Annyeong! I'm Mandee Joy Buenaventura. Majoy for short. But my parents call me Joy. 11 years of age. Nakatira sa Lucena City!
Kung tatanungin nyo kung anong ginagawa ko ngayon? Eto ako, binabalikan ang bad memories habang nakaupo. Actually graduation namin ngayon. Kaya lang di pa naman nag-start so umupo muna ako. Nakakangalay kasi ee. Hayy. Wala na naman sya. Ba't di pa ko nasanay? Ee halos lagi nga naman syang wala pagmay importanteng nangyayari sa life ko. Tss. Puro "works" lang naman ang mahalaga sa buhay nya. Last na umattend sya sa mga programs or important matters? Nung kumpil ko. Pero alam ko naman na kaya lang sya umattend kasi, andun yung kumpare nya. Ninong ko kasi yung kumpare nya.
Yung sincere lang nga ata na pag-attend nya is nung recognition nung Grade 1. Kung saan 1st honor ako. After nun? Hindi na sya umattend. Tulad nalang nung recognition simula grade 2 hanggang ngayong grade 6. Hindi naman sa pagmamayabang pero aaminin ko, every year my award ako. Kaya nga inis na inis ako kay papa. Kasi parang hindi sya proud sakin. Inggit na inggit nga ako sa valedictorian namin ngayon. Kasi yung papa nya, laging nandyan pagrecognitions, pagmay contests. Lagi yun present. Supportive na supportive. Ee si papa? Pag may contest ako na sinasalihan hindi man lang sya pumupunta kahit saglit man lang para panuorin ako. Wala ee. Kahit nga pag-birthday ko at nung first communion? Wala sya. Pero pag sa kapatid ko? Lagi syang anjan. Lagi lang sa kapatid ko nakatuon ang attention nya. One time nga tinanong ko sya. Kung pwede sya pumunta sa recognition. Sabi nya, Hindi pwede. Busy ako sa work. Grabe talaga. Pero pagkapatid ko yung nagsabi ee kahit busy ata sya tinutuunan nya parin yun ng pansin. NAKAKAPANG-INGGIT. SOBRA.
Minsan nga, kahit yung mga hinihingi kong bagay di rin nya nabibigay Pero pag sa kapatid ko binibigay nya agad yung mga gusto nito. Tapos lagi pa siyang galit sakin. Wala siyang ibang nakita kundi ako. Wala siyang ibang nakita kundi ang pagkakamali ko. Kaya ganun nalang ang galit ko sa kanya. Minsan nga tinanung ko, bakit sya pa yung naging papa ko? Pwede namang iba nalang di ba? Pero bakit... Bakit siya pa? Naisip ko nga rin minsan na baka may galit sakin si God. Kaya si papa yung binigay nya saking papa. Hayy. Minsan nakakasawa na rin ee. Pero ano nga bang magagawa ko? Wala naman ee >...<
"Student's and parents, kindly proceed to the lines. The graduation ceremony is about to start." nagising ako sa pagbalik ko sa aking mga bad memories dahil sa sinabi ng teacher. Hayy. Asan na kaya si mama? Ayy, ayun. Nakikichikahan pa. Pinuntahan ko na nga.
"Ma, tara na. Mag-start na ang graduation ceremony." sabi ko sa kanya. Nagsign naman siya ng wait lang.
"Osige mga kumare. Punta na kami sa line namin ha? Mamaya nalang ulit." sabi ni mama dun sa mga kumare nya. Mama yun nila Danna. Yung valedictorian namin. Eto talaga si mama. May balak pa bumalik para lang makipagchikahan. Parang ang tagal naman nilang ndi nagkita noh? Hayy.
"Osige mare. Basta pumunta ka mamaya dun ha. Isama mo na rin yang mga chikiting mo. Sige, baka hinahanap na rin kami ng mga anak namin." narinig ko na sabi ni tita Karmina. Hayy. Close talaga sila nila mama. Simula kasi kinder magkaklase na kami nila Danna. Napahiwalay lang ako nung grade 1. Nilagay kasi ako sa section 2 dahil daw sa age ko. Pero naging magkaklase ulit kami nung grade 2 hanngang grade 6. Pero yung mga anak ng mga kumare ni mama? Nah. Di ko sila close no!
"Oh, san ba ang line natin?" tanong ni mama.
"Tara." sabi ko nalang. Tapos pumunta na kami dun sa line.
After 5 minutes, nagstart na rin yung graduation. Sinimuln sa pagmarch papunta sa assigned sits. Syempre may tugtug no. Nagmuka naman kaming tanga kung walang tunog. Hhahah :D Tapos sinundan na ng mga nangyayari sa graduation. Hanggang sa matapos. (A/N: Sensia na po kung ndi ko inisa-isa yung mga nangyari sa graduation ceremony. Anhirap po kasi pag-inisa'isa ko pa. Thank you po sa pag-intindi! (:) After nung graduation,nagpaalam muna ako kay mama na iiwan ko muna sya saglit. At yun nga, hinanap ko muna si Keila. Bestfriend ko. Gusto ko na kasi maggoodbye. Baka kasi last na to na magkita kami. Kaya take the chance diba. Narinig ko kasi sila mama nung isang araw na lilipat na daw kami sa Catanduanes. Magnenegosyo daw. At syempre, kasama kami dun. Alangan naman iwan kami dito. Pero kung tutuusin kaya ko naman mag-isa. Andito naman sila tita tas ninang eh. Bigyan lang nila ako ng tuition ayos na. Pero as if naman pumayag si papa. In my dreams!
"Keila!" Sa wakas, sa paglalakad ko eh nakita ko rin siya. Kahit kailan talaga. Ang hirap hanapin ng babaeng toh >...<
"Oh, Joy!Kanina pa kita hinahanap." Ayy oo nga pala, bukod kila mama, ang tawag rin sakin ni Kei ay Joy.
"Ah? Eh ako rin. Kanina pa kita hinahanap!" ngumiti lang siya. Tapos nagsalita ulit.
"Punta ka sa bahay. May handa ako. Pinapapunta ka rin ni ate." Hayy. Tss. Hindi naman pwede. Dahil panigurado ko pagdating na pagdating sa bahay ay magsisimula ng mag-impake. Tsk. Buti pa si Kei, may handa. Ako hanggang Jollibee lang. Pero oks lang. Masarap naman ang pagkain sa Jolibee eh. *u*
"Ay sorry Kei. Di ako makakapunta. Actually nga hinahanap kita kasi magpapaalam na ko." sabi ko sa kanya. Bigla nman nag-iba ang expression ng mukha nya. Parang nagtataka.
"San ka pupunta?" sabi na nga ba >...<
"Ah.. Magbabakasyon lang." Hayy, Majoy. You're such a lier! At sa bestfriend mo ka pa nagsinungaling. Tsk!
"Ah ganun ba? Ang aga naman ata? Aiy basta bumalik ka kaagad ha? Para sabay tayo makapagpaenroll." Nakuu. Patay. Bahala na.
"Ahh.. Oo.. Ui sige na ha? Baka hinahanp na ako ni mama eh. Hehe." sabi ko sabay takbo. Pagdating ko kay mama, hingal na hingal ako.
"Oh, Joy? Tumakbo ka na naman? Sabi ng wag ka takbo ng takbo eh. Bka atakihin ka na naman ng hika mo nyan." pag-aalalang sabi ni mama.
"Ma, tra na. Alis na tayo." niyaya ko na si mama. Mahirap na. Baka makita pa nito si Kei sabihin pa nya ang tungkol sa pag-alis namin.
"Osge." maikling sagot ni mama. Tapos yun umalis na nga kami. Pumunta muna kami syempre sa Jolibee (a/N:Haha:D AddFee!!XD) tapos kumain. Tapos umuwi na kami. And as expected, tama nga yung hinala ko. Mag iimpake na.