May pagkain ka sa tapat mo pero hindi mo kinain kasi diet ka. Bat ka ba nagda-diet? Mainstream kasi? O trip mo lang? Hindi mo ba naiisip yung mga batang namamalimos sayo kanina? Nakita mo yung katawan nila na sa ilalim ng balat e, buto kaagad at wala nang laman? Ganun ang mangyayari sayo kung hindi ka makakain. Yung mga batang yun, salat sa pagkain, e ikaw nasa harap mo na yung biyaya hindi mo pa kinain. Nag-aaksaya ka masyado, kung ipagpapatuloy mo yan, dapat ikaw nalang yung naging bata sa kalsada at yung bata nalang yung may sapat na pagkain. At least siya, maa-appreciate niya yung pagkain na nasa harap niya.

Bisyo, hay, bisyo. Pang matanda lang ‘to kaso curious ka kaya tinry mo din. Yosi ka ng yosi, bat di ka pa namatay. Tutal unti-unti mo namang binabawasan ang oras ng buhay mo sa pagyoyosi. Isang yosi ay katumbas ng limang minuto ng buhay mo. Hindi ka naman siguro kawalan sa mundo kung sakaling mamatay ka dahil sa bisyo mo, pero malaking kawalan ka para sa mga magulang mo at mga nagmamahal sayo. Isipin mo naman sila.

Nagpakahirap ang nanay mo na dalhin ka sa tiyan niya ng siyam na buwan tapos ngayon magpapakamatay ka? Wag kang timang sa katotohanan. Kahit gaano kasakit ang katotohanan kailangan mo ‘tong tanggapin. Hindi pagpapakamatay ang sagot sa problema. Isipin mo, may isang tao sa isang parte sa mundo na mamamatay na dahil sa isang sakit. Sila, nagkukumahog na mabuhay pa ng mas matagal tapos ikaw, ikaw na mahaba pa ang buhay, gusto magpakamatay. Siguro kapag mamamatay na tayo, dun lang natin naiisip na dapat ginawa nating makabuluhan ang buhay natin para kahit nasa kabilang buhay ka na, wala kang regrets. Dun lang din natin maiisip na mahalaga pala ang buhay at dapat hindi natin pinangunahan ang Diyos dito. Habang hindi mo pa oras, gumawa ka na ng mabubuting bagay para kapag dumating na yung oras na kailangan na maghiwalay ng katawan mo at kaluluwa mo, hindi ka masusunog sa nagbabagang apoy sa impyerno.

Para sa KabataanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon