Chapter 1

3 0 0
                                    


Pagluluksa


"Anaaak! Bakit?" iyak ng Mama ko.

Nasa sementeryo kami ngayon para ihatid sa huling hantongan ang kapatid ko. Nagpakamatay siya at hindi namin alam kung bakit at pilit kong aalamin yon.


Nag aaral ako, samantalang ang ate ko naman ay nagtatrabaho sa isang sikat na advertising firm sa manila bilang isang Editorial Assistant. Dalawa lang kaming magkapatid at puro babae. Apat na taon na siyang nag tatrabaho sa maynila ako naman ay gagraduate na ngayong taon sa kursong Business Administration.


After 4 years umuwi si ate sa probinsya namin dito Batangas. Nagulat pa kami nong una dahil di man lang sya nag pasabi na uuwi siya.

Simula ng umuwi siya palagi nalang siyang malungkot, at hindi man lang nag kekwento kung ano nga ba ang dahilan ng biglaang pag uwi niya.

Basta ang sabi niya lang ay ayaw niya ng mag trabaho don at dito nalang siya maghahanap ng trabaho.


"Paige ang ate mo pano niya nagawa yon?" humihikbing tanong ni mama ng hinarap ako


"Ma, tahan na Tanggapin nalang natin" pag aalo ko kay mama habang pilit ko ring kinakalma ang sarili ko. si Papa naman ay nasa gilid lang ni Mama habang umiiyak wala kaming naririnig sa kanya.


Hindi ko matanggap ang nangyaring ito alam kung may rason si ate kung bakit niya nagawa ito. At ako mismo ang gagawa ng paraan para tuklasin kung ano man yon.


I am Paige Alexandria Bautista at hindi ako titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto ko. Yes I am a spoil brat pero alam ko kung saan ako lulugar. Ang tawag nga sakin sa School ay Queen P! Dahil ako ang nanalo bilang miss Intramurals sa school. Mahilig ako sa pageant ika nga nila Beauty with Brain daw ako.


But this time, it's not just about me. It's about my beloved sister. I'll give her the justice she deserve.

Katahimikan ang bumalot samin sa loob ng sasakyan. Pauwi na kami galing ng libing, kasama ko si mama at papa.


"Ma, Pa, after graduation luluwas ako ng Maynila doon ako mag hahanap ng trabaho" pukaw ko sa atensyon nila


"Anak pwede bang mag stay ka nalang muna dito?kailangan ka ng mama mo" pakiusap ni papa na inaalala ang kalagayan ni mama


"Pa, gagawin ko to para kay ate gusto kong alamin kung bakit niya nagawa yon" paliwanag ko. Ayaw kong magpapigil buo na ang pasya ko


"anak wag mo ng pahirapan ang sarili mo, ako na ang bahala don." pahayag niya.


Lawyer si papa kaya he can use all the resources he have to get the answers about ate's suicide. But no! I want to find it myself. Ate is not just an ate to me, she's my best friend too, aside from Angela. she's one of the reason of me being a spoiled brat.


Oo masama ang loob ko dahil naramdaman kung simula ng umuwi siya ay may tinatago siya na hindi niya kayang ikwento sakin, bigla siyang naging aloof.

"Pa, I can do this. trust me." matigas kong pahayag para di niya ako pigilan


Nilingon ko si mama na nasa tabi ko at nakikinig lang samin ni Papa "Ma, be strong okay? Uuwi ako every month kung gusto mo dalawin mo ako sa Manila don tayo mag shopping" hindi siya kumibo

Mayamaya pa ay narating na namin ang bahay. Inalalayan namin ni papa si mama pababa ng sasakyan masyado na siyang mahina dahil sa kakaiyak.


"manang paki kuha ang mga gamit namin sa sasakyan" utos ko sa katulong na sumalubong sa amin


"Ma, gusto mo bang kumain o magpapahinga kana?" tanong ko


"Gusto ko ng magpahinga anak, aakyat na ako sa kwarto" matamlay niyang sagot


Umakyat sila ni papa sa kanilang kwarto at ako naman ay dumiretso na sa kusina para kumain ginutom ako sa lahat ng mga pangyayari nakalimutan ko pang kumain kanina bago pumunta ng libing.

Pagkatapos kung kumain umakyat ako sa taas para magpahinga sa kwarto ko.


Papasok na ako ng aking silid ng makita ko ang pinto ng kwarto ni ate. Hindi ito nakasara.

Parang may nag uudyok sakin na pasokin ito, pagod na ako at gusto ko ng magpahinga pero mas nangibabaw ang kaggustohan kung pumasok sa kwarto ni ate.


Nang nasa loob na ako ng kwarto maramdaman ko ang lungkot at sakit. Lungkot dahil wala na ang ate ko, at sakit dahil sa rason ng pagkawala niya.


Bumungad sakin ang malinis na kwarto, lumapit ako sa kama at umupo. Pumikit ako at inalala ang mga kulitan naming dalawa sa kwartong ito.


She used to be my number one supporter. Lahat ng kapretso ko pinagbibigyan niya. Napaka masiyahin niya at napaka bait total opposite ko siya dahil mataray ako, hindi mahilig maki halobilo sa mga taong hindi ko ka close.


Lumapit ako sa hair dresser niya at umupo doon, napangiti ako ng makita ko sa salamin ang pangalan naming dalawa Samantha and Paige. Binuksan ko ang tukador sa ilalim ng mesa.


Una, nakita ko yong mga resibo ng kung ano-ano, then something caught my attention. Isang black na notebook, kinuha ko ito out of curiousity. 


Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng mahawakan ko na ito. Dali-dali ko itong binuksan.


Hindi ko alam kung matatawa o malulungkot ako dahil sa nakasulat sa kulay pink na sticker note na naka dikit sa first page ng notebook.


I know the moment I'm gone mababasa at mababasa mo to Paige. Coz I know your smart and clever para mahanap to. Sorry dahil tinago ko to sa'yo, I just don't want to bother you in your studies. You will always be my favorite sister, please stop being so stubborn. alagaan mo si mama at papa. I just can't take it anymore. This pain is killing me and I have to stop this. I'm sorry and I love you my lil sis.


Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng aking luha. Medyo natagalan pa bago mag sink in ang mga binasa ko sa utak ko. What pain? Alam ko wala siyang sakit.

Lumipat ako sa kama niya at don pinagpatuloy ang pagbabasa. Hoping na dito ko makukuha lahat ng mga sagot.

Love Will Take OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon