Paalam Na, Mahal Ko.

99 1 0
                                    


Umpisa pa lamang, nakuha mo na ang atensyon ko.
Hindi sa kadahilanang ika'y gwapo o matipuno,
O ikaw ay matalino o may talento.
Kundi dahil sa sayang dulot mo.

Naisip ko na sana ika'y maging kaibigan.
Hindi nagtagal, natupad aking kahilingan.
Ika'y naging matalik na kaibigan sa akin.
Ngunit marami nang nakapapansin sa iyong pakikitungo sa akin.

Nang ika'y nagsabi ng iyong damdamin,
Ako'y lubusang natuwa sa iyong pag-amin.
Ipinadama mo sa akin ang totoo.
At hindi ko inaasahang ako'y mahuhulog ng todo.

Nang tayo'y pumasok sa isang relasyon,
Tayo'y punong puno ng kasiyahan at pagmamahalan noon.
Hindi maialis ang mga problema at kumento ng tao.
Mga kumentong nakakababa ng pagkatao.

Maraming nagtatanong, "Bakit siya? Marami pang iba, hindi ba? Sigurado ka na ba? Itutuloy mo pa ba iyan?"
Ang tanging sagot ko na lamang sa kanila ay ngiti, ngiting makabuluhan.
Ngiting sana'y ginagamit tuwing masaya at hindi nasasaktan.
Ngiting hindi lubusang napahalagahan.

Ako'y magpapakatotoo, sumagi na rin sa aking isipan ang mga tanong na iyan.
Gabi-gabi naghahanap ng kasagutan.
Hindi namalayan, ako'y madalas nang masaktan.
Wala akong nakuhang sagot kundi sa kasagutang ako'y nagmamahal lamang at ayaw masaktan.

Ganun nga siguro kapag nagmamahal.
Masasaktan kahit punong puno ng pagmamahal.
Ganun nga siguro kapag sumasaya,
May kaakibat na lungkot at luha sa mga matang noo'y masaya.

Walang perpekto sa mundo.
Hindi naging perpekto ang ating relasyon.
Wala mang masayang katapusan ang relasyong ito,
Wala rin naman akong pagsisisi at ibinaon ko na ito sa nakaraang panahon.

Tamang panahon na siguro para ako'y magpaalam na.
Maraming salamat sa sayang dulot mo.
Sana ika'y maging maligaya na.
Ako'y magpapaalam na, mahal ko.

Paalam Na, Mahal Ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon