Czyrah Jane's POV
February 20, 2006
"Nasaan ako?" mahinang saad ko habang tinitingnan ang aking kinaroroonan.
Napakadilim dito tila ba walang naninirahan sa kuwartong ito .
Namataan ko ang pinto na nakabukas na tila inaakit ako na buksan ito at tingnan ang labas.
Nang ako'y nakalabas ay ikinatuwa ko ang aking nakita.
"Ang Karnabal!" sigaw kong galak .
Pinagmasdan ko yung,
Paborito kong "Carousel", Ang naglalakihang "Ferris Wheel", Ang mabilis kung tumakbong mga "Catterpillar" at sari-saring tindahan at palaro ang aking mga nakita.
Tuwang tuwa ako akong sumakay sa ibat-ibang rides at nang nakatapos nako ay may naalala ako.
"Birthday ko nga pala nyayon. Nasaan na kaya sina Mama't Papa kasama ko lang sila kanina bago pumunta kami dito eh" sabi ko sa aking sarili na pumo ng pagtataka.
'Mama, Papa!'
'Ate, Kuya!'
'Nasaan na kayo?'
Ilang oras na ang lumipas 'di ko parin mahanap sila Mama't Papa.
Napagod na ako sa paghahanap naramdaman kong lahat ng tao ay nakaalis na at ako na lang ang natira rito.
Lahat ng rides at mga ilaw ay nangamatay ngunit may kaisaisang ilaw na 'di namatay ito ay ang ilaw kung saan ako nagpapahinga.
Maya-maya'y naging isang parang "ghost town" ito , ni walang umiimik dito kasi napaka dilim na at ako nalang kasi ang natitira. gusto kong nang umalis, gusto kong umiyak, gusto ko nang makita ang mga magulang ko at kapatid ko ngunit nanigas ang mga parte ng aking katawan at 'di ko na kayang gumalaw pa.
Nagulat ako sa sumunod na pangyayari nang isa isang nabuhay ang lahat ng mga stalls na hindi na pangkaraniwan naging nakakatakot ang mga ito nagkaroon ng mahahabang sungay at nakakatakot na mukha ang mga tagapagbantay rito.
Nagiba rin ang mga rides.
Ang mga kabayo sa Carousel ay naging maiitim at nakakatakot gayundin ang ibang rides naging nakakatakot rin ang kanilang mga hitsura.
Sa isang madilim na sulok ay lumabas ang nakakatakot na payaso at nagsabing,
"Nagustuhan mo ba?" "Bwahaha" tanong nito at tumatawa ng nakakatakot.
Bago pa man ako makapagsalita ay naramdaman kong dumilim ang aking paligid at ang mukha ng payaso ang huli kong nakita.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Ano na kayang nangyari kay Czyrah at Abangan rin ang pagpapakilala ng ating main character sa Chapter 1
Sa susunod muling chapter :)
<3 Shizts <3
BINABASA MO ANG
Ang Karnabal
HorrorMissing : Name: Czyrah Jane Villanueva How Old: 8 years old Wearing: Yellow Sunflower Dress Last Seen: Carnival (New Innuendo's Carnival) , Quezon City Pabuya: Php 250,000.00 (Sa sinumang makakahanap sa batang ito ay maaring kontakin ang numerong i...