PROLOGUE
"A-aalis ka..."
Sumasakit ng lalamunan ko ng itanong ko sa kanya iyon. dahil siguro sa pagpipigil sa pag-iyak. Ayokong ipakita sa kaniya na napakahina ko. Ayokong isipin niya na ginagamit ko yung pag-iyak para maawa siya sakin.
Nakita kong napahinto siya sa ginagawang pagsuot ng polo shirt at marahan siyang nilingon.
Tumingin siya sakin pero, nag-iwas lang ako ng paningin. Ayokong makita niya akong naluluha. Hanggat kaya ko pang pigilan ang pagtulo, pipigilan ko. Marahan akong humugot ng hangin para kahit papano makahinga ako at maiayos ang sarili bilang paghahanda sa isasagot ng asawa ko.
"I'm sorry pero, kailangan ako ngayon ni Abie."
BOOM!!!
Sa sinabi niya yun sakin parang bombang sumabog na lang bigla ang lahat. Maging ang tuluyang pagtulo ng luha ko na kanina ko pa pinipigilang wag tumulo. Sorry kung mahina ako at napakaemosyonal. Hindi ko lang mapigilan. Masakit lang talaga na marinig yun sa kaniya mismo.
Sino bang asawa ang makakayanan 'to? Hindi madali..
Ang sakit..
Ang sakit sakit na..
Yung wala na kong maramdaman kundi sakit na lang..
Akala ko noon..
Pag bumalik siya samin magiging OKAY na ang lahat...
Magiging maayos na ulit at magiging masaya na kami..
Magiging kompleto na kaming pamilya..
Ako..
Si Andy..
At ang mga anak namin..
Pero..
Pero bakit ganun?
Hindi ba pwedeng kami na lang ulit?
Yung walang abie?
Yung kami lang..
Kasama sina Leah, Lance at si Lawrence..
Hindi ba pwede yon?
Nang hihina kong napaupo sa gilid ng kama namin. Nakatulala habang patuloy ang paglandas ng luha sa mga pisngi ko.
Lintik naman tong luhang to ohhh...! bakit hindi ka marunong makisama? Kainis ka naman eh.. sabi ko wag kang tutulo.. tumulo ka parin. kaasar!
Inis na pinunasan ko ng kamay ang luha sa pisngi ko. Naramdaman kong lumapit siya sakin. Alam kong nahihirapan din siya sa sitwasyon namin ngayon.
Sa pagitan namin...
Paamilya niya at sa babaeng pinagkakautangan niya ng buhay..
Na ngayon..
Mahal na niya..
Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod.
Yakap ng pagsusumamo..
At hinihingi ang pag-iintindi sa desisyon niyang gagawin..
Napapikit ako ng mariin..
At tuluyan na akong bumigay.
Yes! umiyak na ko . yung iyak na puro sakit at pagsisisi. Sakit kasi hindi ko na kaya pa yung bigat ng katotohan na nasa amin siya ngayon ng mga anak namin pero ang puso niya nasa iba na. At pagsisisi kasi, kung napaaga lang ako ng konti
BINABASA MO ANG
What Minds Can Forget?
RomanceTotoo ba yung kasabihang, 'Ang isip nakakalimot pero, hindi ang puso ..' Ngunit paano kung pati ang puso niya, Hindi ka na magawang maalala? Lalaban ka pa ba, kung alam mong umpisa palang talo ka na? Can the heart remember what the mind may forget...