FIXED MARRIAGE
Everything happens for a perfect reason. Everything is in the hands of God's will. Kaya naman lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may rason kung bakit man ito nangyari. Hindi natin dapat husgahan ang Panginoon sa lahat ng nangyayari.
Pero dumating yung araw na nagalit ako. Hindi ko man sinasadya pero naguluhan ako ng mga oras na yun. Nawalan kami ng pera sa kompanya at kinailangang may magsakripisyo para sa kapakanan ng aming pamilya. At ako yun.
Ako nga pala si Aliyah Summer Dale. At kung bakit Dale ang apelyido ko? Dahil Half American ang Dad ko ngunit pure Pinay ang nanay ko. Moreover, hindi ako only child. May kuya ako. Siya naman si Ariz Winter Dale. Weird ng mga pangalan namin noh? Haha. Pinanganak kasi ako ng Summer in America at si kuya naman during winter.
Moving on, kaya ako ang ginawa nilang sakripisyo ay dahil may ipapafix marriage sila sakin. Ang sakit tanggapin na yun ang nakasanayan ng angkan nila Dad pero sana magwork naman sa akin. Sa kapatid kasi nila, na tita ko, she did not sacrifice at all. Pinafix marriage lang sila para magsanib pwersa ang kanilang mga kompanya. Sa katunayan nga eh may 3 na silang anak. Kaedad ko ang pangalawa niya.
Siya si Kath Delos Santos. At ang kuya niya naman ay si Kean Delos Santos. Ang bunso nila? Ang pinakacute na bata sa buong angkan, si Kyle.
Huwag kayong mag alala, makikilala niyo din kami habang nagpapatuloy ang kwento.
________________________________
It was a Monday morning when my mom told me about the bad news.
"Anak? Iya?"
Naririnig kong kumakatok si Mommy. Ayoko pang tumayo pero kailangan. May klase eh -.-
"Yes mommy? Wait po. I'm coming."
Pagkatapos kong maligo at mag ayos, dumeretso na ako sa dining area. Kumpleto ah, and what's with their faces...
"Tara anak, sabay sabay na tayong mag almusal." -daddy
"Hmm. Buti naman at sabay sabay tayong kakain ngayon. After 48 years..." tapos ngumiti ako. Pero nakakapagtaka pa rin ang kanilang mga mukha.
"What's with the face Kuya?" Tanong ko kay Winter na ngayon ay ngumunguya ng tinapay.
"Anak.. huwag ka sanang magugulat but WE have to tell you something." Seryosong sabi ni daddy
"Yes? And what's that??"
Nakaka curious naman. Ano na?? Please spill it."You're on a fixed marriage."
******
Di pa rin ako makapaniwala. Walang wala ako sa sarili ko ngayon. Papasok ako ng gate at tulirong tuliro ako. Ni hindi ko na pinapakinggan ang guard pagpasok ko. Di ko na kasing nagawang buksan ang bag niya para tusukin niya. And speaking of.. bakit nga ba tinutusok ng gwardiya ang mga bag natin??? Hahaha. Waaaaaahhhhh!!!!
"Ouch..." reklamo ko nang may bumangga sakin.
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!" Ay wow. Sinigawan lang naman ako. Teka sirang sira na nga ang umaga ko mas lalo pang nasira.
"Teka lang ha? Mas matangkad ka diba? Kaya ikaw sana ang umiwas!" Tinalikuran ko nalang siya at . . .
DINUMOG NG KABABAIHAN???!!
Who the hell is he???
Bigla namang may humarang ng daan ko.
Napatigil ako at pagtingin ko...
"INSAN!!!!"
Hahaha parang di rin nagkita ng ilang araw noh? Haha. Ganyan kami eh. Siya na kasi ang naging o ko simula pa nung bata pa ako. Eh pano? Lagi akong inaaway ni Kuya -.-