Pangatlong Pahina

4 0 0
                                    

Nahulog ako sa bihag ng iyong nakakaakit na mata, sa tamis ng iyong ngiti at sa nakakahawa mong tawa.

Sabi mo sabay tayong mahuhulog.

Tama ka, sabay tayo.

Ako sa iyo, ikaw sa kanya.

Nahulog, nasaktan, nasugatan, nanlumo, naghinagpis, iyan ang laman ng huling pahina ng pagibig ko para sa iyo at diyan din natapos ang kwentong di pa natin nasisimulan.

Tatlong pahina ng ating pagibig.

Mali.

Mga binuong pahina lamang ng aking pagmamahal na hindi mo nasuklian.

Isa kang bolpen na nagsulat ng mga blankong pahina ng aking libro.

Libro na binuo mula sa aking malawak na imahinasyon.

Walang kabanata.

Walang karagdagang pahina.

Wala lahat.

Walang tayo.

Isa, dalawa, tatlo.

Tatlong blankong pahinang sinayang ko para sa iyo.

Tatlong Pahina ng PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon