WUHUUUU! HEY, LOVES! I'M BACK! FOR REAL. HAHA OH MY GOSH! I AM SO EXCITED TO SEE YOU AGAIN HERE. AND BECAUSE OF THAT HERE IS THE CHAPTER SIX THAT YOU ARE WAITING FOR. I HOPE EVERYONE IS EXCITED TO SEE ME HERE AS I AM RIGHT NOW. IT'S BEEN A LONG TIME, LOVES. AND I'M REALLY HAPPY TO BE BACK. SO, HERE'S MY SURPRISE TO ALL OF YOU. AND WHAT ARE YOU WAITING FOR? BEAR WITH MY TYPOS IT'S UNEDITED CHAPTER. AFTER YOU'VE DONE READING, PLEASE, DO SOME VOTE AND COMMENTS... I LOVE YOU ALL! GOD BLESS. WIHIIII!!! SEE YOU AGAIN ^_^
"NO..." nahihintakutang wika ni Ruby. Hindi totoo ang narinig niya. Isa lamang panaginip ang sinabing iyon ni Michael. "T-this is not funny, M-Michael." Nilingon niya si Rod. Nanatili lamang itong nakayuko at hindi nagsasalita. "R-Rod, w-what's this?"
"I'm sorry, little one," anito.
Marahas na napatayo siya at matalim na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Stop this! Apat na taon natin siyang kasama sa Australia, Rod! 'Wag nyo akong pinaglololoko. Buhay siya at lagi ko siyang kausap. Ano'ng sinasabi n'yo? Oh god! This is absurd! Don't you ever manipulate me and saying all this sh*t."
Napatayo narin si Michael nang akmang tatakbo siya palayo sa mga ito. Hindi niya kaya pang marinig ang ano pa mang sasabihin nito. Hahanapin niya ang ate niya. Bakit nga ba wala ito kung kailan kailangan niya ito? Pinaglalaruan siya ng dalawa at kapag sinabi niya iyon sa kapatid ay siguradong hindi nito pahihintulutan ang mga nangyayari. Ngunit nasaan na nga ba ang kapatid niya? Kanina pa niya hinahanap ito. Naramdaman niya ang matatag na brasong pumigil sa kanya para umalis. Of course, it was Michael.
"Let go of me..." nanghihinang anas niya rito. Kung kanina lamang ay takot siyang makita ito. Ngayon ay gusto na niyang sapakin ang mukha nito dahil sa kasinungalingang sinabi nito.
"No! I will not. Not until you'll learn to admit to yourself that your sister was really gone and will never came back...physically," nakita niya ang pag-igting nang mga bagang nito habang mahigpit parin ang kapit sa kanyang braso. "I know na hindi na namin siya maiaalis sa sistema mo. Sa katauhan mo, Ruby. But please, try to accept the fact that she's really gone for real. She was killed by that Japanese businessman a very long time ago. Don't you remember? You were there too. You tried to save her by doing that... thing. But she never made it. She lost a lot of blood because of that man pulled a trigger directly to her heart. And-
"Stop it! Stop it! Stop!" napaluhod siyang sapo ang ulo. Sumasakit iyon. Pilit niyang inaalala ang mga sinabing iyon ni Michael. It was blurry. Pero sandaling nalito siya sa mga ala-alang pilit na nagsusumiksik sa utak niya. Hindi malinaw ang mga an-ag na nakikita niya at nahihilo siya. No! She can't faint again. Kahit na pilit niyang sinasabi sa sarili na hindi totoo ang naririnig niya. May isang bahagi ng katauhan niya ang pilit na lumalaban at nagsasabing marami pa siyang dapat malaman.
"Michael, don't you think you're being absurd?" pumagitna sa kanila si Rod. "I don't think this the right way we can do to fix this things. I'm still her doctor." Agad itong lumapit sa kanya ngunit pumiksi siya palayo.
"R-Rod, please...sabihin mong hindi totoo ang sinasabi niya," luhaang samo niya sa doktor.
Agad itong nag-iwas ng tingin. Hindi kayang tingnan ang pagiging miserable niya. "I'm sorry..."
Sorry...that's it! Ibig sabihin totoo talaga ang sinasabi ni Michael? No! She can't accept it. She can't and she will never be.
Pilit niyang itinayo ang sarili. Ngunit naging maagap sa kanya ang dalawa sa pag-alalay nang muntikan na siyang tumumba. Gusto sana niyang kalmutin, suntukin, at bugbugin ang mga ito. Gustong-gusto na niyang umalis sa bangungot na iyon. Dahil iyon lang naman ang naiisip niyang eksena. Na isa lamang masamang panaginip ang lahat. Ngunit ang mga sinabing iyon ni Michael ang siyang nagpapahina nang loob niya. Kaya naman nagpaakay nalang siya sa mga ito hanggang sa maiupo siya sa sofa roon.
BINABASA MO ANG
I love my Sister's Bestfriend: Back for Worth (Book 2)
RomanceNanirahan si Ruby sa Australia kasama ang Ate Celine niya. At sa loob ng apat na taong nagpakalayo-layo sila, kinailangan nilang bumalik kung saan nagsimula ang insidente sa buhay nilang magkapatid. Kasama na roon ang muling pagkikita nila ni Michae...