chapter 1-friends

16 1 0
                                    

Yay! Ngayon na ang pasukan sana kaklase ko yung mga kaibigan ko. Sila ay sina Katherine Dela Cruz masayahin yan, walang pake sa mga bagay bagay. Mahilig mag basa din ng books. Siya rin ang pinakaclose ko sa lahat, si Anna Shen half chinese half filipino, magaling mag drawing at mahilig sa anime. Hindi kami masyado close pero friends kami ;). Si Rhoan Santiago naman ay siya ang makulit kong kaibigan, madaling magalit pero madali rin siyang magpatawad,si Shain Cortez naman ay mataray pero mabait din sa taong mabait. At si Megan Val, ang cute sa amin dahil maliit siya pero maganda yan :). So guys? Eto na tantanann!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ako si Cheska Jane Tan.mabait, Simple,medyo hindi sociable kaya friends ko lang ang nakakausap ko, mahiyain kapag hindi kilala( di ako sanay:( ), at higit sa lahat ay takot mag break ng rules. Paano ba naman kasi strict yung parents ko eh :( kahit nga sa pag gala minsan hindi ako pinapayagan. Pero okay naman sanay na ako at mabuti na yun para walang masamang mangyayari.

Calling. . . (katherine)

"Hello?"

" Ches! Sabay tayong lahat pumasok sa school para makita natin kung anong section tayo!"

" Sige! Sabihan mo na din sila, text mo ako pag andiyan kana, magbibihis lang ako"

"Oy! Teh! Natawagan ko na sila at papunta na din, bilisan mo na wag ka nang magpaganda maganda ka naman!"

"Sus! Bolera! Hindi mo ko madadala niyan, oo na! Eto na nga nag bibihis na!"

"Hindi ah! Totoo yun! Pa humble pa eh? Pero flattered na yan! Iiiihh!!!!!"

"Hoy! Anong flattered? Hin--"

"Babye na! See you!!!"

Call ended..

Ay bastos, hindi niya ako pinatapos magsalita!

Magbihis na nga lang, naka civillian ako ngayon first day pa man lang eh,
After 5 minutes .. Tada! Ang dali noh? Okay na, naka crop top , high waist jeans at converse lang naman ako. Comfortable ako dito eh :)

Pagbaba ko andiyan si mama sa kusina kaya pumunta ako sa kanya..

"Ma! Punta na ako sa school baka malelate pa ako."

" o siya! Sige Jane basta sabi ko ha? Wag gumawa ng kalokohan."

" Ma naman eh. Palagi nalang alam ko na yan at wala naman akong balak ng gumawa ng kalokohan kaya no worries."

" hmmm.. Sige."

"Bye! Mag cocomute pa kasi ako eh."
Sabay kiss sa cheek.

"Sige mag ingat ka ha."

"Opo!"

Pumara na ako ng jeep.

I hope sana mag kakatotoo yung wish ko.

-----------------------------------

Hi guys! First time kong gumawa ng story! Sana po magustuhan niyo . :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon