Tristan

300 6 0
                                    

Magkasama tayong naglalakad sa mall. Binalak nating manood ng movie. Bumili ka ng tickets nating dalawa at ako naman bumili ng drinks and popcorn natin. Tamang-tama may promo sila. May papel daw sa ilalim ng popcorn na nakasulat kung anong freebies ang pwede nating makuha. 

Nagsimula na ang movie at kumain tayo ng popcorn (sour cream flavor kasi yun ang favorite nating dalawa) na ang bucket size para share na lang tayo. Excited na akong maubos para makita mo na kung anong freebie ang pwede nating makuha paglabas natin ng sinehan. Habang tumatagal, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko lalong-lalo na noong nilagay mo ang ulo mo sa balikat ko. Napangiti ako dahil hindi ko naman inexpect na ganon ka pala kalambing. Sinubukan kong ilapit ang kamay ko sa kamay mo. Walang alinlangan. Walang takot. Hinawakan mo ito at pinisil. Sobrang saya ko noon at para bang tumigil ang ikot ng mundo. Hindi na ako nakafocus sa pinapanood natin. Naisip kong iddownload ko na lang ‘yun at importante, ienjoy ko ang pagkakahawak ko sa tinuturi kong mundo ko.

Naubos na ang kinakain nating popcorn at nakita mo na ‘yung prize. Hindi mo mabasa sa liit kaya sabi mo sa labas na lang natin basahin. Natapos na ang movie at nabasa na natin ang nakalagay sa papel, “Get two regular Popcorns after asking any question answerable by Yes or No to the counter.” Natawa na lang tayo pagkabasa natin nun pero paglapit natin sa counter, seryoso nga ‘yung nakalagay. Sabe ni ateng nasa counter, kailangan ko daw magtanong na answerable by Yes or No. Ang sabe mo, ako na lang ang magtanong. Kaya ang ginawa ko, humarap ako sa’yo at tinanong kong, “Can I be your boyfriend?”.

Natigilan ka na para bang may halong pagkagulat at kilig. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo sa ginawa ko. Hindi ko alam kung seseryosohin mo 'yung sinabi ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin 'yun o kung matatawa ka lang. Natatakot ako dahil baka magalit ka o mailang ka sa akin o ireject mo ako pero ang ginawa mo lang binigyan mo ako ng isang nakakamatay na ngiti at sinabi mong “Yes.” Hindi ko aam kung seryoso din ka ba sa sagot mo pero nabasa ko sa mga mata mo, totoo ang naramdaman mo. Gusto kong tumalon sa tuwa noon. Natigilan lang ako at ang nasabe ko na lang, “Okay na ba ‘yun ate?” Si ate sa counter kinikilig at binigay na ‘yung 2 popcorns sa amin. Ang sabi ko, “Ate, sa’yo na ang isa, maghahati na kami dito. Ganon ang partners di ba?”

Sobrang nagpapasalamat ako sa’yo dahil tinanggap mo ang proposal ko sa’yo. Naglakad na lang tayo habang kumakain ng popcorn. Gusto kong lumipad sa sobrang saya. Biglang nakarinig ako ng ingay. Nag-aalarm na pala ang cellphone ko. Kailangan ko na ulit bumangon at harapin ang reality. Sana totoo na lang ‘yun. Sana hindi na lang isang panaginip. Pero dahil sa nangyari, nakakuha ako ng lakas na loob para hindi na maging torpe. Kahit anong daling isipin ko ang bagay na 'yun, ang hirap nang gawin kapag kaharap na kita. 

Panaginip man o hindi, ang isang relasyon ay parang Popcorn. Nagsisimula sa isang maliit na butil. Kapag nadagdagan ng init ng pagmamahal, kusa itong lolobo at lalaki at magkakalasa. Habang tumatagal dapat sumasarap. Huwag lang magexpose sa hanging nagsisimbolo sa mga problema at di pagkakaunawaan; baka kasi manlabot agad ito at mawalan ng lasa. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TristanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon