Chapter 1.

0 0 0
                                    

"I'm home." Narinig kong sabi ng kuya ko kaya nagmadali akong maghanda ng pagkain para sa hapunan.

"Kuya, dito ka na dumiretso sa kusina. Nakahain na pagkain natin. Pakitawag na rin si daddy please." Malakas na sabi ko dahil hindi ko ugaling sumigaw.

"Oh, ok. Mauna ka na sa kusina Yuki. Tawagin ko lang  si daddy." Narinig kong sabi ni kuya sa bestfriend nya na ikinapula ko ng mukha.
"Ok." Malumanay na sagot ni Yuki na mas ikinapula ng mukha ko.

Narinig ko ang malumanay na yabag nya papunta sa akin kaya hindi ko mapigilang mataranta sa pagdadala ng ulam sa mesa kaya natalisod ako kaya nahulog ako at wala akong magawa kundi pumikit.

"Ahh!" Sigaw ko dahil mahuhulog din ang ulam ng may yumakap sa bewang ko at pinatayo akong mabuti. Nakita kong may kamay na sumalo sa ulam na muntik nang mabuhos.

"Ok ka lang ba?" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang malumanay nyang boses na bumulong sa tenga ko. Hindi ko mapigilang mangilabot mamula ng husto sa posisyon namin ngayon.

Nakayakap kasi ang isa nyang kamay sa aking bewang habang nakatalikod at nakasandal ako sakanya at yung isa nyang kamay ay nakahawak sa ulam. Dahil mas matangkad sya sa akin, yung ulo nya ay medyo nakatungo at nasa may leeg ko nung tinanong nya ako.

"U-um.. O-ok lang ako. Maraming salamat." Sabi ko sabay ngiti kahit hindi nya ako nakikita.
"Mabuti na lang at naabutan pa kita dahil kung hindi.." Narinig kong sabi nya sabay buntong-hininga nya sa may leeg ko na mas nagpangilabot sa akin. Kilabot sa magandang paraan.

"Kung hindi ay?" Tanong ko sabay tingala sa kanya pero nagkamali ata ako dahil ang lapit na ng mukha nya sa akin.
"Kung hindi ay-" naputol na sabi nya dahil may narinig kaming mabibilis na hakbang na papunta sa kusina.

"Aya! Anong nangya-" naputol ang sinabi ni kuya at nanlaki ang mata sa nakita nyang ayos namin.
"B-bakit ganyan ang ayos nyo? Yuki! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa kapatid ko?!" Histerikal na sabi ni kuya habang hinablot ako mula kay Yuki at itinago sa likod nya.

"Oops. Ano ba Hiroto? Muntik nang mahulog yung ulam. Aiish." Pailing-iling na sabi ni Yuki habang inilalagay sa mesa ang pinaglagyan ko ng ulam.

"Tinatanong pa kita hoy!" Inis nang sabi ni kuya kaya natakot na ako. Pag inis o galit kasi si kuya ay hindi nya mapigilang manakit kaya naman sumabat na ako.

"K-kuya kasi.. Nadapa kasi ako kaya tinulungan ako ni Yuki. Wag ka nang magalit kuya, wala naman siyang masamang ginawa sa akin eh. Tsaka, kaya kong protektahan ang sarili ko kuya." Sabi ko sakanya habang nakahawak sa braso nya.

Tiningnan naman ako ng matagal bago nagbuntung-hinga.
"Tsk. Mabuti na lang at walang nangyari sayong masama. Salamat Yuki." Sabi ni kuya habang nakatingin sa ibang direksyon.

"A-ano.. Maraming salamat Yuki." Nahihiyang sabi ko habang nakatingin rin sa ibang direksyon.

Narinig ko syang tumawa ng mahina kaya naman napatingin ako sakanya kasabay ni kuya.

"Magkapatid nga kayo hehe.." Nakangiting sabi ni Yuki na nakapagpagulo sa akin.
"May ibig ka bang sabihin ha, Yuki?" Nagbabantang sabi ni kuya kaya hindi na lang ako nagsalita at tiningnan lang ng mabuti si Yuki.

"Wala naman Hiroto. Pareho kasi kayo minsan ng mga galaw at salita. Ang cute nyo tingnan." Nakangiting sabi ni Hiroto.

Mas lalong namula ako sa sinabi nyang iyon.
"U-um.. Kumain na tayo bago pa lumamig yung ulam. Kuya, natawag mo  na ba si Daddy?" Pag-iiba ko ng usapan dahil baka makahalata sila pag sobra na pamumula ko,

"Umalis si daddy Aya, sa isang linggo ang uwi. Di mo ba nabasa yung nakasulat dun sa may pinto nya? Naku ikaw talaga, di mo pa ni-lock yung pinto. Pano kung may pumasok sayo? Wala kang kasama Aya! Ang hina mo pa naman tsaka lampa, tsk!"

Hay naku eto na naman si kuya. Ang over protective pero kunwari hindi. Mas sobra pa kay daddy manermon.

"Grabe ka naman kuya. Hindi naman ako ganun kalampa. Malay ko ba namang wala pala sya dito, nalate kasi ako ng uwi kaya deretso ako kusina."

"Nalate ka nang uwi? Kababae mong tao, bakit ka nalate? Siguro may boyfriend ka na no?" Taas-kilay na tanong ni kuya sakin.

"Pabayaan mo na nga itong kapatid mo Hiro. Baka tumandang dalaga, sayang naman maganda pa sana. Daig mo pa tatay nya sa pagsermon eh." Pagtatanggol sa akin ni Yuki na ikinapula ko dahil sa sinabi nyang maganda ako.

"May nais ka bang ipahiwatig sa sinabi mong iyan Yuki?" Grabe si kuya makatingin kay Yuki.

"Kuya! Wala akong boyfriend. May group project kasi kami kanina tsaka hinatid naman ako nina Hayato kasi medyo madilim na nang makauwi kami." Sagot ko nang mabilis kay kuya kasi baka mag-away pa sila ni Yuki. Pero mali ata ang nasabi ko kasi kumunot ang noo ni kuya.

"At sino namang Hayato iyan ha? Bakit hindi ko kilala? Atska nina? Madami silang naghatid sa iyo? Puro ba lalaki? Bakit di mo nalang ako tinawagan o kaya si Yuki?" Naku sabi ko na nga ba.

"Kuya, naipakilala ko na ata sila sayo noong hinatid mo ako sa classroom noong opening. Sila Hayato, Rin, Natsume at Takumi ay ang mga kabarkada at kaibigan ko. Nakalimutan mo na ba?" Mabilis na sagot ko dahil baka magwala pa yan dito.

"Bakit puro lalaki mga kaibigan mo? Baka naman mga manliligaw mo ang mga yan? Dalhin mo sila dito bukas para makilatis ni Yuki."Ayaw parin magpatinag ni kuya.

"Babae kaya si Rin. Pupunta naman sila dito bukas kaya ipapakilala ko sila ULIT sayo, masaya ka na?" Mejo inis na sabi ko kay kuya, ang OA kasi eh.

"Mabuti. Aagahan namin umuwi ni Yuki. Kailangan kompleto sila ha?" Hays. Oo na.

"Opo DADDY." Yan na lang sabi ko sakanya para matapos na usapan. Di ko maubus-ubos itong pagkain ko kasi dahil kay kuya.

Si Yuki naman nakangiting nakatingin samin habang kumakain dahil siguro sa pagtatalo ni kuya. Agad ko namang naibaba ang paningin ko nang magtama ang paningin namin tapos narinig ko syang tumawa nang mahina kaya naman mas lalo akong namula. Tsk, Yuki naman eh. Baka mabilaukan ako sayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Coquettishly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon