Ice-cream lollipop on Volcanic Eruption Union

224 6 6
                                    

Ice-cream lollipop on Volcanic Eruption Union

A story originally written by ImJustSophie / Allyssa Sophie Badillo

©SophieBadillo All Rights Reseved 2013

-

   "Hoy Stacy! Ice-cream lollipop on volcanic eruption union!"

    Buwisit! Yung totoo pinaglololoko ba ako ng lalaking 'to o ano? Sa totoo lang 'yang Ice-cream ek. ek na 'yan, hangang ngayon hindi ko pa rin nalalaman. Simula first day ng fourth year highschool sinasabi niya na 'yan, wala rin naman akong idea kung ano yung Ice-cream lollipop on Volcanic eruption union. Hindi kaya naninrip lang 'yun? Saka, so what naman 'diba? Okay. Curious pa rin talaga ako.

    Si Jaeki, bagong student siya pero mabilis niya naman naka-close ang lahat marami na siyang kaibigan at hello! Fourth grading na kaya malapit na akong matapos ng high school. Sa sampung buwan kong nakasama si Jaeki, hangang ngayon hindi ko pa rin alam 'yung Ice-crem lollipop on volcanic erruption union na 'yan eah.

   May crush ako kay Jaeki, oo. Simula palang first day. Ang gwapo niya kasi tapos ang talino pa, makulit lang pero nasa kanya na ang lahat. Ay jusko. Pero sa totoo lang hindi nanaman ako umaasa kasi may nililigawan na siya, ano ba namang laban ko sa hearthrob princess ng school 'diba? Speaking of her. . . Annie. Ang ganda, makinis, maputi, matangakad, sexy. Samantalang ako? Flat chested, chubby, maputi pero dry skin tapos nabitin sa height. Ano ba namang laban ko? Kaya eto hangang crush nalang ako sa kanya.

   Nasanay na ako na everyday sinasabihan niya ako ng ice-cream lollipop on volcanic eruption since dun lang yung time na nagkaka moment kaming dalawa pag kinulit ko kasi siya maghahabulan at maghahabulan kami. Every time nga na dadating 'yung time na 'yun gusto ko nalang i-pause pero what can I do? May mahal siyang iba. Tsk.

 --

    So eto, as usual lagi nalang nag-aaral, masyado kasi kaming more on Academics sa school na 'to. Halos wala na nga kaming program or activities man lang. Minsan nga nakakapagod pero lagi namqng worth it at the end of the day. The year. Oh nevermind. May nakita nanaman akong sakit sa mata. 

    Annie and Jaeki kulitan alert! Ay nakaka--. Dahil ayoko nalang masaktan, tumalikod nalang ako para hindi halata tapos nakinig sa teacher na sobrang boring naman kaya wala, dumukmo nalang ako buti nalang talaga last row ako. Hindi ko alam kung bakit ba sa murang edad eah, natututunan ng mga bata ang mga love, love na 'yan. Ano bang mapapala namin? Kilig? Pwede. 'Yung iba kasi ang habol lang, kati at kalandian. May iba namang siryoso talaga. Bata pa o matanda, so what kung nag-mamahalan.

     After five months na sigurong pagdukmo ko sa mesa ko, sige ako na O.A. May naramdaman akong vibration sa bulsa ng palda ko kaya kinuha ko agad tapos tinignan ko ng patago. Then lalong nasira lang araw ko sa mga sunod-sunod na messages mula sa unknown number. Susme naman, ano bang problema niyo talaga sa'kin?

    --Stupid. You're really stupid.

    --Tsk. Di mo pa din alam? Manhid! Stupid.

    --Manhid. Babo.

   'Yung totoo? Nangiinis ba 'to o ano? Anong trip ha? Sarap sumapak ng tao ng hindi oras. Ang tanong sino ba kasi 'to? Aish. Nilibot ko yung mata ko sa room pero nakita ko ma hindi na nagkukulitan yung dalawa, ba't ba kasi sila seatmate? Si Jaeki may something na kinakalikot sa bag niya tapos si Zoey nakahalumbaba lang. Stacy, kalma. 'Wag magpa-ka immature.

 --

   Naglalakad ako pauwi pero nasalubong ko si Ash. Well, siya yung isa kong kaklase na tahimik tapos pa-mysterious type pero pogi siya pero syempre iba yung level ng kay Jaeki. Parang nahihiya siya kaya di siya makatingin saakin, nilabas niya 'yung cellphone niya tapos nag-tatype tapos weird lang na may nag-text saakin.

--Selos ako, stupid.

   Napa-stop ako sa paglalakad ko ng ilang seconds. May narealize kasi ako, hindi kaya siya 'yun? Tunalikod ako pero wala na. Malayo na si Ash, hindi ko na din mahahabol kaya ipinaatuloy ko nalang yung paglalakad habang binabasa yung messages ng paulit-ulit, ulot, ulit. Kasi naman. Ay ewan ko ba. Baka nga, o malay ko ba kung coinsidence lang. Aware naman siguro siyang nandito ako. . . o baka hindi.

    Wala kasi akong kilalang gantong number na kilala. Malakas kutob ko na siya yun, yep. Si Ash. Pero ba'tnaman niya ako mumurahin at bakit naman siya magseselos ng walang dahilan? Hindi ko din alam. Ba't ko pa tinanong sa sarili ko yun? Tsk. Makapag-gawa na nga lang ng smething baka sakaling mawala sa isip ko.

Nag computer nalang ako, then nag-search about sa ice-cream lollipop on volcanic eruption union, pero sa tinagal tagal kong pag-reresearch wala akong napapala. Bakit kaya? Ano ba kasi explanation ng pinagsasabi niya? o baka gawa-gawa niya lang? Ewan ko. Hush. Wala pa din nangyari sa pag-reareasearch ko. Nag facebook nalang ako, pero wala katamad sa newsfeed ko. Nigla nalang ako nagulat ng may tumunog na familliar na kanta.

"Geomjeong geurimja nae ane kkae eona. Neol boneun du nune bul kkochi nuntteo, Geu nyeo gyeoteseo moduda mulleona Ijen jogeum sshi--."

Tumunong ang Growl, hush. Ofcourse ringtone ko yun. Kinuha ko agad sa side desk ko yung cellphone ko. Gosh. yun yung nag-tetext na unregistered na number. Wala ng tumpik tumpik pa sinagot ko na yung call.

"Hello? Sino ka po--."

[Babo. Still can't guess it?]

"Huh? what? What are you saying. Bakit ka nagseseloss? Bakit ako stupid? Ano yung hindi ko pa nalalaman?"

Sunod sunod kong tanong, kasi naman excited na akong malaman kung sino 'tong nag-text saakin ng kung ano-ano.

[Selos ako kasi makatitig ka kay Ash, wagas. Stupid ka at hindi mo pa alam? Kasi nga hindi mo mahulaan yung Ice-cream lollipop on volcanic eruption union]

"J-jaeki? A-ano bang ibig sabihin kasi nun?."

Nagulat ako, frozed lang ako sa knauupuan ko. Sabi ko sa sarili ko kung nangyayari ba 'to o baka naman nanaginip ako.

[Kahit kailan, ikaw na ang pinaka babong taong nakilala ko. Wala ka man lang bang common sense?. Try mo gawan ng acronym baka mag-work. Psh.]

"Si? Zoey?"

[Babo! She's my cousin! Finish that acronym you babo!]

Acronym? Kumuha ako ng papel tapos isunulat yung ice-cream lollipop on volcanic eruption union. Hindi ko naisip 'to kahit kailan, it never crossed my mind. But atleast malalaman ko na kung ano. Kinuha k lahat ng umpisang letter.

I . L . O . V . E . U .

Sobrang nagulat ko at nasabi ko na yung nabuong word out lout.

"I LOVE YOU!"

[Haha. I love you, too!]

*THE END*

🎉 Tapos mo nang basahin ang Ice-cream lollipop on Volcanic Eruption Union 🎉
Ice-cream lollipop on Volcanic Eruption UnionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon