Dear K,Hindi ko alam kung papaano sisimulan ang lahat.
Paano nga ba??
Siguro sa isang Hello at kumusta ka??
Balita ko sa Maynila ka na nag- aaral? Well, good for you! Sayang naman kasi ng talino mo kung hindi ka sa magandang paaralan mag-aaral.
Siguro, ngayon marami ka na diyan bagong kaibigan, sikat ka na at lalo ka ng guma gwapo samantalang ako ganoon parin babaeng walang masyadong confidence na pinoproblema ang marami niyang tagyawat sa mukha. Alam mo iyon hindi naman ako in love pero walang pakundangan kung maghasik ng lagim ang pimples ko sa mukha. Hahaha just kidding!.
Hmmm, anyway three years na tayong hindi nagkikita. Pupunta ka ba sa alumni? Well, ako wala pang desisyon parang ayoko eh. Hindi naman sa ayoko kitang makita pero tingin ko hindi pa ito ang tamang panahon.
Yes, I admit for the first time that I fall in love with you but unfortunately too late ko nang narealize. Ang tanga lang. Hindi ko naman kasi expected na tatamaan ako nun eh.
Naalala ko pa dati ng first time kitang makita, grade school tayo noon at na-invite ang school niyo para mag participate sa district camp for 3 days review sa math. Nakakatawa nga noon ang old fashion ng buhok mo na parang bao ng niyog na may hati pa sa gitna at ang kaibigan mo pa noon ang napansin ko, mukha ka kasing batang bata pa. Hindi rin ako noon nagkainteres na alamin ang pangalan mo kahit classmate ko ang nagsasabing matalino ka raw at nalaman ko lang ang pangalan mo noong ginagamit ng classmate ko ang pangalan mo para tuksuhin ang kaibigan ko. Hindi ko alam na iyon pala ang simula ng lahat lalo na nung tumuntong tayo ng high school.
I never thought that time na magiging same school ang papasukan natin. I immediately recognize you with the same hairstyle nung grade school hindi ko rin sigurado kong natatandaan mo pa ba ako.
Nakakatawa lang na naging mag classmate pa tayo. Section 1. Balita ko kasi first honor ka sa inyo kaya naman I never doubt kung manguna ka sa klase. We didn't immediately become close. You have a circle of friends and I have mine also pero hindi ko matandaan ang unang time na nag usap tayo marahil mas naunang naging close ko ang mga kaibigan mo na habulin ng mga babae. Hehehehe
That time para kang good boy na nag-aalaga ng demon sa loob ng katawan mo. And you admitted naman kaya nga tinawag ka ng iilan na devil. Pero kahit ganoon ka, ang galing mo sa academic kaya unti unti we become close specially if academics ang pinag-uusapan, Alam kong alam mo na I'm a type of person na seryoso sa study because that time I need to prove something sa family ko while you napapansin ko ang pagiging easy-go- lucky mo sa lahat ng bagay na para bang hawak mo ang mundo mo na ginagawa ang nais mo.
Hindi ko namalayan, we got really close but we never level each other as a friend. Siguro I am too innocent and damn to realize until those closeness fades away. Nagsimula ang tuksuhan. Biruan at higit sa lahat ang pag papares sa ating dalawa. We got awkward and silent to each other or maybe ako lang.
I admit I got scared of thinking my studies will be affected and what my family gonna says kahit na hindi na ka naman umamin that time. Pero anu nga ba ang ibig sabihin ng mga tingin mo?titig mong kakaiba? ang mga gestures mo na sa iba hindi ko naman nakitang ginawa mo? Iyong sweetness at asaran na hindi ko alam bakit mo ginagawa?
I know I hurt you kasi linayuan kita kahit wala ka naman ginagawa at kung minsan napagsabihan kita ng masasakit na salita. I'm really sorry. I know you've tried to reach out pero binalewala ko. Naging coward ako. Walang courage na kausapin ka. Pero tama nga sila nasa huli ang pagsisisi. Nagbago ka, ibang iba ka na from the way you talk hanggang sa mga kilos mo. At huli na ng malaman kong meron ka ng girlfriend. Huling huli na ng marealize ko. Siguro assuming lang ako. Umaasa sa isang bagay na di totoo. Isang NBSB na feeling maganda at may gusto ka sa akin pero ano magagawa ko you are my first love. Ikaw lang ang nagpakulay ng high school life ko. Ikaw ang nagparamdam ng feeling ng pagiging masaya at ma-inspire tuwing papasok sa school. Yung feeling na bigla ka nalang mamumula at titibok ang puso mo ng malakas tuwing kausap ka. Yun na siguro ang tinatawag na pag-ibig.
Kahit dumating sa point na mag- aral ako ng kolehiyo I thought mababago at malilimutan ang lahat pero hindi eh kahit anu pilit ko sa mga kaibigan ko na sabihin na naka-move on na ako ( kahit hindi naman naging tayo). Hindi eh ako lang pala talaga, sarili ko lang pala ang pinipilit ko ng mga panahon iyon. Everyday I thought of different what if's o kahit man lang bago tayo nagtapos sa sekondarya magkalinawan tayo, sana hindi ako nag iisip ng kung anu ano. Until all those what ifs become a regret. Yes, a regrets hindi ko alam pero nanghihinayang ako na kung sana meron nga, sana nagkatotoo. Sana naging tayo. Sana naranasan ko ang naranasan ng iba at yung may kasama, at nag aalala sayo. Masakit na hindi ko malabas itong feeling ko na sa tuwing tiningnan ko ang profile mo andoon parin ang mga butterflies at drumrolls na nabubuhay at lumilikha ng ingay sa paligid ko.
Pero nangyari na ang nangyari hindi na maibabalik ang kahapon.
Kaya naman nag pakabusy ako sa school, I limit my social life in networking sites and lessen asking about your updates, dumating pa sa point na kailangan kitang i unfriend ( sorry, parang tanga lang) until one morning I realize wala na, unti unti ko ng natatanggap. I become numb, ewan ko ba kung magandang senyales ito pero I'm starting to build a new walls in my heart. Hindi para kalimutan ang lahat at pigilan ang darating sa buhay ko pero para i-restore ko muna ang puso ko para sa susunod na may papasok ay kaya ko na. Para kaya ko ng ibigay ang buong buong ako sa kanya.
Marami akong natutunan sa iyo, sa nangyari sa atin at sa lahat lahat. Kaya sumulat ako hindi dahil para ipaalala ang lahat at umaasa pang magiging tayo kundi para magpasalamat kasi kung hindi ka naging parte ng buhay ko hindi ko mararanasan ang ganoong feeling na sa high school lang mararadaman.
Sana dumating ang araw na makakapag usap tayo ng walang ilangan. Sana rin mahanap muna ang talagang para sayo. Ganoon rin sana sa akin. Someone na makakapagtibok sa puso ko ng higit pa sa ginawa mo. Ipagdasal mo sana iyon.
Anyway, hihintayin ko ang muli nating pagkikita.
Until that day come. Thank you so much.
-Y
____________________________________
BINABASA MO ANG
Dear K
Short Story"Meron ba talagang TADHANA? Bakit hanggang ngayon wala parin siyang ginagawa para sa ating dalawa? O sadyang hindi talaga tayo para sa isa't isa." -Y Gaano man kasakit ang iyong naranasan sa huli kailangan mong balikan ang sakit para sa mas maayos n...