Chapter 1

24 2 0
                                    

August 20, 2015

After 9 1/2 Years

"Kahit mag iisang dekada na ang lumipas sikat na sikat parin ang "New Innuendo's Carnival" at katunayan nga ay nagkaroon pa ito ng napakaraming karnabal sa iba't ibang parte ng Pilipinas"

"Isa pa sa nagpasikat dito ay ang pagkawala noon ng batang si Czyrah Jane Villanueva noong Feb 20, 2006  at kasalukuyan parin itong pinaghahanap ng mga awtoridad "

Mary Jane's POV

"Ahmm ako si Mary Jane De Claro, 17 years old. Mahilig ako sa mga Paranormal Activities tulad ng mga Ghost Huntings, Devil Huntings, Mysteries atbp"

Ngayon ay nag request ako kina Mama't Papa na pumunta sa " New Innuendo's Carnival" sa Birthday ko sa February 20. Ang Araw din kung kelan nawala si Czyrah na isa paring palaisipan sa mga kagaya kong mahilig sa Paranomal Activities, katunayan nga ay matagal pa ito 

(Hindi naman ako excited eh no?) 

Niloloko pa nga ako nina Mommy na kung bata pa raw ako kaya gusto kong pumunta sa Karnabal 

Binalewala ko nalang 

Okey lang daw na pumunta kaming pamilya dun pero sisiguraduhin ko raw muna na di talaga mga rides ang pinunta ko dun 

Pero baka nga dahil paborito ko kasi ang rides na Carousel

 Dahil sure nang pupunta kami sa Karnabal ay ipinagsabi ko na ito kaagad agad sa mga kasama kong activist para makapag ready sila sa pinaka malaking misteryo sa buong Pilipinas.

Excited na ako! ^_^


[Sa isang parte naman ng Karanabal (New Innuendo's Carnival)]


"Huh?"

"Sino ang nandiyan?"

Tanong ng tanong ang dalaga ngunit walang ibang boses ang kaniyang naririnig kundi ang kaniya lamang 

Ilang sandali pa ay may humalakhak ng napakalakas

"Bwahaha" tawa ng payaso noong nakatapos na sa kanilang palabas sa Karnabal

Sa isip isip ng dalaga ay marahil ay hatinggabi na kaya nagpakita na sa kanya ang payasong iyon 

Sanay na rin ang dalaga rito dahil sa tagal na niyang nakakasama ang payaso.

"Good Morning Czyrah!" bati nito kay Czyrah na nakakatakot 

"Mag E- eighteen kana ah!, alam kong matagal pa ngunit naeexcite na ako yun kasi ang pagkakataon na mapatay ka namin "

Lumabas ang pitong alagad niya at sabay sabay silang tumawa 

"Bwahaha"

at hinawakan nito ang pisnge ng dalaga na nanakot na papatayin na agad nito ngayon. ngunit hindi nag patinag ang dalaga at binalewala nito ang sinabi ng payaso at binitawan na ng payaso ang pagkakahawak sa pisnge ni Czyrah

"Maiwan na kita diyan huwag kang magpapabaya ha!, huwag mong sayangin ang buhay mo" nakangiting saad nito kay Czyrah at umalis na 

Napa hinga nalang ng malalim si Czyrah at nag pasya ng magpahinga at matulog, bago pa man siya matulog ay nagdasal siya at humiling sa panginoon na "Sana po ay may makahanap sa akin at tulungan ako" at natulog na siyang matiwasay


A/N: 

Ano pong masasabi ninyo sa papakilala ng ating main character . Sorry po kung maikli ang Chapter 1 pagpasensyahan niyo na po ha! :) 

Sige po sa susunod muling chapter !

                                                                                                                                                                                             <3 Shizts 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang KarnabalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon