INA

3.1K 14 0
                                    


      INA

INA. Isang salita tatlong letra. Isang babaeng napakahalaga at minamahal ko ng sobra. Isang nilalang na ipinahiram ng diyos upang makamtan at maramdaman ang tunay na pagmamahal galing sa isang dakilang INA.Isang babaeng nagpakahirap lumuwal ng isang nilalang. at nag pursiging mag trabaho upang magkaroon ng buhay na masagana at maganda ang kanyang minamahal na mga princesa.

Ang aking ina ay isa sa pinaka paburito kong biyaya ng maykapal saaming apat na magkakapatid. Dahil ang aming ina ay isang DAKILANG ina. Lahat kinakaya upang maibigay ang sapat na pangangailanagan ng kanyang mga princesa.Simula umaga hangang pag patak ng hating gabi. walang tigil na pag tatrabaho at pagaasikaso niya saaming magkakapatid. Minsan ngay naisip ko kung gaano kami ka suwerte at siya ang ibinigay para saamin. Kahit na iniwan kami ng aming tatay ay hindi siya nag dalawang isip na ipaglaban kami sa kabila ng kahirapan na pwede niyang maranasan. pero di niya inisip ang mga iyon at patuloy siyang nag pursigi para saaming kinabukasan. Araw- araw ay nag papasalamat ako sa puong may kapal .Dahil sa pag bigay niya ng isang Ina na buong puso kaming mamahalin. At ni minsay di namin naramdaman ang pagkaulila saaming ama dahil pati iyon ay nagawa niyang punan.

Kaya sa lahat ng may mga Dakilang Ina na katulad ng nanay ko. Naway pahalagahan niyo sila at mahalin ng sobra. Isa silang regalo ng puong maykapal na dapat nating pahalagahan. respetuhin at mahalin.

At sa lahat rin ng mga Dakilang Ina na nag pupursigi bawat araw para sa kinabukasan ng mga anak nila. saludo po ako sa mga katulad niyong hindi sinusukuan ang mga anak nila sa kabila ng paghihirap na pwede niyong maranasan.

At sa aking Ina. Maraming salamat sa iyong paghihirap at pag sasakripisyo para saamin. gusto lang ko lang sabihin na mahal na mahal ka namin. at nag papasalamat kami dahil ang ang aming naging INA.

TALUMPATI: INATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon