Part I (The Sweet and the Broken)

10 1 0
                                    

Nag-iisip na ako ng ways kung paano ko mapapatay ang taong nasa harap ko ngayon.

"you are a real jerk" sabi ko sa kanya with a cold expressionless face

"sorry" yun lang ang nasabi nya.

Sorry? Mapapakinabangan ko ba ang sorry niya? Mabubusog ba ako doon? Heck, saying sorry should at least make you feel better but I felt none. I felt pathetic and hurt.

"sana man lang nagbigay ka man lang ng konting konsiderasyon. And now you are breaking up with me on Valentines' day. Diba pwedeng ipinagpabukas mo na lang?" Nagpipigil kong inis na sabi.

I know for a fact that our relationship is going downhill but inspite of that I was really looking forward on Valentine's Day because I was hoping that this would be the time that maybe, just maybe we can mend and save this relationship. At saka, ito ang unang beses na magcecelebrate ako ng Valentine's Day na may boyfriend. Si Patrick ang una kong boyfriend at mag-aalmost 1 year na kami. Well, almost. I didn't even get a chance to celebrate our anniversary and I was looking forward to it too.

"Sorry talaga Pia, hindi ko na kayang magpretend. Let's face it, we lost the chemistry, the spark. Nagkakasawaan na tayo, nawawalan na tayo ng oras para sa isa't-isa dahil sa kanya-kanya nating career."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at binaling ko ang atensyon ko sa mga taong nasa paligid ko. Nasa isang parke kami ngayon. We decided to meet here and go supposedly on a dinner date. Siguro mga 10 seconds after naming nagkita, Patrick decided to drop the bomb. It was all taking my willpower not to cry. I felt more pathetic, kasi lahat ng tao sa paligid ko masayang nagcecelebrate ng Valentines' day kasama ang mga date nila. And here I was, trying to hold myself together because he just made me realize the most painful thing...

Matapang ko uli siyang tiningnan sa mata "you are wrong. Why are you using the word 'we' when all this time I think ikaw lang yung nagsawa. I was trying to save our relationship, Patrick. Sige sabihin nating nagkulang ako sa ibang bagay but I was trying to make up for it. I was trying every single time. Pero sa tuwing gagawa ako ng effort lahat yun ini-ignore mo giving me the bullshit excuse that you are busy. Now, Patrick tell me, may ginawa ka ba para ma-save yung relationship natin. Or all of these was just nothing to you?"

He was stunned to silence. His silence was a stab. Patunay lang ito na masyado akong naging tanga. I was wrapped up in an illusion that our love story is something worth it.

"sabihin mo, bakit mo ako niligawan in the first place?" tanong ko

"h-huh?" medyo dazed pa niyang sabi at noong nakarecover na siya "well, I think you are cute"

"ano ako tuta?" angil ko "ano pa?"

"you caught my attention kasi nga c-cute ka.." medyo nag-aalangan pa niyang sabi.

Doon ko lang naalala na may bitbit din pala akong bouquet ng flowers na bigay niya. Hindi ko alam kung bakit pa siya nagbigay ng bulaklak kung makikipagbreak lang din pala siya. Nagsayang lang siya ng pera. Oh well, maybe not because I am going to put this bouquet into use.

"hayup ka!" isang malakas na hampas sa mukha gamit ang bouquet ang natanggap niya "anong akala mo sakin stuff toy?! Na dahil sa na-cute-an ka bibilhin mo at ididisplay pero dahil sa nagsawa ka na itatapon mo na lang?!" ang alam ko na lang, pianghahampas ko na lang siya sa kung saang parte ng katawan nya ang tamaan. Wala na din akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng tao. I was deeply hurt to care.

"aray! Aray! Masakit- ow!" sabi nya habang sinusubukan akong ilagan.

"MASAKIT?! DIYAN KA PA TALAGA NASAKTAN?!" nalagas na yung bulaklak kaya ibinato ko sa kanya yung natitirang piraso ng bouquet "EH ITONG BREAK UP NATIN, DI KA MAN LANG BA NASAKTAN? Oh, wait paano ka nga pala masasaktan kung wala lang sayo ang lahat" dahil wala na akong maihampas sa kanya, isang malutong na sampal naman ang natanggap nya. Siguro kung nagrorotate lang ng pa-360 ang mukha, nagawa na niya sa sobrang lakas ng sampal ko.

The Sweetest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon