Jealous Attack [Chapter 24]

272 18 0
                                    

Jason's POV

"Alam mo brad pag nakita ni Ella si Karvy lagot ka may karibal ka na!" Sabi ni Angelo sakin

"Ano? Wala binatbat yun kay Jason no!" Singit naman ni Sam

"Wala naman akong pake no" Sabi ko "Weh??" Sabay nilang tanong

"Bahala nga kayo" Sabi ko at naglakad paalis sakanilang dalawa "Huy! Jason!" Sigaw nila tapos humabol

Si Karvy siya yung putik na taga pangalaga ng puntod ni Maria hayy.. Aaminin ko may mukha pero hindi naman ako bakla para magsisigaw at sabihin ang pogi pogi niya mas pogi kaya ako ano yun? Siniswerte lang?

Nasa classroom kami nung kasunod lang pala namin si Ella pumasok "Huy! Ella! Sa bukas na!" Sigaw ni Sam "Oo nga kinakabahan ako ng konti" Sabi niya

"Bakit ka naman kakabahan ea nanay mo yun!" Sabi naman ni Angelo tapos umupo si Ella sa pwesto niya ako naman nakaupo sa table ko

Tapos si Sam at Angelo nasa harap namin nakaupo, Si Sam nakaharap tapos si Angelo naka upo sa table ng nasa harap namin

"Iba parin naman kasi alam mo since birth di ko pa siya nakikita at hindi ko rin siya nakakausap!" Sagot naman ni Ella

"Malay mo, pero dapat talaga ang kabahan ay yang si Jason!" Daldal ni Angelo

"Bakit naman ako kakabahan tsk" Sungit kong sabi "Karvy!" Sabi ni Sam "Ohh napano si Karvy?" Tanong ko

"Alam mo Ella! Gwapo yun siya yung nagbabantay doon sa mama for many years! Grabe gwapo! Kaso taken na me kaya I'm okay pero ikaw malay mo ma fall ka pa kasi gwapo, matalino at higit sa lahat nasakanya na ang lahat!!" Sam shout a bit like a fangirl

"Whatever" Sabi ko "Tignan mo! Selos agad wala paman!" Pangiinis ni Angelo

"Nasakin rin naman ang lahat ahh!" Sabi ko "Wala kulang ka!" Sabi ni Ella tapos napatingin ako sakanya

Kinuha ko yung bag ko tapos lumipat sa kabilang dulo na malayo kay Ella "Huy! Bat andiyan ka?" Tanong ni Angelo "Pake niyo? Bahala nga kayo diyan!" Sabi ko tapos nagcross arms

"Lagot ka Ella" Narinig ko si Sam "Tsk" Yun na lang nasabi ko "Huy, Jason" Narinig ko si Ella tapos tumayo ako kasama yung bag ko

"Jason naman!" Sigaw niya hindi ko siya pinansin tapos lumabas ako "Jason!!" Sigaw niya pero wala parin

"Tsk" sabi ko at nagsmirk

Mariella's POV

"Grabe siya" sabi ko tapos bumalik kay Sam at Angelo "Ikaw ba naman sabihin yun sa boyfriend mo pa! Saka parang di mo alam si Sir Jason ea sungit sungit nun!" sabi ni Sam

"Nagjojoke lang naman ako" sabi ko "Boyfriend mo yun hindi naman kung sino lang! Sabihin kaya sayo ni Jason na kulang ka at wala sayo ang lahat! Para ka niya kinukumpira sa ibang babae nun! Ano mararamdaman mo?" Sabi sakin ni Angelo

"Masakit? Saka! Wag niyo nga ipamukha sakin na ako yung mali!" Sabi ko "Sino ba talaga yung mali Ella?" Tanong ni Sam

Hindi ako nakasagot ng konti "Minsan kailangan mo ding babaan ang pride mo kung ayaw mong masira ang pagmamahalan niyo pero kung gusto mong masira na lang edi wag mo ng ituloy yung relasyon niyo makipagbreak ka na lang" Sabi ni Sam

"Oo na! Ako na!" Sabi ko

Sorry naman kasi. Aish!!

Vampire Academy [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon