Mahigpit ang hawak ni Russell sa manibela ng makarating siya sa address na ibinigay ng sekretarya ni Kristine Fonacier. Pumunta siya kanina sa opisina ng Fonacier Mortgages para makita si Kristine Fonacier, ang may-ari ng naturang kompanya. Noong una, ayaw pa ng sekretarya na sabihin sa kanya kung saan nakatira ito ngunit ng sabihin niyang may urgent business siya sa boss nito ay agad agad itong ibinigay. Nasa Tagaytay ito at ang kanyang asawa.
Ngumiti siya ng mapait ng mapatingin sa bahay nito. Talaga nga naman ang nagagawa ng pera. Inilapit niya ang puchu puchu at kakarag karag na sasakyan niya sa gate ng lumabas ang lalaking naka'business suit at babaeng sexy sa mansyon.
Hindi nya napigilan ang emosyon ng makita ang lalaking nagtulak sa tatay niyang magpakamatay dahil sa sobrang pagkabaon sa utang at sama ng loob.
"Mrs.Fonacier! Natatandaan mo pa ba kung sino si Keith Mcklein na pinatay nyo dahil sa pagkakabaon sa utang? Wala kayong awa sa ama ko!" Russell said.
"Walang lugar ang awa sa negosyo iho. Kung awa lang din naman sana charity ang ipinundar ko hindi negosyo. Tandaan mo yan!" Nakangising aso na tugon ni Mrs. Fonacier
Isang matinding paghihiganti ang natanim sa puso niya. Paghihiganting higit na kasiya siya kung papatayin niya ang mga gahamang pumatay rin sa ama niya. "Isang araw, sisirain ko kayo!" sigaw niya kina Kristine.
BINABASA MO ANG
The Bride Of Vengeance
RomanceNicole came back in the Philippines to get back those things na naiwan niya sa mansyon mula nung maremata ito ng bangko. Nang magkrus ang landas nila ni Russell Mcklein, ang lalaking nakabili ng mansyon. Unang kita palang niya rito ay parang may gal...