TDH 02

12 0 1
                                    

A week later.

In the past few days, hindi muna kami nag-rehearsal. Busy kasi si daddy sa office at madalas nag-a-out of the country si daddy. Of course kasama si Tita Renata, not as a girlfriend but as a secretary. Perfect timing rin para raw maka-bili sila ng mga kailangan sa wedding day.

Eto na, dumating na ang Monday. Gosh! Please be good. Sana magkaroon ako agad ng new friends.

Hinatid na rin ako ni daddy pero hanggang gate lang. Kelangan daw kasi ng pass sabi nung guard para makapasok sa school. Sobrang higpit naman dito. Pero okay lang, exercise na rin.

Nag-kiss na lang ako kay daddy sa cheek niya tapos bumaba na ako.

Inaayos ko yung messenger bag ko nang biglang sumigaw si daddy. "JM! Watch out!"

Napahinto ako bigla tapos may kotse na dumaan sa harap ko. As in one step na lang siguro, masasagasaan na ang paa ko. Na-shock ako kaya feeling ko namumutla ang mukha ko. Hindi pala ako tumutingin sa daan.

"Are you okay, baby?"

"I'm fine, dad. I'm okay!" Nag-thumbs-up at nag-wave na lang ako. Hindi na ako tumingin kay daddy kasi alam kong namumutla ako ngayon. Muntik na akong masagasaan, of course nabigla ako!

Tapos narinig ko na paalis na yung kotse ni daddy.

Tinignan ko naman yung kotse na muntik nang makasagasa sa'kin. Nag-park kasi siya 'di kalayuan sa gate. Lumabas naman driver. Obviously, based on what he's wearing, studyante rin siya.

A typical rich kid. A typical jerk. Para kasing ang angas niya. Yung parang puro kayabangan lang ang nasa katawan. And typical rich kid kasi ang gara ng kotse niya. I think it's a Ferrari.

The guy was tall. Mukha siyang bad boy in some ways pero wala naman siyang tattoos or piercings. Siguro kasi long hair siya. Hindi naman siya bading tignan. Lalaking lalaki naman ang dating niya. Tanned pa ang skin niya. Pasalamat siya at gwapo siya. Kung hindi, isinumbong ko na siya kay daddy. Teka, gwapo? Am I checking out this jerk?! Snap out of it, JM! Muntik ka nang mapatay ng taong iyan!

Ay ewan! Makarma sana siya.

Nabigla naman ako nung tumingin siya sa'kin kaya kunwari na lang na may hinahanap ako. Tapos naglakad na siya papunta sa isang building ng school. Tsss! Stupid JM!

St. James Academy. Ang laki pala ng school na 'to. Maraming buildings. May Pre-schoolers sila, may grade-school department at high school dept. May mga gardens pa sila na sobrang ganda. May mga tambayan na parang sa park, may malaking playground, may fountains pa sila. Cool eh? Sa dati ko kasing school, kahit private, walang panama dito.

Pumasok na lang ako sa Main Bldg. ng school para hanapin yung room ko. Nasaan ba ang Room3A dito? Patingin-tingin pa ako sa mga signs sa taas ng pinto. Ang weird tuloy ng tingin sa'kin ng ibang students. Halata tuloy na transferee ako!

At dahil sobrang laki ng Main bldg. at kailangan kong mahanap yung room ko ASAP, kinuha ko ang map ko. Yes, may mapa sila. Oo, seryoso po.

Nabigla ako nang may humablot sa mapa ko. Asar naman oh! Naliligaw na nga yung tao, pagtitripan pa?!

"I think it's this way, JM." Binigay niya naman sa'kin ulit yung map. Sabi ko nga, baliktad. Tanga mo, girl.

"Thanks. Hey! Howd--." Then I saw Lee.

Oh, yeah. SJA (St. James Academy) pala 'to. Dito rin pala siya nag-aaral. "Lee! Akala ko kung sino na."

"Hey, couz." Sabay salute. Career-in ba naman ang pag-tawag ng 'couz' sa'kin? Hindi naman kami related by blood or anything.

"Uhmm. Medyo nawawala kasi ako eh. Saan ba ang Room 3A dito?" Tanong ko na lang.

"Cool. Class A ka rin pala. Lezzgo! I'll show you the way." Yaya niya sa'kin. Ang bait talaga ng isang 'to.

Naglakad-lakad kami tapos sumakay sa elevator. Ang daming bumabati sakaniya. Si Lee naman ngiti lang ng ngiti.

"Ikaw ahh. Sino ang girlfriend mo doon?" I was teasing him.

Nag-blush siya. Can you imagine this guy?! "W-wala ah. Kilala lang nila ako pero hindi ko sila kilala."

Natawa naman ako sa reaction niya. He was blushing and stuttering at the same time.

"Nandito na pala tayo." Tumigil siya sa isang room tapos pumasok na siya. "Welcome to SJA 3-A." Sabi niya tapos umupo na siya sa isang upuan.

3-A din pala siya? Medyo magulo yung room. Nagdadaldalan yung mga girls tapos nagkukulitan yung mga guys. May nag-gi-gitara pa. Pag dating ng teacher, nag-siupuan naman sila. At ako? Nakatayo lang sa may pinto.

Tumingin sa'kin yung teacher tapos ngumiti. "You must be the transferee, Miss...?"

"Ah, Opo. Jade Mekhiala Fontanilla po."

"Miss Fontanilla, I'm Ms. Morales. I'll be your English, Music and also your adviser. Please introduce yourself." She gestured na lumapit ako sakaniya.

Nagsitahimik naman sila pag-pasok ko. Medyo maingay kasi kanina.

"Hi everyone, I'm Jade Mekhaila. Please, do call me JM. I'm from St. Isabella Academy." Nakangiting sabi ko. I hate introducing myself kaya okay na yun.

"Thank you, JM. You'll be sitting beside Mr. Per--. Where is he, again?!" Nakakagulat naman tong teacher namin. Mala-anghel kasi yung boses niya kanina tapos biglang nasigaw.

Na-curious naman ako. Absent ata yung seatmate ko.

"May practice po siya ng basketball, Miss." Sabi ni Lee sa kay Ms. Morales.

"Next time, bola na lang rin ang ibibigay kong grade sakaniya!" Natawa naman yung iba. Weird nga eh. Galit na nga yung teacher namin.

Umupo naman ako sa assigned seat ko. Good thing nasa right side ko si Lee. At least may makakausap ako.

"Wag mo na lang pansinin si Ms. Morales, sanay na kami diyan eh. Sanay na rin 'yan kay Van." Mahina lang yung boses niya.

"Who's Van?" Curious na tanong ko. Sorry naman. Clueless ako eh.

"He's your---Oh! Andiyan na pala siya." Napalingon kami sa pinto. And to my surprise, nandoon yung guy na muntik na akong mapatay!

Tuloy-tuloy lang siyang umupo sa tabi ko. Kahit sinesermonan siya ni Ms. Morales, parang wala lang. Deadma. Kung minamalas ka nga naman.

"Yo Van! Si JM nga pala." Sabi ni Lee.

"Ohh. Okay." Tumingin lang siyang saglit sa'kin tapos nag-lean siya sa table na parang natutulog.

Ay ang bait ng lolo mo!

"Pasensiyahan mo na, pagod ata."

Dahil first day, puro lang requirements ang binigay ng teachers namin. Okay naman yung araw ko. Hindi naman pala masama ang maging bagong lipat. May mga ngumingiti naman sa'kin eh. Yung katabi ko? Tulog. Hindi ko na lang pinansin.

But wait, Van?? Sounds familiar. Tsaka may kamukha rin siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two Different HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon