Chapter 2

119 4 2
                                    

XYRELLE'S POV

Naka ilang shots na din ako ng iba't ibang klase ng drinks pero feeling ko hindi naman nababawasan yung sakit na nararamdaman ko eh...

May naramdaman akong tumabi sa kin inawat pa nga nya ako sa pag-inom eh.

"Xyrelle, tama na iuuwi na kita sa inyo."

"Ayoko nga!At shino ka para patigilin ako?!ha!?ha!?Tatay ba kita!?shino ka ba?!ahh ikaw shiguro yung lalaking mahal ko na nangloko shakin noh!?Tama ikaw nga yun!Bakit ka nandito ha?!hindi na kita mahal!Wla akong mahal na ipagpupushtahan lang ako sha kung shinu-shino!Umalish ka!Alish!" Pinipilit kong tatagan ang sharili ko dahil alam ko anu mang orash babagshak nanaman ang mga luha ko.

"Xyrelle ,tama na. Pakinggan mo muna ako please.Hayaan mo kong magpaliwanag please..."

"Shige nga! Shabihin mo nga shakin! Bakit ha?! Bakit mo nagawa shakin to?! Bakit Rex!?ha!?Bakit!? Pinagkatiwalaan pa naman kita taposh ito igaganti mo shakin?!ha?!ha?!"Sa pangalawang pagkakataon muling kumawala ang ilang hikbi mula sa akin at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko na parang ilog na walang tigil sa pag-agos.

"Xyrelle...Sumama ka muna sa kin."

Wala na akong nagawa dahil binuhat niya na ako papunta sa kotse niya.Papakinggan ko ang paliwanag niya pero pagkatapos nun...mahirap man pero...tatapusin ko na lahat ng namamagitan sa aming dalawa...

Dinala niya ako sa lugar na ngayon ko lang nakita, tahimik dito at kaming dalawa lang ang tao wala nang iba pa.Napakaganda dito maaliwalas at mula dito matatanaw mo ang napakagandang dagat...Ito ang lugar kung saan ka makakapag-isip ng matiwasay at walang nang-aabala, Lugar kung saan mo pwedeng ilabas lahat ng gusto mong ilabas.

Nakita kong umupo siya sa may puno kaya sinundan ko siya at naupo na rin ako sa tabi niya.

"Xyrelle..." Panimula niya

"Ano handa ka na bang magpa---" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Shhh...please pakinggan mo muna ako...please?" Halata sa boses niya ang pagmamakaawa.Hindi nalang ako nagsalita at nakinig na lang ako sa kanya.

"Uhm...Kung narinig mo yung pinag-uusapan namin ni Mark...oo nakipagpustahan siya sa akin na kung mapapa-ibig daw kita bibigyan niya ako nang motor kaya naman pumayag ako...Pero Xyrelle dati na yun.Past is past Xy ang mahalaga ay yung ngaun...gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita, hindi dahil gusto kong makuha yung motor na yun,kundi dahil yun ang totoo."Alam kong anu mang oras ay babagsak nanaman ang mga luha ko.

"REX!Ano ka ba naman!Kahit na sabihin mong dati pa yun!Hindi mo maalis sa isip ko na pinagpustahan nyo pa rin ako!Rex alam mo ba kung gaano kasakit yun!?Hindi lang basta masakit eh!SOBRANG SAKIT!In to the point na halos husto ko na magpakamatay nung nalaman ko yun!Masakit Rex,sobrang sakit." tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko.

"Ano bang kailangan ko gawin para mapatawad mo ko?"

"Anong kailangan mong gawin?"

"Layuan mo na ako..." ayan ang pinakamahirap sabihin na mga salita para sa akin,pero pinili ko pa rin sabihin ng diretso.

"Xy please bigyan mo ko ng second chance para patunayan sau na mahal kita...please Xyrelle...please..."

"Rex please hayaan mo muna ako makapag-isip ng maayos magulo pa ang isip ko...please layuan mo muna ako..."

(pagkatapos ng isang nakakarinding katahimikan...)

"Ihahatid na kita sa inyo..."

"Sige..."

naging tahimik lang ang byahe namin walang imikan hanggang sa nakarating na kami sa bahay namin.

*sa sasakyan sa tapat ng bahay nila Xyrelle*

"Uhmm...Sige bababa na ako..."Bubuksan ko na dapat ang pinto ng kotse niya para lumabas nang...Yakapin niya ako...

-----------------------------------------------------------------

CUT!sorry po kung medyo matagal bago nakapag UD sorry sorry ^_____^V peace po tau hahaha!! :D

VOTE & COMMENT :D

MALING AKALA (ONE- SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon