Simula

0 0 0
                                    

Boom clap the sound of my heart
The beat goes on and on nanananana

Boom clap you make me feel good
come out to me come out to me now~

Halos pasigaw kong kanta habang hawak hawak ang isang walis tambo sa kanang kamay at dust pan sa kaliwa para mabawasan ang pagkaboring ko dito sa loob ng AVR room. Bakit ako nandito? Punyemas kasi yung lalaki kanina e. Grabe nasabihan ko lang na panget yung porma niya na mukha siyang bakla sa sobrang pula ng labi at sa sobrang kalinisan e bigla ba naman akong tapunan ng juice at ipaguidance! Pabulong ko lang sabi yun sa sarili ko ah!

Tapos alam niyo ba kung anong sinabi niya kay Ms. Fernandez (Guidance Counsilor namin)? Inagaw ko daw bigla yung juice niya tas tumakbo daw ako ng mabilis at nadapa kaya natapon sakin yung juice. Sabi niya pa na bibigyan niya naman ako ng juice kahit sampu pa wag ko lang daw kunin yung nabawasan niya na! Aba't ang lakas ng apog ano? Anong akala niya sakin? Poorita? Meron akong perang pambili ng juice no! Zesto nga lang.

Muka na nga siyang bakla, sinungaling pa siya at magaling umimbento ng kwento! Dapat sumasali siya sa story telling eh! Abnormal na ata talaga itong eskwelahan namin eh kasi kung sino ang mayaman siya ang paniniwalaan. Kung sino ang maganda lang at walang pera (oo na inaamin ko nang wala akong pera), hindi? Hustisya bes hustisya!

So ayun, inilaban ko talaga to the fullest yung dignidad ko kaya ito imbes na ipatawag ang magulang ko which I will never let happen eh nagmakaawa akong maglinis na lang kahit saan nila gustuhin wag lang sa CR. Pumayag naman sila

Ngayon pano na ko makakagawa ng assignment ko sa Psych? "Nefa, ang assignment sa bahay ginagawa hindi sa school" OMG bakit naririnig ko yung boses ni Vien? Hanggang dito ba naman?

"Shunga! Andito ako sa labas"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beau BrummelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon