Kailangan kong makatakas ..
Kailangan kong tumakbo ng malayo ..Tinatahak ko ang malubak na daan sa gubat , hindi ko man maaninag ng masyado dahil sumapit na ang takip-silim
Ngunit hindi ito ang oras upang magingat kailangan kong makalayo
Kailangan --
" At saan ka naman pupunta?! " nilamon ng takot ang kalooban ko namg dumagundong ang boses na iyon
Agad kong binilisan ang pagtakbo ko at nagtago sa isang liblib na lugar. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na parang nakikipagkarerahan ako.
Dumaan ang isang mahabang katahimikan. Nang alam ko nang wala na siya ay lumabas ako sa pinagtataguan ko.
" Nandyan ka lang pala ha! " sinubukan kong kumawala ngunit mas malakas siya sakin kaya nahigit niya ako
Ibinalik niya ako sa aking sariling impyerno
" Tatakas ka pa ha! Hindi bat sinabi ko sayo na wala ka nang kawala hawak ko buhay mo at mananatiling ganoon iyon! " nanlaki mata ko nang kunin niya ang latigo
Agad akong napaatras ngunit nahablot niya ako, pilit akong pumipiglas ngunit wala itong saysay
" Amang! Hindi napo ako uulit! Wag po! " pagmamakaawa ko
" Tuturuan kita ng leksyon nang magtanda ka! " hinataw niya ako ng latigo sa likod
Nanuot ang sakit sa buong katawan ko. Napapaliyahaw ako
" Ahhhhh!!!" Naluha ako sa sobrang sakit
Nagpaulit-ulit iyon nang ilang oras at nang pakawalan ako ay ni makatayo ay hindi ko magawa
" Hayan paniguradong magtatanda kanang bata ka " iniwan niya lang ako doon na naliligo sa sarili kong dugo wala akong nagawa kundi ang umiyak
Krrriiinnngggg~!
Napabangon ako mula sa aking kinahihigaan. Agad akong naghanda para sa aking pag-alis
Pagbaba ko mula sa aking silid ay dumiretso na ako sa kusina upang maghanda ng agahan
" Pangga " niyakap niya ako sa likod
" Hmm? " tugon ko
" Kailangan mo ba talagang umalis? " madamdamin niyang sambit
Lumapit naman ako sa kaniya at hinawakan ang pisngi
" Clark .. napag-usapan na natin ito .. "
" Oo alam ko pero ang layo ng Maynila dito sa Batanggas, pangga " malungkot niyang sabi
" Alam ko iyon pangga , ngunit kailangan ko ang tiyansang ito para narin satin " pangungumbinsi ko
" Oo na basta dadalawin mo ako dito ha? "
" Oo naman makakalimutan ko ba iyon? " sabi ko at hinagkan siya sa labi
" Ah basta, magiingat ka doon ha? " tumango naman ako
Naagagahan na kami at nagpaalamanan tsaka ako tumungo sa bus terminal
" O! Maynila! Maynila! " sigaw ng lalaki
Bago ako pumasok ay muli akong sumulyap sa lugar kung saan naging maayos ang lahat para sa akin
Ngunit hindi ko alam na ang pagalis ko palang iyon ang simula ng pagbabago
BINABASA MO ANG
Breakaway
Teen FictionMasaya sigurong magka- happy ending no? Anong kayang pakiramdam ng magmahal? Anong pakiramdam ng may kaibigan? Anong pakiramdam na may magulang na nandiyan para sayo Anong pakiramdam na maging malaya?