Dear Ex

5 0 0
                                    

Paglabas ko ng kwarto e agad ako sinalubong ng kapatid ko na si Nate na halos isaksak na sa mukha ko ang cellphone nya . Panigurado mangaasar nanaman to .

"Ate ! basahin mo to dali ! makakarelate ka dito .Hahahahaha"

"Hay nako Nate ! ang aga aga ha ! panigurado nakakabwisit yan ."

"kow bitter ka lang ! KJ e dali basahin mo na"

"akin na nga ! ano ba yan ?"

Pagkuha ko ng cellphone nya e agad bumungad ang title nung nakapost sa fb nya "An open letter for my Ex". Habang binabasa ko para bang may kumikirot sa puso ko na parang ako ang nagsulat at nagpost nito . Dama ko sya kung sino man sumulat nito.

"Iiyak na yan ! Iiyak na yan ! Hahaha .sabe ko na nga ba ikaw makakarelate diyan e! "

"Iiyak your face ! Hindi ako affected noh! agang aga madrama agad . Tigilan mo nga yan . Tara na magalmusal na tayo"

Pagkatapos magalmusal dumeretso na ulit ako sa kwarto ko . Umupo sa kama ko at natulala . Napakapektado ko naman sa nabasa ko .Nang biglang may bright idea na sumulpot sa sulok ng utak ko . Kumuha ko ng papel at ballpen .

Dear Ex,
Isang buwan na ang nakalipas simula ng naghiwalay tayo . At ngayon ngayon ko palang nabubuo mga gusto kong sabihin sayo. Gusto kong malaman mo na unti unti ko nang natatanggap ,at unti unti ko nang nakakayanan na wala ka , na tapos na tayo . Hindi ko akalain na makakaya ko dahil sa mga lumipas na araw ay nawawala ako at hindi ko alam san magsisimula . Pero mabuti nga ang Diyos dahil nagbukas ulit sya ng bagong pintuan para sakin . Gusto kong magalit sayo ng sobra sa mga nalaman ko na hindi ako naging sapat sayo sa loob ng dalawang taon . Hindi ko namalayan na may kahati pala ako dahil sa matatamis na salita at sa mga ginagawa mong nagsasabi na ako lang . Pero hindi ko pinagsisisihan na lumaban at nagmakaawa ako para sa maling tao dahil alam ko na ginawa ko ang makakaya ko para satin . Nanahimik ako sa lahat ng mga sinasabi mo na patuloy akong sinasaktan . Nanahimik ako dahil mas gusto kitang intindihin . Nanahimik ako dahil ayoko nang magkaroon pa ng dahilan para magkaroon tayo ng koneksyon . Sapat na sakin ang pagpapanggap na hindi kita nakikita at hindi ko nararamdaman ang presensya mo . Kung akala mo ay kumakapit pa ako nagkakamali ka ,dahil nung mga panahong sinabi mo na hindi mo na ako mahal at nakalimutan mo na ang lahat , at nalaman ko kung bakit ,bumitaw na ako . Bumitaw ako sa pagpapakatanga para sayo . Marahil ay natakot lang ako na magisa. Pero ngayon nakita ko na ang sarili ko , ang kakayanan ko . Tama ka kaya ko , madami nga ang nagmamahal sakin. Oo susubok ako ng bago , mamahalin ko ang sariLi ko . Madami akong natutunan sayo , salamat. Salamat sa mga alaala . Salamat dahil natapos na tayo at panahon na para sa sarili natin . Salamat sa bagong simula .

============

Hanggang dito muna guys ! See you sa next chapter ! :**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time to Find Your HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon