BEING a teacher isn't EASY

89 3 3
                                    

NOON hindi ko inakalang magiging guro ako.. Isang high school student na mahiyaing makilahok sa klase, at hindi sanay makihalubilo sa ibang tao.. Nag aaral naman akong mabuti kaya nga lang may kulang pa din.. NURSE talaga ang gusto kong maging ngunit sabi ng mommy ko, " Anak, kung yun ang gusto mo e hindi namin kakayanin, maghihinto kang tiyak sa kolehiyo. Saka mahirap ang trabahong yan, ayokong lagi kang napupuyat." Kaya ala na ako nagawa... Noong college ako... takot na takot ako tuwing may reporting sa klase! Isang beses pa nga at yung di ko makakalimutan ay noong Enviromental Science class namin.. Isang oras akong nakatayo.. Inaral ko naman yung report ko eh! kaya nga lang nung nasa harap na ako nawala na lahat ng inaral ko.. Tumigas na dila ko at hindi na ako nakapagsalita.. After noon, pumunta ako sa CR at doon na lang umiyak! na pakiramdam ko ang tanga tanga ko.. Ginusto ko nang huminto noon sa pag aaral.. Buti na lang may mga totoo akong kaibigan na nagpalakas ng loob ko.. Hindi ko na alam ang gagawin ko noon, First year pa lang ako iniisip ko na kung paano ako sa OJT ko? Kung paano ko magagampanan at kung paano ako makakapasa... Sobrang takot ako habang lumilipas ang panahon at papalapit na ang 3rd year.... Buti na lang noong Philosophy class namin.. Yun ulit ung time na magrereport na naman ako! Hindi ko pa din nakakalimutan yung dati at trauma pa rin para sa akin yun...Nung nagsimula akong magreport nakatingin lang sa akin ang professor ko.. Hinahayaan nya akong sabihin ang lahat ng dapat kong sabihin.. Natapos ang report ko then sabi nya, " Very good". Then nagbigay pa din sya ng ilang paliwanag... Alam ko sa sarili kong di ako magaling, pero masaya ako kasi naniwala sya sa akin! Yung pakiramdam ko noong nagreport ako sa envi sci eh nawala... Doon na ako nagsimulang maniwala sa sarili ko na kaya ko naman pala... Doon na nagsimula ang lahat... Kahit mahirap at puno ng takot ay hinarap ko pa din...Kaya nagpapasalamat ako pagkat may naniniwala na kaya ko.. Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang lahat.. Nalaman ko na marami pa ding nagtitiwala at naniniwala sa akin... At kung wala sila siguro wala ako ngayon sa propesyong aking tinahak.. Nagtapos ako ngunit alam ko pa din na marami pa akong dapat malaman..

After graduation pumasok ako sa private school.. Elementary level... New approach.. Kasi diba secondary ako.. Dito ko naranasan lahat.. Syempre bago ka pa lang at aminadong gumawa ng mga kapalpakan... Nobody is perfect naman diba? Maraming nagalit, maraming humusga, pero maraming pa ding NANIWALA... Doon ko na naranasan ang tunay na buhay... Kung dati ang alam ko lang sa pagiging guron ay ang pagtuturo ng subject pero hindi pala... kasi nandyan ang mga studyante na higit sa lahat ay dapat turuan hindi lang ng academic subjects pati na rin ang magabayan sila sa tama... Dito na humaba ang aking pasensya, biruin nyo naman 35 pupils iba iba ang ugali so dapat iba ibang approach din ang gawin... HAY NAKO.. MALI ang mommy ko... sa pagiging guro lahat na nang hirap aking natamo.. Hindi lang pala sa loob ng klase natatapos ang isang araw! Pagdating sa bahay gawa ng visual aids, gawa ng lesson plan, aralng aralin... Pare parehong routine...! Malas mo pa pag nadali ka ng sakit! Gustuhin mo mang pumasok para di maiwanan eh wala kang magawa... Malas din pag napatawag ka sa office kasi may magulang na nirereklamo ka.. haha I experienced all of these things...

From private to public, elementary to high school... Yan na ang sumunod na kabanata.. Yun kapalaran ko eh... Kaya nga kahit madami akong negative feedback na nabalitaan sa pag alis ko e go pa din..May opportunity eh.... grab ko na lang,,, kayo man nasa kalagayan ko di ba?

Bagong approach na naman... ibang iba sa nauna... pero di naging madali... matagal din akong naghintay..

7 months akong nasa bahay, laging mag isa.. Habang hinihintay yung time na finally mapasok na ako sa public... Ngunit di lang dun nagtatapos ang lahat.. Ang damig gulo, may nagkaaway, at di malaman kung san nga ba tlaga ako mapapadpad... Pero mabait pa din si LORD.. DI nya ako pinabayaan... Napasok din ako at hanggang ngayon ay nandito pa din..!

Unang salta ko sa paaralang ito ay hindi ko alam aking gagawin.. Bago lahat at sa kasamaang palad eh wala pa tumutulong sa akin... (itutuloy)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEING a teacher isn't EASYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon