It's Not Me

8 1 0
                                    


"Mr. Stephen San Jose?!"uh pagtawag ng isang HR personnel. Agad tumayo si Stephen mula sa kanyang kinauupuan. "Yes!" ika nya bagama't kabado ay pinilit nya paring ngumiti at naglakad papunta sa HR personnel. "Please follow me. This way please." instruction ng HR personnel. Sumunod siya sa babae hanggang pinapasok sya sa isang kwarto. Para kay Stephen, sobrang tensyonado ang kanyang buong katawan. Marahan syang umupo at unti unting niluwagan ang tie na kanyang suot. "Hi, Mr. San Jose." pambungad ng HR Personnel.

"Hello, ma'am" sagot na may kasamang ngiting mababatid ang pagkakaba nya.

"We would like to say that we appreciate your interest in applying with us. Unfortunately, you didn't pass our recruitment process. After 30 days, you can re-apply again with us." pagtatapat ng HR personnel. Tila nabura ang kabadong ngiti ni Stephen ng marinig ang mga salitang iyon. Parang hindi naiprocess kaagad ni Stephen ang mga salitang iyon. Namalayan na lang nya ng marinig nya ang mga katagang "Mr. San Jose, do you have any questions?"

"No, Ma'am. Thank you very much." tumayo sya sa kanhang upuan at nakipagkamay sa personnel. At nagmadali syang lumabas sa kwarto at nagtungo sa receptionist upang kunin ang kanyang I.D. Sa isip isip nya. "Another failed interview. Wala na ba akong maipapasa? Hay nako, bakit pa ang ilap ng success sakin?" Habang nakaupo sya sa isang bus stop habang nag aabang ng bus para makauwi. Malungkot at init na init ang tanging nasa isip ni Stephen ng mga oras na ito. At ilang sandali pa'y dumating na ang bus na kanyang hinihintay. Sumakay sya agad at pumwesto sa bandang likod sa tabu ng bintana. Nilapitan sya ng kundoktor at tinaning kung saan siya baba. "Inocencio, isa." sabi sabay abot ng singkwenta pesos sa kundoktor. Ibinigay ng kundoktor ang kanyang ticket at sukli. Umalis na ang kundoktor at kinuha ang kanyang cellphone at headset. Isinalpak ang headset sa phone at nagpatutog ng music para kahit papano ay gumaan ang kanyang loob.

[Hello, How Are you by Nico Nico Chorus]

Ilang sandali pa'y nakarating na sya sa kanyang destination. "INOCENCIO! INOCENCIO! DAHAN DAHAN LANG PO SA PAGBABA!" sigaw ng kundoktor habang sinasalubong nya ang mga pasaherong baba upang marinig sya hanggang sa likod. Tumayo si Stephen matapos makita na nasa Inocencio na sya. "Finally!" sabi nya sa sarili. "Pero sa mall muna ako pupunta bago ako umuwi. Para makapag unwind lang ng konti. Alam mo Stephen, dapat magsawa ka sa pagiging rejected. Everytime na lang na mag aapply ka parang expected mo na di ka matatanggap." ika nya sa sarili habang minamime ng kamay nya ang mga sinasabi nya.

"Alam mo Mr. Handy, hindi porket nareject ako ay susuko na ako. Alam mo siguro hindi talaga meant for me yung posisyon. Alam mo pwede pa akong mag apply ng mag apply hanggang sa matanggap din ako. Hindi ko nga lang alam kung kailangan yon." sagot nya kay Mr.Handy.

"Siguro noong nagpaulan si Papa God ng pagkafeelingero at assyumero, gising na gising ka at sinalo mo na lahat." sabi ni Mr. handy.

"Fil-Am agad ? Hindi ba pwedeng positive thinker muna ? Teka ka lang?! Inaano ba kita ? Haha, nakapagsalita ka jan akala mo hindi ka parte ng katawan ko huh?!. You better shut up!" Sabi nya kay Mr. handy at tinigilan na din nya ang hand dubbing. Maya maya pa'y nasa harap na sya ng Legend Mall at nakapila na sya para macheck ang kanyang gamit. Tila may kakaibang napansin si Stephen sa mga gwardya ng papalapit na sya. "Magandang hapon po, Sir."

"Eh?!?" sabi ko sa kanila. Pagkatapos ay tumingin ako sa likod at sa bawat paligid. Ngumiti na lang ako at naglakad papalayo sa kanila. "Alalayan mo si Sir." Medyo na palakas na bulong ng isa sa mga guard. At dali daling tumakbo ang guard papalapit sa akin. "Sir, dito ang daan." ika ng guard sa akin. Libradilla ang nakalagay na pangalan sa kanyang uniporme.

"Bakit po? May nagawa po ba akong mali ? Sir, kakapasok ko lang po dito sa mall, bakit ninyo po ako huhulihin. Kuya wala pa po akong trabaho kaya sana wag nyo akong ikulong." pagmamakaawa ko sa guard. Tila naguluhan ang guard sa mga sinabi ko.

"Hindi po, Mr. Dy. Ihahatid ko lang po kayo sa inyong opisina." pagpapaliwanag ng gwardya.

"Huh?!" nagtaka si Stephen at muling napalingon sa kanyang paligid. "Ako po ba ang kinakausap ninyo?" tanong nya sa gwardya habang nakaturo sa kanya ang kanyang hintuturo at tumango naman ito pagkumpirma na sya ang kausap ng gwardya. "Hindi po ako si Mr. Dy. It's not me po." sabi ko sa kanya. Sabag kuha ng isa sa mga resume ko na nasa bag bilang patunay at iniabot ko sa gwardya. "Eto po kuya, ang pangalan ko po ay Stephen San Jose, 20 yrs old from Pasig." Parang na mula dahil sa pagkapahiya ang gwardya.

"Pasensya na po sa istorbo, Sir. Enjoy po kayo sa Legend Mall." ika ng gwardya. Ibinalik ng gwardya ang kanyang resume at dali daling bumalik sa kanyang istasyon. Sinundan ko sya ng tingin at napansin ko na pav dating nya sa istasyon ay binulungan ang kasamang gwardya.

Sa isip isip ko ay "tingnan mo tong mga to. Pinag usapan pa ako." Pinalobo niya ang kanyang pisngi dahil sa pagkainis ng konti. "Anyway, hindi naman masamang mapagkamalan. Lakas maka-celebrity."

Naglakad lakad sya sa loob ng mall at halatang halata na kapag dadaan sya sa isang boutique o kung may titignan sya ay tila kabado at nagpipilahan ang mga empleyado na akala mo'y may insperksyon. "Bakit ba parang ang wierd nilang lahat." Ika ko sa isip ko. "Mukha na ba akong nakakatakot ?"

Patuloy pa syang naglakad lakad sa mall. "Rest Room muna." Ika nya. Nagpunta sya sa pinaka malapit na restroom. Sa daanan papuntang restroom ay may nakabunggo siya na isang tao. Nakasuot ito ng sumbrero at nakasalamin. "Pasensya na." ika ng lalaki. Malalim ngunit pleasing sa tenga ang kanyang boses.

"Ayos lang." Sagot ko at nagtungo na ako sa C.R. Paglabas ko sa C.R. ay tila nagkakagulo ang security ng buong mall. Tila may hinahanap sila.

"Nawawala si Shaun. Hanapin ninyo sya sa buong perimeter." pag uutos ng tila boss ng security. Maya maya pa'y nilapitan sya ng tatlo pang mga security na nakasuot ng black na suit and tie. Naglakad na lang si Stephen papalayo na tila wala syang pakialam. Lumabas na lang si Stephen sa mall upang hindi sya maramdaman ang tensyon sa loob. Sa may parking ay muli nyang nakita ang lalaking nakasumbrero at nakasalamin.

"Hoy !" Kinuha nya ang atensyon ng lalaki. "Balak mong nakawin yung kotse no? Hindi ka magtatagumpay. Hinahanap ka na ng mga security sa loob." babala ni Stephen. Nakuha nito ang atensyon ng lalaki at unti unti itong naglakad papalapit sa kanya.

"Pakialamero ka rin, ano?" Ika ng lalaki. Tinanggal nya ang kanyang salamin at sumbrero. Tila maputla ang kulay ng lalaki. At ang mas nakakagulat pa roon ay sobrang makamukha sila. Tila nagulat din ang lalaki ng makita nya ng malinaw ang itsura ng lalaki kumuha ng atensyon nya.

"Ikaw ? Sino ka ba ?" Sabay nilang sunabi sa isa't isa. Dahil sa sobrang pagkakahawig ng dalawa ay pwede mo silang mapagkakamalang magkapatid. At ilang saglit pa'y, nahimatay ang lalaki. Nasalo naman sya ni Stephen. Tila tumigil ang oras ng mga sandaling iyon.

Next : Love And War

It's Not MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon