Stupid Love [One Shot]

747 14 11
                                    

                 

"Okay, you two will be living together." Nairita ako. Nagpakapakawala ako ng buntong hininga. Gustong gusto kong sigawan si mommy.

Wala ba siyang pakialam sa nararamdaman ko? I told her ayoko sa babaeng yan! And did she listen to me? Hindi! Sinabi ko din na may girlfriend ako pero walang nangyari.

"Mom! We talked about this!" angal ko. Ayokong ikasal sa babaeng yan. Bakit ba kasi kailangan na ipagkasundo kami? For the sake of their fucking company?! Hindi na dapat nila ako idamay pa dahil wala akong pakialam kung bumagsak ang kumpanya nila!

And she's not even my type! Ni hindi siya pumasa kahit isa sa mga standards ko!

"Terrence you don't have a say on this! Wag ka nalang tumutol! Ikakasal at mag lilive in kayo sa ayaw at sa gusto mo!" What the fuck?

"I don't have a say on this, mom? Do you hear yourself?! This is my life! Ako ang pipili ng babaeng papakasalan ko!"  And for God sake! College palang kami! Kasal agad ang ihahampas nila sa mukha ko?

Ayoko talaga sa babaeng gaya niya. Wala manlang fashion sense. Hindi marunong mag ayos sa sarili. Malinis ba siya sa katawan niya? Tangina, tapos makakasama ko siya sa iisang bahay. Tangina ayokong maissue sa school.

I know her. I know Janice. Sinong hindi makakakilala sakanya, eh, kalat sa buong St. Angel's na may gusto siya sakin. Hindi ko alam kung anong ginawa niya para mangyari 'to pero I hate her already! Maybe my chance pa kung ibang babae na mas maayos kumpara sa kanya!

Wala rin akong nagawa. At eto nga ngayon kakapasok lang namin sa bahay na titiran namin. Tss. Nalibot na namin yung baba at okay naman siya. Komportable.

nung nasa taas na kami, hinahanap ko na yung magiging kwarto ko.

Pero ang nakakapagtaka wala pa akong nakikita! Ano yun may bahay tapos walang kwarto?! Ano sila baliw?

tsk. Ano ba yan Terrence. Sa sobrang pagkabadtrip mo kung ano ano ng naiisip mo. Wala na kasing magandang nangyari sakin simula nung sinabi nila na fiance na ako ni Janice. At ang nakakainis, may plano nga akong itago yun sa school pero tangina binalita pa sa buong school. Hindi ko alam kung sino. Isang araw nalang pagpasok ko pinag uusapan na ako.

I didn't to anything that severe para parusahan ako ng ganito.

"Oh, I will leave the two of you now, manang we'll come here every morning." napatingin naman ako kay mommy.

"Mom wait!!" tumigil siya.

"Ano nanamang irereklamo mo bata ka?"

"Mom, srsly? Bakit isang kwarto lang ang meron ditto? Are you kidding me?" Hindi ako makapaniwala.

"Matalino ka ba talaga anak? Malamang dyan kayong dalawa. kaya nga isa lang ang kwarto eh. Get it?" Sabay talikod niya.

Napahawak nalang ako sa muka ko.

Oh god! Ngayon lang ako nakakita ng ikakasal pa lang na nagsasama na sa isang kwarto! Dapat magkahiwalay pa kami eh!

Pati alam ba ng family ni janice na magkasama kami matutulog? Hello!? Lalaki ako!! Anong akala nila sakin bading?! at hindi sila nag aalalang baka rape-in ko ang anak nila?!

What the fucking fuck is happening?

Pumasok ako sa kwarto at humiga doon. Tinatry ko i-digest lahat ng ito

Pumikit ako at pinilit na isaksak sa kokote ko na wala na akong magagawa. Tutal wala naman akong pagnanasa sa babaeng 'to. Hinding hindi ko siya gagalawin, ano. At hindi ko pinangarap na matulog sa sofa.

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon