No Proofreading. (lol kahit one shot na nga)
This one shot is for the true life Courtney! :)
"Courtney! Ano ba yan! Bakit ganito ang mga grades mo?" Nagagalit na wika ng aking Mama habang hawak hawak ang report card ko.
"Ma, sinabi ko naman sayo diba minalas ako. Si Mariel, hindi naisubmit yung project ko dahil nilagnat siya, si Fabian, hindi naipasa yung notebook kong hiniram niya dahil biglaang nag-out of town. Hindi naman ako nakapagquiz dahil na-late ako sa klase dahil traffic." Naiinis na sagot ko. Ewan ko ba pero parang kakambal ko ata ang malas. Kahit saan ako magpunta, sinusundan ako.
"Ano ba naman iyan..." Tanging naisambit ng aking Mama. "Bakit ba--" Naputol ang kanyang sasabihin nang tumunog ang telepono.
Lumapit dito si Mama at kinuha para sagutin. "Oh? Ha? Sige. Oo. Sige. Papunta na ako." Ibinaling niya ang kanyang mga mata sakin. "Kailangan ako ng tita mo sa Flower Shop. Ikaw na ang bahala dito."
"Pero teka Ma, akala ko ba maggrogrocery ka?" Yun ang sinabi niya kanina pang umaga.
"Oo nga no..." She trailed. Biglang lumiwanag ang kanyang mukha at tila may magandang ideyang naisip. "Ikaw nalang ang maggrocery anak."
"What?!" Ako? Bakit ako? "Eh may gagawin pa po ako eh!" I lied. Wala talaga ako sa mood maggrocery ngayon dahil maulan. Ma gugustuhin ko pang magkulong sa kwarto ko.
"Sige na. Wala na tayong stocks at paniguradong magagalit ang Papa mo. Sige na pumunta ka na." Kinuha niya ang aking kamay at inilagay ang credit card at isang libo. Lumapit siya sa ref at kinuha yung listahan at iniabot din sakin. "Pumunta ka na."
"Pero Ma!" Angal ko. Kung minamalas nga naman talaga.
Pinanlakihan niya ako ng mata. "Sige na Courtney. Minsan ka lang naman maggrocery eh. Pumunta ka na." May himig pagbabantang utos niya. Sus, mga parents talaga.
Defeated, I sighed. "Well, can I have our car keys then?"
"Ohh.." My mom mumbled. "Flat ang gulong nung isa at yung isa naman ay gagamitin ko. Magcommute ka nalang." She tapped my shoulder.
"What! Ayoko na!" Malakas at naiinis na sagot ko. Mapipilitan na nga akong maggrocery tapos wala pang sasakyan? Malas!
BINABASA MO ANG
Ang Pinakamaswerteng Reyna Ng Kamalasan
Teen FictionIstorya ng babaeng puno ng malas at kung paano sinuwerte habang naggrogrocery.