Dedicated to her. Siya kasi ang dahilan kung bakit napahaba ito haha. :)
No Proofreading!!!
"Ah talaga."
I swear masasakal ko talaga itong kaibigan kong si Mariel. Like duh, after kong magkwento ng mahaba with expression and excitement ito lang ang response na makukuha ko sa kanya? Putapets!
"Yan lang ng sagot mo? FYI hinihingal na nga ako dito oh pagkatapos kong magkwento!" Sigaw ko sa kanya. Buti nalang talaga at nandito kami sa kwarto ko.
"Eh anong gusto mong sagot ko sa imagination mo? Nakakakilig, upload mo sa Wattpad! Ganon ba?" Matapos akong pagtaasan ng kilay ay itinuon ulit niya ang kanyang mga mata sa tv at sumubo ng kanyang cereal.
Magkapitbahay lang kasi kami at kapag wala ang parents niya ay dito na siya dumideretso pagsikat palang ng araw. Kapal ng mukha eh.
De joke, bffs kami simula pa noong nakasuot pa kami ng diapers. Para na nga kaming magkapatid eh.
Binatukan ko nga siya. Bahala siya kung malunok niya yung kutsara. "Sinabi na ngang hindi ako nagsisinungaling! Nakasama ko nga si Aeron!"
"Shabu pa!" Asar niya sakin sabay tawa. Okay ano kaya kung ibaon ko na siya sa lupa?
"Bahala ka nga sa buhay mo! Bwiset ka!" Naiinis akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at dumiretso sa kusina. Konting konti nalang at makakapatay na ako nang dahil lang naman sa bestfriend ko pa. Bruhang iyon.
Pagbalik ko sa sala ay may dala na akong isang basong ice cream. Mabuti nalang talaga at nag-uwi ng ganito si Papa kahapon. Kaswesweldo niya daw kasi.
"Nga pala, speaking of Aeron, may mallshow siya mamaya dyan sa Patootie mall. Ano? Punta tayo?" Excited na wika ni Mariel. Ang bruha talaga hindi naniniwala sakin.
"Ewan ko sayo." Inirapan ko siya at nanood ng tv. Kakabadtrip siya eh.
Siniko niya ako. "Lakas naman kasi ng tama mo. Seriously? Si Aeron ay nakasama mo at take note nakaholding hands pa? Malabo yun fre."
Hindi ko siya nilingon. Kainis! "Sige wag kang maniwala. Makikita mo."
"So ano, punta tayo mamaya?" Nakangiting tanong niya. Nang-aasar talaga ata siya eh.
"Whatever." I rolled my eyes at her.
***
"Ano ba yan ang dami namang tao eh!" I whined. Grabe, baka magkastampede dito anytime.
"Eh ano pang aasahan mo? Si Aeron ba naman kasi ang pinakasikat na teen actor ngayon tsaka wag ka na ngang magreklamo diyan!" Naiinis niyang sagot at saka ako hinila para sumiksik dagat ng tao. Hanep!
Sinubukan naming makasiksik papunta sa harapan pero waepek. Inirapan pa kami ng mga babae. Mga bruhang 'to sarap dukutin ang mata.
Bago pa makipag-away si Mariel sa mga babae ay hinila ko na siya papaalis. Pagkalayo namin ay pawis na pawis kami at hinihingal. Grabe wala pa nga si Aeron ganito na ang eksena. Paano pa kaya mamaya?
"Mga impaktang yon kala mo mga magaganda eh kapapanget naman nila mga bruha!" Naiinis na sigaw ni Mariel.
"Oh tama na pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Saway ko sa kanya.
"Paki ko! Di naman nila ako kilala!" Talaga atang inis na inis na siya.
"Oh anong gagawin natin ngayon?" Sinuklay ko ang aking buhok na nagkagulo gulo na.
"Kailangan ng receipts para makapagpa-autograph sa kanya diba?" Tanong sakin ni Mariel na sinusuklay din ang buhok niya.
"Oo ata." Well ganoon naman palagi diba? Kailangan ng mga resibo o ano pang lechebureche para makapagpa-autograph sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Pinakamaswerteng Reyna Ng Kamalasan
Teen FictionIstorya ng babaeng puno ng malas at kung paano sinuwerte habang naggrogrocery.