Part 1

3 0 0
                                    

Nabuntis ako ng aking huling boyfriend c Mike. Pero hindi niya ako pinagutan. Nang nalaman niyang buntis ako ay agad niya akong hiniwalayan. Masakit, oo sobrang sakit dahil sa akala kong tatanggapin niya ang batang dinadala ko pero hindi. Nilamon ako ng galit ng kung ano anong idea ang pumapasok sa isip ko. Paano ko to sasabihin kay nanay? Alam kong may tiwala siya akin kaya niya ako pinapayagan pumunta sa lugar nila Mike pero nangyari ang hindi dapat nangyari. Nag isip ako kung paano ko ipalaglag ang inosenteng bata sa tiyan ko. Pero lahat nun nawala dahil sa takot ko diyos. Ayokong pumatay ng bata.

Kinabukasan, sinabi ko sa aking ina ang nangyari at masakit sa akin ang makita siyang umiiyak dahil sa akin.

Sinabi ko sa sarili ko na kahit anong mangyari bubuhayin ko ang batang ito.

Dumaan ang buwan at araw pero walang pangangamusta na mula kay mike. Hanggang sa manganak ako.

Iniluwal ko ang isang healthy na bata. Alam mo ba yung feeling na sa loob ng siyam na buwang pagdadala ko sa kanya, sa loob ng isang linggong labor pain na naranasan ko pero lahat yon balewala mula nang lumabas siya sa tiyan ko.

Tatlong buwan na c Misha nang pumayag akong makita siya ng kanyang ama.

Pagkaraan ng anim na buwan nagkabalikan kami ni mike pero hindi ko alam na pagsisihan ko ang balikang iyon. Hindi naging maganda ang relasyon namin. Walang araw na hindi kami nag aaway minsan nagkakasakitan na kami at pagkalipas ng dalawang taon muli niya ulit kaming iniwan.

Nagpasya akong bubuhayin at palalakihin ko ang aking anak kahit wala siyang papa. Masakit kasi ang hangad mong mabigyan siya ng isang buo at kompletong pamilya hindi ko kayang ibigay sa kanya.

Nilamon ako ng galit dahil sa ginawa ni mike. pero wala na akong magagawa at kung puro galit nlng ang nasa isip ko hindi ako magiging masaya.

Tatlong taong gulang na ngayon c Misha at tulad ng sinabi ko dati gagawin ko ang lahat para sa kanya ..

MISHA ADRIANNE GRACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon