Love And War

10 1 0
                                    


"Nagkakagulo na ang lahat sa loob." Ika ni Stephen. "Problema ng mayayaman. Ano naman ang pake ko." dagdag pa nya sabay taas ng balikt at kamay. Naglakad sya papalabas sa parking lot at dun ay may nakita syang isang lalaki na pilit binubuksan ang isang mamahaling kotse. "Hoy ! Carnapper!" sigaw nya at nakuha naman nun ang atensyon ng lalaki. Naalala nya na sya ang lalaking nakabunggo sa kanya noong papunta sya sa rest room. Unti unting lumapit ang lalaki kay Stephen. Nataranta si Stephen. Wala sa ugali ni Stephen ang manakit kahit isang maliit na insekto ay hindi nya kayang patayin. "I-I-I-I IKAW! Wag ka ng lalapit pa.!" banta nya. Hawak hawak ang payong na asul na kinuha nya mula sa kanyang bag. Lumapit pa ang lalaki at napaupo si Stephen sa sahig. Sinipat sipat ng lalaki ang mukha at katawan ni Stephen. Sa isip isip ni Stephen ay napakawierd ng lalaking nasa harap nya.

"Ikaw, ano ang pangalan mo?" tanong ng lalaki sa kanya.

"Huh ?!" nabigla sya dahil hindi iyon ang ineexpect nyang mangyayari. Ang iniisip nya ay pwede sya bugbugin o di kaya'y pagnakawan o di kaya'y patayin. "Ako si Stephen." sagot nya. Napangiti ang lalaki. "May nakakatawa ba?"

Tinanggal ng lalaki ang kanyang sumbrero at salamin. Namangha si Stephen sa kanyang nakita. Nanlaki ang kanyang mata. "I-i-i-ikaw... Ba-ba-bakit?!! Yung mukha mo? Katulad ng sa akin? Sino ka ba?" Sinipat sipat ni Stephen ang mukha ng lalaki. Tumingin ang lalaki sa malayo na tila irita kay Stephen. Hinawakan ni Stephen ang mukha ng lalaki. Tinapik naman ng lalaki ang kamay. "Totoo ka nga." ika nya.

"Of course!!! Im real. I can't believe that you don't know what's real. Such an ignorant." Iritableng sagot ng lalaki.

"HOY!!! SINO ANG SINASABI MONG IGNORANTE ?!!!!" tila nagpantig ang mga tenga ni Stephen. Dumaldal ng dumaldal si Stephen sa lalaki ngunit tila hindi nakikinig ang lalaki. Hindi nya pinapansin si Stephen nang may napadaan na taxi sa harap nila. Pinara iyon ng lalaki at hinawakan ang mga kamay ni Stephen at isinakay siya taxi. Halatang nabigla si Stephen sa nangyari. "Manong Love and War ho. Pakibilisan lang po." Ika ng lalaki. Nakapagsalita na lang sya ng mamalayan nyang malayo na sila sa mall. "Hindi ka lang pala carnapper, kidnapper ka pa. Manong, itigil mo ito at baba na ako." Pilit nyang pinapara ang taxi ngunit...

"Manong ideretso mo lang. Hwag kang hihinto or else ipapaban ko ang taxi mo sa Legend..." utos nya sa driver. Agad namang sinunod ng driver ang lalaki.

"Magkasabwat pa kayo ?! Hahaha ~ Aba'y simpleng mamamayan lang ang pamilya ko. Kaya wala kayong makukuha sa akin. Kahit tingnan nyo pa ang bag ko, wala kayong makukuha sa akin." Ika nya. Kinuha nya ang cellphone nya. Idinial ang numero ng kaibigang pulis at tinawagan ng palihim.

Naramdaman ni Oliver na may tumatawag sa kanya. Kinuha nya yung cellphone at nakita nyang tinatawagan sya ni Stephen. Sinagot nya ang tawag. "He-" hindi nya na tapos ang salita dahil sa kanya mga narinig.

"Kidnapper ka diba? Kasabwat ka pa manong driver. Hoy!! Kuya ibaba mo na ako dito." Ika ni Stephen sa kabilang linya. Halatang nagpupumiglas sya. Nakikinig si Oliver sa kabilang linya. Pinindot ni Oliver ang Record button. "Manong ang pangalan mo mo ay ..." lumapit si Stephen sa harapan para makita ang pangalan ng driver. Napansin ng lalaki ang cellphone habang malakas na binibigkas ni Stephen ang mga detalye na nasa I.D. ng driver. Nang maramdaman ni Stephen na kinukuha ng lalaki ang cellphone nya ay nakipag agawan ito. Ngunit nakuha ng lalaki ang cellphone.

"Kapag hindi ka tumahimik ay itatapon ko ang cellphone mo." Nagmake face pa ang lalaki na tila nang aasar pero hindi tumigil si Stephen at nakipag agawan sya. Sa di inaasahang pangyayari ay bukas ang bintana sa tabi ng lalaki kung nasaan hawak nya ang cellphone. Sa pagdepensa ng lalakinupang hindi makuha ni Stephen ang cellphone nya ay nahulog ito sa bintana. Nagulat ang dalawa. Natulala naman si Stephen. "It's your fault. Sinabi ko sayo to stat quiet. Ayan sa sobrang katigasan ng ulo mo ay ayan nawala yung cellphone mo."

It's Not MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon