Let me begin :)

109 0 0
                                    

AN:

1st time kong gumawa ng sarili kong story hahaha. Pero sana please magustuhan niyo. And bare with me pag di nyo nlng feel at pag di gaanong maganda ha :) Kung sino man po ang gumawa dun sa COVER ng story na to. Pahiram po ha ^^

Here it goes...

---------------

INTRO MUNA ME HAHAHA:

HI! Ako si Nathalie Alessandra Lee. Isang typical MAG-fifirst year college student. Bunso saming 3 na magkakapatid. Ang pangalan ng panganay kong kuya and Blits Alexander Lee, and sumunod ko namang kuya ay Fritz Alessandro Lee. I dont know why pero yung mga second name naman it has something to do with the ROOT NAME (chos) ALEX. Ang dahilan naman ng pagkakaroon namin ng magkakaparehas na second name ay dahil sa parents namin. SI papa kasi ang name nya ay Alex Sander Lee at si mama naman ay Alexa Sandra Rodriguez (noon), ngayon LEE na :) Pero sosyal ng kay mama ha Alexa na nga Sandra pa. Hilig din nila sa letter A ha?

Anyways. Since bata ako lagi akong special treatment sa parents ko, hindi lang sa kanila kundi pati nadin sa mga kuya ko. Bunso ako eh, unika hija pa. Maganda din naman maging bunso kaso minsan ang pangit kasi napapnsin nila lahat sayo.

Did I mention kambal ang mga kuyangots ko? Pinanganak sila nung December 25, 1992 at ako naman.. well December 25, 1996 naman ^_^V Hahaha. Kaya pag birthday namin lagi kong inaasar sila mama na tipid sila lagi sa gastos hahaha. Pero okay lang sa parents namin na inaasar ko sila, masaya naman daw sila kasi 25 talaga daw siguro ang itinakdang manganak si mommy, GIFT daw talaga kaming magkakapatid kasi bukod sa MABABAIT, ay sumakto pa kami sa birthday ni Papa Jesus :3 ♡

Kaso, at the same time, hindi naman masaya ang December 26 para sa amin. Supposed to be 4 kami. Dapat TRIPLETS sila kuya. At dapat... mayroon akong ate. Naunang linabas sila kuya noon, tapos, sumunod si ate. Ang name nya ay Blaire Alexandra Lee. Pero kinabukasan, binawi agad si ate. Natrauma sila mama. At ng mejo nakamove-on na sila ay dumating na ako, at natuwa sila kasi isa ulit babae. At ipinangako nila at ng mga kuya ko na aalagaan daw nila ako ng mabuti :) Yie flattered me :3 In some ways hahaha.

Since birth na kaming nakatira dito sa village namin. At sa tagal ng panahon na to, aba siyempre nakahanap naman ako ng besfriend. At ang pangalan ng palakang bestfriend ko ay Luke James Salvador. Napakaganda ng pangalan, pero alam nyo tawag ko jan? LUCIFER -_- Eh pano ba naman ang mean niya minsan. Pero kahit gaanon pa yan ka-mean sakin okay lang, aba siyempre, at least kahit na akala mo kng sinong poging lalakeng galing sa Mars tong kaibigan ko ay mabait din siya :)

Meron kasi yung time na may meron kaming BULLY na neighbor at kinuha yung kinakain kong TofiLuk. Eh peborit ko yun eh -_- Inagaw ba naman. At hindi lang yun, inasar asar pa ako, natural neneng pa edi umiyak ako -.- Ang pangalan ng lalaking yun ay Harris Mendoza. Bwisit! Ayun. Nakita ni bespren Luci, este Lucifer na inagaw nung Harris na yun sakin at ibinalik sakin ung pagkain. Aun, tumahan ako at tinanong ang name nya. Luke daw. Natuwa naman ako kasi meron yung pangalan niyang LUKE sa kinakain kong TofiLuk. Pagkatapos nito ay umalis siya agad at nagbike. Ang sama ng ugali nito iniwan ako bigla pagkatapos tulungan, pwe.

---------------------------

This is really is it is it...

"Natnat!" sigaw ng 2 kong kuya. Ininvade nanaman nila ang kwarto ko.

"Tse! Natutulog yung tao eh!" sagot ko naman sabay takip ng unan sa tenga ko.

"Natnat gising na kasi!" Sabi naman ni kuya Fritz.

Binigyan ko sila ng ..i.. na sign at biglang sabi ni kuya Fritz "Ah ganon ah. Blits talon!"

Ayna! Umakyat yung dalawang pusa sa kama ko at nagtatatalon! sa inis ko naman ay kumaripas sila ng takbo papalabas ng kwarto at agad kong kinuha yung dalawa kong tsinelas at SAPUL! Hahaha.

My Better Half ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon