Cassandra

18 1 0
                                    

Sa bawat talampakan na inilulubog ko sa ilalalim, bigla kong naalala ang lahat sa aking buhay. Totoo palang magkakaroon ng flashback ang isang taong mamamatay na.

Naaalala ko ang dating bahay. Mabaho at nakakasulasok ang amoy alak kong ama pero gusto nyang malinis at maayos ang bahay. Ayaw na ayaw nyang may nagugulo sa mga simpleng bagay dahil alam nya ang posisyon ng bawat isa. Sa unang pagkakataon pinasok ko ang kwarto ni Papa, tulog na tulog sya kahit pa ala-una na ng tanghali. Napukaw ng pansin ko ang nag-iisang litrato sa kwarto, nilapitan ko ito at tinignang maigi.

Litrato sya ng isang magandang babaeng buntis at isang lalaki na sobrang laki ng ngiti pero bakas mong may bahid ng luha ang kanyang mga mata. Para bang ang hinihintay nilang anak ang pinaka magandang bagay na nangyari sa buhay nila. Pakiramdam ko napunta ang diwa ko sa anim na taong gulang na ako. Pakiramdam ko totoo ang lahat na para bang nandoon mismo ako sa sitwasyon. Pinagmasadan kong maigi ang litrato hanggang sa mapagtanto kong ang lalaki sa litrato ay ang aking ama. Kung tatanggalin mo ang mahabang balbas at bigote sa kanyang mukha, walang duda na sya nga. Paulit-ulit kong tinignan ang litrato at ang aking ama, iisang mukha pero magkaibang tao.

Biglang tumulo ang mga luha ko dahil alam ko na kasalanan ko bakit sya nagkaganito. Kung hindi lang sana ako nabuhay sa mundo, baka hanggang ngayon nabubuhay kang masaya kasama ni mama. Nilapitan ko si papa sa kama, hawak ko ang kamay nya habang umiiyak. Siguro dahil sa lakas ng iyak ko ay nagising sya. Idinilat nya ang kanyang mga mata pero di tulad ng date, tumingin sya sa akin ng may bahid ng saya sa bawat mata. Para bang matagal nya na akong gustong makita. Hinawakan ng dalawang kamay nya ang mukha ko. Hindi ko maintindihan bakit pati sya ay nagsimula na ring umiyak.

Papa: Cassandra ikaw na ba yan? Sabi ko na nga ba babalik ka. Alam ko babalik ka dahil palagi mong sinasabi na hindi ka uuwi hanggat madumi ang bahay di ba? Anim na taon na akong naglilinis bakit ngayon ka lang?

Hinawakan ng kanyang mga kamay ang kanang kamay ko ng mahigpit at lalo pang lumakas ang kanyang pag-iyak.

Papa: Dito ka lang ha? Wag ka ng aalis. Kung habang buhay kong kailangan hawakan ang mga kamay mo para dito ka lang sa tabi ko, hindi ako magrereklamo. Alam mong lahat gagawin ko para sayo.

Hindi na matigil ang mga luha ko sa pagtulo. Wala syang kwentang ama pero walang duda na mahal na mahal nya si mama. Siguro dahil sa kalasingan napagkamalan nyang ako si mama. Naaawa ako sa kanya, naaawa ako dahil ang hindi sana mangyayari sa kanya to kung hindi lang sana ako nabuhay. Kaya pinunsan ng aking kaliwang kamay ang kanyang mga luha. Nginitian ko sya para ipakita sa kanyang ayos lang ang lahat pero lalo lamang siyang umiyak.

Papa: Cassandra naman! Aalis ka na naman ba? Nung huling hinawakan mo ang mukha ko at ngumiti ng ganyan ay ang araw na huminto sa pagtibok ang puso mo.

Idinilat nya ng mas maayos ang kanyang mga mata at tumitig lang sa akin.

Papa: Hindi ko na aalis ang paningin ko sayo. Ayokong mawala ka na naman sa buhay ko sa isang iglap. Hindi ko kaya Cassandra, hindi ba pwedeng dito ka na lang?

Ako: Pasensya ka na, hindi kasi pwede.

Papa: Dahil ba sa hindi ako mabuting ama kay Andrea? Nakita mo na ba ang anak natin? Kamukha mo sya lalo na sa mga mata. Pero sabi ko na nga ba hindi magandang sa akin sya maiwan iba pa rin talaga pag ikaw. Dito ka na lang at ikaw ang mag-alaga sa kanya para makitang ko syang ngumiti kahit isang beses lang. Hindi ko kasi sya magawang tignan ng matagal dahil nakikita kita sa tuwing makikita ko ang mga mata nya at naaalala ko uli ang lahat. Kung paanong kahit nalaman natin na may tumor ka na sa utak, naiyak ka hindi dahil malapit ka ng mamatay kundi dahil binalita din ng doktor na buntis ka. Sabi mo masaya ka dahil sa wakas magkakaanak na tayo. Sabi mo isa lang ang gusto mo, ang maipanganak ang anak natin bago mo man lang lisanin ang mundo. Sabi mo ang lalaking kagaya ko na kaya kang mahalin ka ng ganito mas kayang mahalin ng sobra ang magiging prinsesa natin. Pasensya ka na ha? Kastilyo lang ang naprotektahan ko, ang prinsesa natin pinabayaan ko dahil wala akong kwenta. Mahina ako dahil hindi ko man lang sya kayang tignan.

Nag-iyakan na lamang kaming dalawa dahil walang mga salitang kayang magpaliwanag ng mga nararamdaman namin. Gusto kong humingi ng tawad pero ayoko ng magsalita pa dahil lalo lang masasaktan ang puso ko kung malalaman nyang hindi si Cassandra ang nakikita nya.

Nakatulugan ni papa ang pag-iyak kaya dahan-dahan akong umalis ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto para bang bumalik ako sa normal na ako, isang labing syam na taong gulang. Pagkatingin ko sa baba may nakita akong batang lalaki na masayang tumatakbo. Nakakapagtaka, sino sya? Bago pa ako makaisip ng sagot ay may isang lalaki na dumating at hinahabol ng masaya ang bata. Hindi ko nakita ng maayos ang kanyang mukha dahil mabilis ang kanyang takbo.

Ako: Hoy! Sino ka?

Para bang hindi nila ako narinig kaya binaba ko sila ng mabilis. Muntik na akong madapa dahil tumama ang mga paa ko sa harang sa hagdan. Yung harang na nilalagay para hindi makaakyat ang bata at napatingin ako sa buong bahay, ibang-iba na ang itchura nito. Mababakas mong luma na ang bahay pero maganda.

Babae: Tama ang laro, kumain na tayo.

Narinig kong malambing na sabi ng isang babae kaya nilingon ko sya. Nagulat ako ng makita ang sarili ko ngunit mas matanda lamang at may hawak syang sanggol. Bakas sa mga mata nya ang saya kahit pa hindi naman sya nakangiti.

Bigla na lamang akong naibalik sa katawan kong unti-unti ng nilalamon ng ilog. Gusto kong bumalik. Gusto ko pang tumingin kahit saglit. Hindi sapat ang isang segundo. Gusto kong bumalik.

Gusto kong makita kung sino sya, kung sino ang lalaking kasama kong bubuo ng isang masayang pamilya. Gusto kong malaman kung nakilala na ba kita. Isa lang ang dapat gawin para masagot ang mga katanungan ko. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay.

Inipon ko ang natitira kong lakas at kahit mabagal lumalangoy ako paparating sa ibabaw ng tubig pero hindi ko na kaya. Hindi na sapat ang lakas na meron ako para marating ang ibabaw at masinagan muli ng araw. Sinubukan ko pero pasensya, hindi ko na kaya dahil ubos na ang lakas na meron.

Konti na lang, konti na lang maaabot ko na ang ibabaw pero hanggang dito na lang ako. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata bilang pagtanggap sa aking nalalapit nakamatayan ng makita kong may isang lalaki na lumalangoy papalapit sa akin. Naabot nya aking mga kamay pero hindi ko na nakita pa ang kanyang mukha dahil nawalan na ako ng malay.

One Second To The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon