto ako bagsak at mukhang di na makakapag-aral. Pakiramdam ko akong kahihiyan sa pamilya. Grabe!Yung iba sasabihin na ang OA.Di naman ako nabuntis ng wala sa oras pero grabe yung kahihiyan diba??? Kahihiyan kasi alam ng mga tao sa amin na matatalino kami. Di naman sa pagmamayabang pero totoo yun. Nakagraduate ang mga kapatid ko with flying colors tapos ako?nganga!
BINABASA MO ANG
Hillary's Goals
Short StoryThis story is about the life, dreams and love of a simple girl turned into a successful woman.