A/N: Sa chapter po na ito si author muna ang mag Nana rate
******Paunti unting iminulat ni Kris ang kanyang mata, nagulat siya nang magising siya sa tabi ni Jon, napatakip siya ng kanyang bibig at pilit inalala ang nangyari kagabi.
Muntik na siyang mapasigaw dahil sa naalala, naalala niyang bigla niyang pinapunta si Jon sa bahay nito nang walang dahilan at nahuli niya lang itong nag sasarili, hanggang sa nagyari na nga ang bagay na di niya aakalaing mangyayari sa buhay niya
Tatayo na dapat siya kaso napansin niyang nakayap ang lalaki- bakla sa kanya, at mas lalo pang humigpit iyon nang maramdaman ata nitong gusto niyang kumawala, napatingin siya dito, kung tutuusin hindi naman ito mukang bakla, gwapo nga ito at habulin ng babae.
Pinagmasdan niyang mabuti ang muka nito, di ito kaputian, di din maitim sakto lang pilipinong pilipino ang kulay, mahaba din ang pilik mata nito, mas mahaba pa nga ata ang pilik mata nito sa kanya e, matangos din ang ilong nito na may kalakihan, at ang labi, sobrang pula mas mapula pa ata sa labi niya.
Natigil siya sa pag mamasid sa muka nito nang biglang dumilat ito, sa sobrang gulat niya ay napasigaw siya, at dahil din sa gulat sa biglaan niyang pag sigaw ay napasigaw din ang lalaki at bigla na nalamang niyang naitulak ang babae kaya nalaglag ito sa kama.
"Aba't, bakit moko tinulak?!" Bulyaw nito sa lalaki kaso parang walang narinig ang lalaki at tila nakakita ng multo na nakatingin sa kanya "Bakit ganyan kang--- waaaaaaahhhh" napasigaw ule siya nang ma realize niyang wala pala siyang saplot
"Waaaaahhhh ni rape moko no?!" Sigaw sa kanya ni Jon sa boses babae at tinakpan niya pa yung dibdib niya ng kumot pero di padin inaalis ang tingin sa hubad na katawan ni Kris
"Wow! Ang kapal mo! Samantalang ako ang ginahasa mo kagabi!" Sa sobrang inis niya kinuha niya ang unan at saka niya inihampas ng inihampas sa hudyo, di na niya naisip na naka hubad pa din siya, napansin niya na lang ito nang biglang sumakit ang hita niya.
"Kainis ka talaga Nathan Jon Suarez!" Mangiyak ngiyak niyang sambit
"Kasalanan mo yan pag katapos mokong gahasain?! Pano kung mabuntis ako?! Panagutan moko!" Sambit ni Jon habang pilit pinapaliit ang kaniyang boses
"Punyeta kang bakla ka! Babae ako ako dapat mong panagutan!"
"Lalaki ka kaya!" Sabi nito sa maliit na boses
Inilapit ni Kris ang muka niya dito at sinambit ang salitang nag pabilis ng sobra sa tibok ng puso ni Jon "Lalaki ako? Tapos ikaw ang babae? Oh sige papanagutan kita" saka siya tumayo at dali daling nag tungo sa banyo, kahit alam niyang wala siyang saplot.
KRIS POV
Napaupo agad ako sa sahig pag pasok na pag pasok ko sa banyo, grabe sobrang sakit ng mga hita ko, nanginginig pa ang mga tuhod ko, at tandang tanda ko pa bawat sandaling pinag saluhan namin kagabi, yung halik niyang sobrang sarap yung mga hawak niyang sobrang init, oh shit pinag nanasahan ko ba siya? waaaaahh mababaliw nako
Pano ko na siya ngayon haharapin? Ano ba naman kasing pumasok sa utak mo Kristina Mae Sastrillio at nag padala ka sa temtasyon? Tanong ko sa sarili ko habang ginugulo at sinasabunutan yung buhok kong walang kamalay malay sa kagagahang ginawa ko.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang sarili ko sa salamin sa loob ng banyo, for almost 24 years of existence ko sa mundong to bakit parang may nag bago sakin? Di ko alam kung ano pero siguro dahil sa nangyari kagabi?

BINABASA MO ANG
Beks, Tatay Kana!
RomanceMistake, mistakes happened in most unexpected event of your life. What if bigla mong malamang buntis ka at ang naka buntis sayo ay ang best friend mong bakla, what should you do? Abangan kung anong gagawin ni Kristina Sastrillio sa pinaka nakak...