💩💩 PROLOGUE 💩💩
Christian's Point Of View
Nakakita na ba kayo estudyanteng naka circle glasses? Yung tipong nakaupo lang sa isang sulok, nakayuko, nagbabasa ng nobela, o di kaya'y pinagmamasdan lang ang nagtatawanan, naghihiyawan at nagsisilakarang kapwa estudyante sa harap niya?
Kaclub ko nga siguro yun.
Nerd, hindi palatawa, pala- halubilo, at pala- salita. Isa ako doon at naiinis ako sa mga taong itinuturing na big deal ang kaibahan namin. Yun bang tipong let alone ka sa mga schoolmates mong sosyal at maarte when in fact na sinasadya naman nilang i-out of place ka. Halos masuklam na nga ako sa iba sa kanila with that "Uh-oh you don't belaung heear as in en ow ti, NOT." line na nakakasuka.
Mayaman, matalino at... gwapo? Oo no! Gwapo ako kaya nga lang itinatago ko iyon sa gamit ng aking mahiwagang circle glasses na hinding- hindi mo matatanggal sakin maliban nalang kung oras ng pagligo, at pagtulog. Pero hindi ko talaga sya tinatanggal pati hanggang sa pagjajako*
Naging intimate na nga relationship namin ng salamin ko eh, yung kulang nalang maging sexual relationship pero ang weird naman siguro kung maka-kita ka ng payatot na nakikipagsex sa isang eyeglasses. Para mo na ring sinabi na ang Harry Potter series ay isang X- Rated book dahil sa taglay nitong sexually explicit content that involves the lead character and its eyewear.
Ano pa bang mga salita ang pwede kong iconnect sa sarili ko? Silahis?
Ah oo matagal ko nang tinanggap sa sarili ko iyon. At tayo- tayo lang ang nakakaalam. Hindi ko ito inaamin sa iba dahil alam niyo naman kung paano nila pakitunguhan ang mga katulad ko diba? As In Bisexual lang, hindi ako totally na Gay.
Pwede akong mainlove sa babae, pero kadalasan talaga ng mga nagugustuhan ko ay mga kalalakihan, pwe and awkward banggitin ng linyang yan. Hindi naman kasi ako iyong tipo ng tao na ibabalandra pa maging ang pinaka- tagong detalye ng pagkatao ko, isa na dun ang sexuality. I believe na hindi naman sagabal ang pagiging silahis upang magtagumpay sa buhay so anong masama kung itago ko?
O ayan na oh! Nagsabi na ako ng sikreto ko. Ngayon kayo naman! Eh sabagay alam ko naman na akung anong tinatago mo. Oo ikaw na nagbabasa ngayon ng mga pinagsasabi ko. Aminin mona kasing sagad ng kalibugan yang kaluluwa mo! Tss...Wag ka nang magkaila!
Napangiti nalang ako sa mga sinasabi ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ng Fallen at paghigop ng kape. Hindi pa ba magsisimula ang klase? Naiilang na kasi ako sa patuloy na pagdami ng estudyante eh. Kanina ako lang mag-isa dito. You heard that right 8:00 nagsisimula ang klas dito yet, 5:00 AM akong pumapasok. So nerd!
"Siyet cute nya no?!" Narinig kong sabi ng isang babae sa di kalayuan.
"Uyy uu nga gurrll" Sabi naman netong katabi nyang weird magsalita. Ako ang pinaguusapan nila! Ayoko neto eh, yung napapansin? Saka maniwala kayo o sa hindi, pero na nasesense ko sa peripheral vision kong pinipicturan nila ako.
Hinigop ko nalang ang baon kong kape at Ayun..kinindatan ko nga.
Para namang manok na sinabuyan ng tubig yung isang may malaking gaerland sa buhok niya, "Ay puta! Kininditan ako Gurlll!!"
"Ha? Tseh baka ako naman??!!" Sumbat naman nung isa.
"Betch! Ako kaya?!! Pahiram ako ng digicam mo dali!!" Biglang hinablot nitong si Weird Speaking girl yung Digicam nung kasama nya pero di naman pumayag tong kasama nya kaya hinablot din.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsipe Ng Prinsipe (ON HOLD)
Teen Fiction(Ongoing BoyXBoy Nang paglapitin ng tadhana sina Christian, at Vincent, hindi na sila mapaghiwalay pa. Sa likod ng madaming pagkakaiba, matalik na kaibigan padin ang turingan sa isa't- isa, ngunit may ihihigit pa ba ang pagtitinginan nila? Imposible...