Chapter 6- Date it is?

8 1 0
                                    

Date it is?


Someone's POV


"Sige papayagan ko kayo magsama ngaun pero sisiguraduhin kong mkakabalik ka rin sakin My Ezi ko" sabi ko sa isip ko habang nakatingin kina Trix na mangaagaw at kay Ezi my love.


Umalis na ako para di nila ako mapansin at nakasalubong ko si Ella na bestfriend nang bwisit na Trixiang un.


"Ui, bakit di ka pa muuwi? wla na tao dito ahh?" tanong niya saken


"Eh kung ganun di tao ang tingin niya sa sarili niya?" bulong ko sa sarili ko


"may sinasabi ka ba?" tanong niya


"ahh wla, sige una na ako." sabay alis na ako.


"Relax Empress.. Magiging maayos din ang lahat." pagkausap ko sa sarili ko.


pagdating ko sa bahay dinial ko number niya at sinagot naman niya un.


"Hello?" siya

di ako sumasagot

"Hello, sino ba toh?" tanong uli niya

Napatawa ako kasi natutuwa ako na marinig uli ang boses niya tapos inend call niya.


"Hay pwede na ako matulog saka ko na pagiisipan kung anong magiging plano ko" sabi ko sabay higa sa kama at natulog.




Kiel's Pov


Andito kami sa classroom at pinapakilala ni Mrs. Perez si Sir Inigo. Napatingin ako kay Trix at kitang kita ko din na nakatingin si sir sa kanya.

Nakatulala si Trix habang nagpapakilala si sir.

gusto ko sanang tanungin kung ok lang siya pero nahihiya ako. Kahit naman close na kami niyan babae pa di yan at baka mapagusapan kami dito. Tinignan ko na lang si Ella at sinenyasan kong kausapin si Trix. Sana nga lang nagets niya ung tingin ko sa kanya.

Umiling siya. ano un di niya ako naintindihan o ayaw niya gawin? Di ko tuloy kung anong gagawin ko. tumingin na lang ako kay sir habang nageexplain siya nang kung ano-ano. Di ko pa rin mapigilan na tignan si Trix at kitang-kita ko na parang gusto niya maiyak. Nangigilid ung luha niya kya di ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at humawak sa kanya.

"Sir excuse Us." di ko na inantay ung sagot ni sir at hinila ko si Trix palabas at pumunta dun sa may garden dito sa loob ng school.


Di ko napansin na umiiyak na pala siya.

"Sorry" sabi ko kahit alam kong di ako ang may gawa. Nabigla na lang ako nung bigla niya akong niyakap.

"Don't say sorry, ako dapat ang magpasalamat sayo kahit hindi naman tayo ganon kaclose concern ka saken. Bakit kasi bumalik pa siya. Ok na ako eh. Masaya na ako sa buhay ko ngaun pero bakit bumalik pa siya?" sabi niya habang umiiyak na nakayakap saken

Hinagod ko naman ang likod niya.

"Sige iiyak mo lang yan, alam ko naman na kahit matapang ka may kahinaan ka pa rin, at tao ka kaya dapat lang umiyak kapag gusto mo at kelngan mo, andito lan ako palaging kaibigan mo, pag kelangan mo." sabi ko sakanya at hinawakan ko balikat niya at iniharap ko siya sken. hinawakan ko ang baba niya para tumunghay siya.

"Siguraduhin mo lang pagnatapos kang umiyak di ka na iiyak sa parehong dahilan" seryosong sabi ko sa kanya at napaiyak na naman siya at naupo sa upuan habang hawak niya ang mukha niya para matakluban niya ang mukhang puno nang luha kaya tumabi ako sa kanya at tinapik-tapik ko an balikat niya.


"Thank you nga pala Ezi ha. Malaking pasasalamat ko sayo kasi di ko talaga alam kung makakaya ko pa kanina dun sa loob nang classroom. Thank you talaga" sabi niya nang pabalik na kami sa room pero napahinto ako.

"What did you just call me?" nabigla siya nang napatigil ako at tumigil din siya sa paglalakad.

"Ezi? Ezi nga, wla naisip ko lan na cute un name na un sayo. Pero kung ayaw mo eh di Kiel na lang uli tawag ko sau pero gusto ko talaga ay Prince" nakangiting sabi niya.

ang gulo niya noh daming alm eh.. ahhaha pero i find it cute kaso may naalala ako sa tawag na un eh.

"hmmm, pwede namang Prince if you like pero wag na lang Ezi may bad memory kasi ako sa name n un eh." sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Ahh, pero pwede ba magtanong My Prince? Este Prince pala" kulit talaga nito nagtatanong na siya diba ..

"ok ano ba un?" sagot ko

"bakit naging Nerd ka I mean you know bihira lang maging nerd ang isang guy kung walang dahilan diba. At tsaka bakit ang bait mo sakin kahit na nito lang tayo naging close. At bakit mo ako hinila kanina at nalaman na iiyak ako. At tsaka.." pinutol ko ang pagtatanong niya.

"Wait lang Trix, isa-isa lang naman." nakangiti kong sabi sa kanya.

"So bakit nga?" tanong niya habang nandito kami sa tapat ng pintuan nang room

"Dahilan kung bakit ako naging nerd? Dahil kelangan. Bakit ako mabait sayo? Kasi turing ko na din sa inyo ni Ella ay bestfriend. Bakit kita hinila? Kasi nakatingin ako sayo nung pumasok si.." naputol ung sinasabi ko at napatingin ako sa kanya

"Si sir Inigo? hay naku kulang sagot mo pero next time ko na lang ikaw kukulitin pag may time. baka mahuli na tayo sa next subject eh." sabi niya saken at humawak na siya sa door knob pero biglang bumukas yun.

iniluwa nung pinto si sir Inigo.

"Oh why are you two just now.? " tanong niya na nakatingin sa aming dalwa. nakita ko naman si Trix na bigla na lang yumuko. Kaya ako na lang umimik.

"Sorry sir." tipid kong sagot

Tumango na lang siya. Papasok na sana kami ni Trix nang umimik uli si Sir.

"Can we talk later?" tanong ni sir na nakatingin kay Trix. Di sumasagot si Trix kaya ako ang sumagot

"Sorry sir may date kami mamaya." sagot ko at nabigla naman si Trix sa sagot ko, nalaki ang mata niya at napatingin naman saakin si sir Inigo.

"Oh I see. ok bye see you later." sagot ni sir at umalis na

pagpasok naman namin ni Trix bigla naman nagsigawan ang mga classmate namin.

"uyyyyy" sabay sabay nilang sigawan samin

umupo na si Trix at syempre umupo na lang din ako di ko na lang pinansin ang mga nagsisigawan.

"Teka tunay ba yun na may date kayo mamaya?" tanong ni Ella kay Trix.

Si trix naman pulang pula dahil yata sa nahihiya siya. Kahit naman anong sagot niya ok lang saken eh. Gawa-gawa ko lang naman ung date date na yan para tigilan siya ni sir.

"Siya tanungin mo." sgot niya kay Ella sabay tingin saken


"uh-oh" sagot ko

.

.

.

.

.

.

next time na uli.. hihih.. di ko alm kung san patungo tong story ko pero thank you po sa mga nagbabasa.. :)

The Nerd And The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon