Hugot 35

8 2 0
                                    

"Bestfriends ang turingan, pero may mas malalim na nararamdaman." Isa ka ba sa mga taong nabiktima nito? Isa ka ba sa mga taong nahulog sa bestfriend nila? Isa ka ba sa mga taong natatakot aminin na hindi na bestfriend ang turing mo sa kanya? Oo, alam ko. Nahihirapan kang umamin. Bakit? Kasi natatakot ka. Natatakot kang mawala yung closeness, yung friendship, yung moments niyo. Natatakot ka na baka mailang siya. Na baka lumayo siya. Natatakot kang mawala siya. Natatakot kang sumugal sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. Kaya mas pinili mong iburo na lang yang nararamdaman mo. Kasi kapag mag-bestfriends kayo, walang ilangan, walang break-up. Kaya mas pinili mong hanggang kaibigan na lang. Natatakot kang sabihin sa kanya kasi baka dumistansya siya. Isa ka ba sa mga ito? Wag kang mag-alala, di ka nag-iisa. Marami KAYO. 😂😂

HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon