Moonshine Campus, ito ang school na lilipatin namin ng mga kaibigan ko dahil itong school na to ang pinakamalapit na school samin ng mga kaibigan ko kasi magkakapitbahay lang kami. Maraming pogi dyan at halos lahat ng nagaaral dyan ay sobrang yaman.
Ako si Mae Dela Torre, Anak ako ng isa sa pinakamayaman tao dito sa pinas. Meron kaming restaurant at hotel sa iba't ibang sulok ng mundo. Meron akong mga kaibigan, Sina Jessy Smith, Shane Montello, Rose Dave . Third year student kaming apat. Kapatid na ang turing ko sa kanila, Ako lang din ang iisang anak nila mama at papa.
Si Jessy Smith, Siya ang pinakamakulit sa amin. Anak siya ni Jess Smith at ni Sync Smith yung pinakasikat na model sa pilipinas. Ewan ko nga eeh, sabi niya magmomodel daw siya dahil yun daw ang sabi ng magulang niya.
Si Shane Montello, Ito ang lapitin sa lalake. Pano naman ang ganda niya, lakas pa ng sex appeal. Pero pagmahal yan, Sobra. Anak siya ng vice president ng pinas at yung mama ay nasa bahay lang
Si Rose Dave, siya ang pinakamaingay sa klase wala na siyang alam gawin kundi dumaldal ng dumaldal. Lagi siyang napapagalitan ng teacher dahil sa kanyang kaingayan pero kahit maingay yan sobrang bait nyan at wala pa yang minamahal dahil takot siyang masaktan.
Sabay sabay kaming nag enroll sa isang school at yun ang Moonshine Campus.