Revenge of the Legacy: Chapter 1

13 1 0
                                    

* Bang bang!

I smirked as the man lay in front of me after I shot him in the head. His still body laid un-moving while his lifeless eyes stared at me. His blood trickled slowly down his forehead and slowly creeped down the cold earth.

"Aquaria! We have to leave here. Its daybreak." Skye said while beating the guy he's holding.

"Ok." Pagkasabi ko nun, I jumped out of the windows of the building. Buti nalang nasa third floor lang kami kaya kayang talunin. Paglanding ko sa lupa, nagpagulong gulong ako. Tumayo ako at tumakbo agad papunta sa lugar na pinag parkingan ko ng big bike ko. Nagsuot ako ng helmet at pinaharurot ng takbo yung bike. SHIT. Late nako sa school!

~

Skye's POV

"Aquaria! Wait!" I shouted.

Nanaman? Hays. Lagi nalang akong iniiwan ng babaeng yun!

Toot toot toot*

Natauhan ako dahil sa tunog ng timer ko. Thirty minutes nalang pala magfa five na ng umaga.I took the car with me and left the building infested by the Hollow Vipers, an illegal syndicate.

While driving, I called the base to send people to clean up the traces we have left in that place.

Later, I heard the beep of the security system. Indication that Aquaria had arrived at her condo. Mamaya papasok na kaming dalawa sa school. The heck wala pa kaming tulog pareho. We have been busy finding the place of the syndicate.

I sighed. This day sure is gonna be a long, long day.

~

Aquaria's POV

5:30 AM

When I arrived at the condo, naligo nako agad, nagbihis at nagbreakfast. Freshman ako sa Trinity University. Linguistics ang course ko dun. Although I do not know why I did. Nagandahan lang ako sa pronunciation so I took the course. So far I'm enjoying it. Dati pabara bara lang ang pag aaral ko kasi in reality, hindi ko naman kailangan mag aral. May yaman nako na kakasya para sa lifetime ko. May company na rin akong sarili ko na namana ko sa mga magulang ko. What else would I ask for right? Kaso sabi ng System, kailangan naming mag aral sa Trinity University. Not for academics, but as undercovers. Yep, undercovers. Ang Trinity University ang kuta ng mga anak ng drug lords sa Pilipinas. Although alam na yun ng lahat; pero hindi drug lords ang pakay namin dito kundi ang leader ng Hollow Vipers. Last update na nakalap ng intelligence namin tungkol sa kanya ay ang pambibiktima nya ng mga studyante as recruits to his evil cult. Sa Trinity University ang ideal targets dahil dito naka kuta lahat ng tigasing myembro ng small mafia groups sa Pilipinas. And guess what? Meron ng 3 reported deaths sa loob ng magandang campus na kinaiinggitan ng mga taga ibang school. If they only knew the black aura sorrounding the school, siguradong hindi nila gugustuhing marinig kahit ang pangalan palang nito.

After getting ready, I already started walking to school. Yep, I'm walking. Although I live in a condo, I still walk. Even for the five exclusive cars that I have, I still don't use them. Hindi naman ganun kalayo ang school so naglalakad nalang ako minsan. Besides, kailangang ma late ako ngayon.

Nag party kasi kami kagabi kasama ang mga members ng mafia. Kailangan kong magpanggap na may hang over. In reality may hang over naman talaga ako. Di nga lang dahil sa alak kundi dahil sa pangha-hunting kagabi. Ako lang ang nakakasama sa ibat-ibang group ng mafia. Why? Ganito yun. Tinutuhog ko ang limang mafia sa Trinity University. Ako ang asset nila laban sa isat isa. Alam kong disgrasya ang pinasok ko pero so what? Kung mamamatay ako, mamamatay ako. Nothing compares right?

You see, I work for an organization called "The System". It is an organization that monitors sindicates in the Philippines that poses as a threat to the country. Ang System ang gumagawa ng paraan para matugunan ang mga crisis na maaring harapin ng bansa kung sakaling manalo ang mga sindikato. For a fact mas threat pa sa Pilipinas ang mga international sindicates kaysa sa mafia. These sindicates are ruthless. Deadly with no mercy. Ang mafia, more on outer wall lang sila. Hindi sila mananakit hangga't walang casualty para sa grupo nila. Kumbaga hindi sila mangangagat hanggat hindi sila pinapakialaman.

Revenge Of The LegacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon