Masama bang maghanap?
Masama bang hanapin ang nakalaan sayo?
Hindi naman kasalanan yun eh.
Kasalanan bang nakakasawa nang maging single?
Mali bang hanapin siya para makasama na siya? Kasalanan bang mainggit sa mga couples na pakalat-kalat sa paligid?
Mali bang magsawa na kakahintay na dumating siya?
Kasalanan bang sumakit ang mata, 'pag nakakakita ng mga magkaholding hands, magkayakapan, at magkahalikan?
Kasalanan bang gusto na ng isang tao na magkaroon ng mga ganung bagay? Yun bang may hahawak na kamay mo, at 'di na ito bitawan. Yung kapag may problema ka, pwede mo siyang puntahan at tutulungan ka niya. Yung tipong 'pag umiiyak ka, sabihin lang niyang, 'okay lang yan' tatahan ka na. Yung bang lalapitan ka lang niya, papatawanin ka na. Masama bang pangarapin na 'sana gawin na niya ang mga bagay na ito'? Masama isipin na nandyan lang siya sa paligid?
Parepareho lang naman nating gustong makakita ng taong mamahalin tayo at hindi sasaktan. Hindi naman masamang mangarap. Mahirap lang talagang makahanap.
"Hoy, Dianne! Tingnan mo yung lalaki dun oh!" sabay turo ni Mary sa lalaking naglalakad sa kabilang street. "Ang gwapo niya!" at kinilig pa sila ni Trisha.
Tiningnan ko lang yung lalaki. Gwapo nga siya. Pero parang may mali sa kanya na di ko maexplain. Gwapo, maputi siya. Alaga niya ang kanyang skin. At para siyang naglo-lotion.
Nga pala, ako si Dianne. 16 years old. 4th year HS. na ako. Yung mga kasama kong malandi, sila si Mary at Trisha. Bestfriend ko sila.
Alam niyo ba ang kasabihang "Tell me who your friends are. And I tell you who you are"? Yan ang pinaniniwalaan namin. Kaya kung malandi sila, mas malandi ako. haha xD
Pakalat kalat nga pala kami dito sa may daan. Nagbo-BoyHunting sila. Kasama ako, syempre. Naghahanap ng mga gwapong lalaki na pwede naming maging boyfriend. Nagdidikit din kami ng mga papel sa bawat puno na madadaanan namin. At ang nakasulat ay:
WANTED: Boyfriend
Requirements: 16-17 years old, 4th year HS. Matalino, mabait, sweet, talented, at
TAKE NOTE: Kailangan GWAPO
Joke lang. ^_^V Di naman namin yan gagawin noh. Di kami ganun kasabik na magkaroon ng instant boyfriend.
Tumigil sa paglalakad yung lalaki nang makita niyang tinitingnan namin siya. At bigla siyang kumaway. Suddenly, sabay sabay na kaming tumawang tatlo."Shet. Sayang siya! Hahaha..." sabi ni Trisha habang tumatawa.
Oo, sayang yung lalaki. Kaya pala parang may mali sakanya eh. Siya ay isang beki. Sayang po ang kanyang taglay na kagwapuhan. haha :D
Matapos yun, umalis yung dalawa dahil maghahanap pa daw sila ng lalaking pwede nilang maging instant boyfriend. Iniwan na nila ako dahil gusto kong mapag-isa.
Bakit kaya wala pa akong boyfriend? Bakit kaya walang nanliligaw sakin? Hindi naman ako panget ah? Bakit wala ni isang lalaki ang gusto akong ligawan?
Siguro may isang lalaki rin ang naghahanap sakin. Pero, bakit di magkatagpo ang landas namin? Bakit ang tagal naman niya akong hanapin? Nandito lang naman ako eh. Hanggang kelan kaya ako maghahantay na dumating na siya? Hanggang kelan ko paulit-ulit sasabihin sa sarili ko na 'Malapit na siyang dumating. Konting hintay pa.'?
Anyway, nandito ako sa daan at palakad lakad lang.
Kelan kaya niya ako sasamahan lumakad sa daan at magkahawak pa kami ng kamay? Sino kaya ang taong para sakin? Bakit ang tagal naman niyang pumunta sa harapan ko?