LUKE'S POV
Natameme ako pagkatapos nung ginawa ni Nathalie. I've never seen her that hurt sa buong panahong kakilala ko siya. Maski man noong nalaman ko yung tungkol kay Harris luha lang siya nun eh sabay sapak sa salamin, scary siya nun mga brad. Pero ngayon, mas natatakot ako... Natatakot ako kasi mamaya pag dumating nanaman yung panahon na aamin na ako ayaw niya na, takot na siyang magmahal.
All the time na nasasaktan siya o may problema siya eh ako palagi yung nilalitan niya, nakakasama niya. Pano pag umamin nga ako but she'll reject me? Dahil isa lamang hamak na BESTFRIEND and tingin niya sa akin. What if she'll reject me because she only sees me as a shoulder to cry and lean on and not as arms & heart to love, hold and protect her.
Makalipas ng ilang minuto lahat kami tahimik lang. Megan decided to break the silent and said "Gosh, what a cry baby" na natatawa pa, sabay pulupot ng mga kamay niya sa braso ni Harris.
"Hey Megan, why dont you just stfu. That hole of yours is starting to smell." Sabi ni Justin, isa sa band members. Eto kasing si Justin may girlfriend, si Samantha. Niloko na kasi si Sam nun at ayaw niya na nakakakita ng nagaganun. Loverboy yun, kahit gago. Bilib nga ako kay Samantha eh, di siya nag give up dito. Englishero to, kaya minsan nakakahawa din. Konting tagalog lang, tinuturuan kasi namin at ng gf niya.
"Hey man, dont talk to my girlfriend like that!" Galit na sabi ni Harris.
"Girlfriend? Sigurado ka. That thing is a bitch!" Nakaturo si Justin kay Megan habang sinasabi eto.
Nakaakmang sasapakin ni Harris etonkaso pumagitna ang ibang band mates namin at sumunod ako na walang bakas ng ekspresyon sa mukha ko.
"Megan. I dont want you coming over MY house ever again. If you will, kakalimutan kong babae ka at kakaladkarin kita palabas" seryosong sabi ko.
"Bro, wala namang ganyanan oh. Girlfriend ko si Megan." Sabi ni Harris.
"Yea, I know. Thats exactly why I dont want her here. Dahil yang girlfriend mo kala mo kung sino. Kunga magdedate o maglalampungan man kayo dont do it here. If you have any objections lumayas ka na rin sa bahay na to." Sabi ko kay Harris.
I know walang magagawa si Harris, his mom died ilang taon after din nila magpakasal ni Dad. Malas ni Dad. We treat Harris like he's dads own blood and flesh. May circumstances nga lang na talagang kelangan na ilugar siya.
Nag walk out si Harris kasama si Megan.
"We're done for the day guys. Pasensya sa drama." Sabi ko sa apat.
"All along akala ko di lang magkasundo si Nathalie at si Sam, yun pala may something na ganun. Ang saklap ng pinagdaanan ni Nathalie" sabi ni Jacob.
Nginitian ko na lang sila at tsaka tumango. Palabas na sana ako ng pinto para hanapin si Natnat ng nagring ang phone ni Justin.
"Hey baby" nakangiting sagot niya. Hahahaha leche inlababo mga dre. "Oh, okay. I'll be right there in a few minutes. Want me to tell him?" Napakunot noo ko. "Okay, be there in a bit, I'll bring some food and drinks. I love you. Bye." Matapos noon ay ibinaba na ni Justin and cellphone niya at humarap sakin.
"Nathalie's at Sam's place. You wanna come?" Tumabgo ako bilang sagot.
"Huhu omg odi kayo na may love life iiwan niyo nanaman ako sa baklang to!" Kunwareng ungol ni Max (MAXIMO) hahaha epic name.
"Wow pre tinde mo ah e ikaw ang bakla satin eh!" Batok ni Vince dito.
I just shook my head and headed out with Justin.
Pagkasakay ko sa sasakyan ni Justin nagsalita siya, "dude lets stop by the mall first I have to buy something for Sam".
"Sige pre" sabi ko. Sa supermarket kami pumunta. Nako, sabi ko na nga ba,msa fresh fruits kami unang pupunta. As usual bumili si Justin ng kung anoanong maaasim, pero karamihan ay strawberry.
Napailing na lang ako sabay sabing "nako naman, yang si Sam parang laging naglilihi ah".
Ngumiti ang tukmol sabay sabing "okay na tong sanay akong nagcrecrave siya ng kung ano ano, so if the time comes Na maglilihi talaga siya I'll get used to it".
I just patted him on the shoulders. Bumili din kami ng chips, chocolates (mostly Nutella) ice cream tas drinks. Nako, tong lalakeng to papatabain yung girlfriend niya sa pinaggagagawa niya eh. Sunod kaming pumunta sa isang pizzeria at nagtake out ng 2 malalaking orders.
Nang matapos na kaming mamili ay nagsalita siya at sabing "do you think kulang pa to?" Napatawa ako hahaha.
"Tol ang dami na nga niyan eh! Mukha nga tayong mga muchacho sa dami ng dala natin tas kulang pa yan? Pag yang si Sam naging balyena kasalanan mo ah" sabay kamot sa ulo niya at pumunta na kami sakanila Sam.
Pagkasakay namin ng sasakyan niya ay nagtext si Sam na nasa hotel na daw sila ni Justin kaya naman dun na kami dumeretso.
Pagkabukas ng pinto ay agad nilapag ng lalakeng to yung mga dala niya sa floor. Napailing ako, nako excited si loko. Agad namang tumalon si Sam at niyakap ito. Kala mo ilang taong di nagkita eh.
"Oyyysss tama na nga yan." Sabi ni Natnat. Jusko, nababakla nanaman ako. My heart xD hahaha.
"Panita ka ng moment. Osya jan muna kayo. Mamimili kami ni Justin ng mapapanood tas aayusin nandin namin yung foods" sabi ni Sam.
"Sige. Basta wag rated xxx." Haynako Natnat xD
"Ay. Sayang mukhang kami lang garud ni Justin makakapanood" panirong sabi ni Sam, binati lang naman ni Natnat ito ng unan at nawala na.
Umupo ako sa tabi ni Natnat, andito kami ngayon sa bedroom at yung dalawa naman sa labas. Huminga siya ng malalim pero halatang pilit and ngiti. "Nakakainggit sila noh? Sana ako fin balang araw, makahanap ng ganong saya". Ayokong ganito siya...
"Huwag mong sabihing susulutin mo si Justin kay Sam?!" Pabirong sabi ko.
"Sira! Haha. I mean, alam mo na, yung sa kahit ano pa man ang pinagdaanan niyo, masakit man o hindi, kayo pa din. Gano man katindi ang pride mo mawawala basta para sa mahal mo. Yung mamahalin ka ng walang kapalit". A bitter smile, then a tear. Ugh. Sabagay, di biro pinagdaanan nila. "I want someone worth it, worth the tears, worth the pain, worth losing your body and soul to", eto na, UMIIYAK NA SI NATNAT, UMIIYAK NA YUNG MAHAL KO.
I gave her a weak smile and pulled her in for a hug. "Luke naiinggit ako kay Sam." Hay, odi sila na bestfriends. Mejo parehas ang mga pinagdaanan nila, kaya nagkakaintindihan sila eh. "Kelan ako makakatanggap ng magmamahal sakin na tanggap ako kung sino at ano ako. Na pati nakaraan at pangit sa akin tatanggapin at mamahalin pa din ako? Kelan?msawa nako,mgustonko ng magpatuloy sa buhay ko. Ayoko na yung nasa nakaraan lang ako."
"Sssshhh" i said rubbing her shoulders with my hand. "Im here for you Nat, ano ka man, sino ka man, ano man ang nakaraan. Di kita iiwan, di kita sasaktan. Kahit maging iyakan mo lang magpakailan man, bastat ang importante sakin, maging masaya at okay ka lang." Humagulgol si Natnat dito, pero makalipas ang ilang minuto, huminto naman ito...
Tulog na ata...nihiniga ko sya at tsaka kinumutan, bago ako makalabas may narinig akong sinabi niya...
"SANA IKAW NA LANG".