Her Sacrifices

3.3K 99 14
                                    

Her Sacrifices

"Janela! I'm glad you came!" Bumeso-beso muna ako sa mga kaibigan ko bago naupo sa harapan nila.  Ngumiti ako ng tipid sa lahat at unti unting tumango.

"Akala namin, hindi ka na darating" Sabi saakin ng isa pa kaya ngumiti lang din ako.

"Oo nga e! Ikaw lang ang wala 'pag nagkataon. Buti naman ang nakapunta ka?" Tanong ulit ng isa. Binigyan nila ako ng isang bote kaya uminom lang ako bago ko sila sinagot lahat.

"Sabi ko naman na nagkikita ulit tayo 'dba?" I told them. Ngumisi lang sila saakin.

"And that's five years after college. Akala nga namin ay nagasawa ka na" Tumawa silang lahat pagkatapos nilang sabihin yun saakin. Ngumiti lang ako ng tipid.

"I just wanted to focus on myself. Besides, gusto kong tumulong sa negosyo namin kaya tinutukan ko yun. And now, stable na siya. May mga branches na" I smiled sweetly. Ngumiti lang sila saakin pero hindi na nila ako tinanong. Na parang natahimik silang lahat at nakatingin lang saaking likuran. I didn't move. Alam ko na kung bakit. At parang gusto ng lumabas ng puso ko mula sa loob ko.

"Ah, pare. Inimbita pala namin--"

"Nandito ka pala. Mabuti naman at nakadalaw ka" Gusto kong maiyak sa lamig ng boses niya. Unti unti akong lumingon rito at laking gulat ko ng makita ang dalawang babaeng nakaabrisete sa braso niya. I faked a smile. Ang laki na ng pinagbago niya.

"Yes. Nakaleave na kasi ako kaya sakto naman ang invitation nila. Congrats nga pala sa bago mong resort. Alam kong proud--"

"Thanks. Sige, una na ako." Putol niya sa sinasabi ko at tinalikuran na ako. Nanlumo ako bigla. Lalo na ng makita kong pinulupot niya ang braso biya sa mga bewang ng babaeng kasama niya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nilang lahat saakin. Bigla kong naalala na marami pala kami dito. I faked another smile.

"Yes! Inom na tayo?" Nakangiti kong tanong sa kanila. Naghiyawan naman ang lahat bago nila itaas ang kani-kanilang mga bote.

Ilang case na ang naubos namin at medyo tumatama na ako. Kasalukuyan na kaming nasa tabi ng dagat at nagtatawanan lang.

"Body shot tayo guys!" Yaya ng isa sa mga kasama namin kaya naghiyawan ulit lahat. Hindi na sana ako sasali pero mas nauna akon itulak nh mga barkada ko sa gitna kaya mas lalong lumakas ang hiyawan.

"Sandali! Ayoko!" Tutol ko pero napuno ng kanchawan.

"Akala ko ba, you're brave?" Tanong nila saakin kaya wala na akong choice kundi um-oo na lang. Kami kami lang naman. Wala namang magagalit. At lalong wala namang may pakialam.

Tinulak pa nila si Kent--yung dating manliligaw ko. Tumatawa silang lahat habang kumakanta ng muling ibalik. I smiled at Kent. He just whispered 'pasensya na' . I told him it's okay.  For fun lang naman.

"Bunot na Janela" Utos ng isa naming kasama kaya bumunot ako.

Navel.

What the fuck.

Inilabas nila ang tequila at binigay kay Kent. Ipinwesto nila ako sa lamesa at tinaas ang blouse ko. I looked at them again. Lasing na rin naman sila. Iilan na lang kaming nasa sariling isipan.

"Gooo!!" Hiyaw nila. I nodded at Kent. Linagyan na niya ng alak ang katawan ko. Linagay nila ang lime sa mismong bibig ko. Pumikit ako dahil sa hilo at hinintay ang labi niya pero hiyawan ang narinig ko.

"This is just for fun!" Kent shouted. Bumangon ako at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang galit na anyo ni Chris--yung ex ko, yung kausap ko kanina. Inis siyang humakbang palapit saakin at pilit akong itinayo ng maayos. Lalapit sana si Kent ng itaas ni Chris ang kamay niya sa ere.

Her Sacrifices(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon