Cheese Cake

98 1 0
                                    

Not so long ago in UPLB

Magsisimula na ang lab exam ni Isko in 4 hours. Pilit parin niyang ipinapasok sa kautakan niya lahat ng dapat malaman para sa exam.

4pm

Text to BF: "San ka na love? UPDil ka parin ba?"

BF: "Bus na pauwi ng Rizal love. Galingan mo sa exam!"

Isko: "Ok. Thanks! Ingat sa pag uwi. Love u."

Ibinaba ni Isko ang kanyang telepono upang magpatuloy sa kanyang pagrereview.

6pm

Text to BF: "Bahay ka na ba love?"

BF: "Wala pa love, trafik eh. I'll text you pag nasa bahay na ako. Review ka lang diyan."

7pm

Isang oras na lang at magsisimula na ang examinasyon. Hindi na mapakali si Isko.

Text to BF: "Love, kinakabahan ako sa exam. *__*"

BF: "Mawawala din yan love. Nasa apartment mo ba ikaw?"

Isko: "Oo. Bakit? Bahay ka na?"

BF: "Labas ka nga."

Kasing bilis ng kumakarerang Formula 1 ang tibok ng puso ni Isko habang dahan-dahan siyang lumalapit sa pinto palabas.

"SURPISE!!" Nakangiting bati sa kanya ni Boyfriend.

Parang sasabog na ang puso ni Isko sa gulat at tuwa pagkakita niya sa kanyang kasintahan.

Isko: "Anong ginagawa mo dito??"

BF: "Sinurprise ka."

Isko: "Pero ang layo ng Rizal sa elbi... Anong mer...ron?"

"Happy 100th day!!! I made this for you." Sabay abot kay Isko ng homemade blueberry cheesecake.

Isko: "You counted the days..." Muntikan ng mahimatay si Isko ng very slightly.

"Sorry kung medyo natunaw na ung cheese. Kaninang umaga ko pa yan ginawa. Dala ko nga yan sa lahat ng..."

Hindi na napigil ni Isko ang kanyang sarili at agad-agad niyang hinalikan sa labi si Boyfriend bago pa matapos ito sa pagsasalita. Hindi alintana ang mga dumaraang mga kapitbahay dahil sa pagkakataong iyon, sa kanila lamang ang espasyo, sa kanila lamang ang panahon.

Nawala ang apartment. Tumahimik ang kapaligiran. Sa isip ni Isko, sa oras na iyon, ang mga labi, mga braso, at mainit na dibdib ng kasintahan ang pumupuno sa kanyang buong pagkatao. Walang katapusang kaligayahan. Walang katapusang pagmamahal.

BF: "Hatid na kita sa room mo for the exam."

Isko (eyes as big as two full-moons): "Ohkhey...."

The End.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cheese CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon