Chapter 18

25 0 0
                                    

Sunod sunod ang shows ni Jonghyun. Mula ng i launch ang sarili niyang album, napuno ang schedule niya. Kahapon nasa MNet siya at may guesting siya sa show ni YungYeol, ang Sketchbook.

Kung tutuusin he has never been more successful than he is now pero hindi siya msaya. Paano siya sasaya kung ang pingalalaanan niya ng buhay niya ay hindi siya kilala?

Nakausap ni CEO Han ang nag leak ng picture nila ni Imee noong mag propose siya dito at ipinaalala nito ang pinirmahang NDA. Nawala ang picture at natahimik ang buhay nila.

Ipinakikala siya ni Imee sa mga magulang nito at gayundin ang ginawa niya. Tuwang tuwa ang magkabilang panig. Ang tagal na kasing naghihintay ng apo ang oemma niya. Gayundin ang oemma ni Imee.

Naka schedule ang kasal nila sa December. Ang saya nila. They went out on dates. Madalas ay sa labas ng bansa sila nag de date para masiguradong private ang date nila.

He wasnt able to accompany her to a Got7 concert na ikinover nito for CNPink magazine. He was busy with his recording for his solo album. Ilang kanta ang collaboration nila ni Yonghwa.
Ang carrier single niya at surprise niya para kay Imee pagbalik nito mula sa Japan. Siya pa ang nagulat ng mabasa niya ang balita sa dyaryo.

Nasa entertainment section ang picture. Nakangiti si Imee. Pero ang nakakagulat naka hawak ito sa kamay ni Jackson Wang.

Agad niyang tinawagan si Imee pero naka out of coverage ang phone nito. Kinagabihan, pinuntahan niya ito sa condo pero wala si Imee duon. Nang makausap niya si Yonghwa saka lang niya nalaman na umuwi pala si Imee sa Busan.

Kahit na kinakain ng selos ang puso niya ay inintindi niya. Kilala niya si Imee at alam niya hindi nito magagawang pagtaksilan siya. They were engaged to be married at the end of the year. Baka napagod lang ito sa pag cover ng concert ng Got7.

Kinonsola niya ang sarili. Alam niya na maghihintay sa kanya si Imee. Kaya naman tinapos niya ang commitment niya para maging maayos ang album niya. He is scheduled to have a concert before their wedding.

Nabalitaan na lang niya mula sa kapatid niya na madalas daw na dumadalaw si Jackson kay Imee sa Busan. Twice a week ay magakasama ang dalawa. Lumabas pa nga sa isang website na 'dating' ang status ang dalawa.
Agad niyang kinausap si Yonghwa at pumayag itong umuwi sa Busan para malaman kung anung nangyayari sa pinsan nito.

Katatapos lang niya mag finalize ng kanyang album, ng tumawag si Yonghwa.

Tuwang tuwa si CEO dahil mainit ang pagtanggap ng mga fans sa kanyang album at mukhang madu duplicate nito ang success ni Yonghwa nuong mag release ito ng solo album nito.

" Hyung..anung balita? " Tanung niya agad sabik siyang makatanggap ng balita tungkol kay Imee. Mahigit isang linggo na silang di nagkikita mula ng bumalik ito from Japan.

" Hyun. Tapos na ba ang album mo?" Seryoso ang boses ni Yonghwa kaya naman kinabahan siya.

"Oo hyung." Tumikhim ito sa kabilang linya. " M-may problema ba?"

" Good. Theres something you have to know. Pwede ka bang umuwi agad?" Sabi ni Yonghwa

" Pauwi na ako."Sagot niya habang inaabot ang jacket.

" Ani. Hindi sa dorm. Umuwi ka sa Busan."



Nang makita niya si Imee nag alala siya dahil may peklat ito sa noo. Tsaka lang niya nalaman kung anung nangyari. Nagkaron ng selective amnesia si Imee. She remembers na photographer siya. Alam niya kung saan siya nakatira at kung sino ang parents niya, pero hindi niya naaalala kung sino si Dimple sa buhay niya.

Yonghwa explained,na nakausap nito si Jackson at ito ang magkwento ng nangyari. Napatingnan na si Imee sa mga espesyalista at sinabi nila na maghintay lang sila dahil wala namang damage ang utak ni Imee. Time will tell kung kelan sila nito maaalala.

Ayaw ni Imee bumalik sa condo nito at nagpahinga ito sa Busan hanggang sa maalala nito ang iba pang mga bagay. Wala siyang magawa kundi ang sundin ang gusto nito.

Napostponed ang kasal nila. Tiningnan ni Jonghyun ang invitation na hawak. Si Imee ang pumili noon. May rainbow net na nakapabilot sa papel serving as a pouch.

May nalaglag na envelope. Pinulot iyon ni Jonghyun saka ibinuhos ang laman sa ibabaw ng kama. Yung prenuptial photos pala nila.

Theres a picture of Imee smiling down at him habang nakaupo ito sa taas ng sanga ng puno habang nakahawak siya sa bewang nito. May isa pangnaka upo ito sa swing at nakaluhod naman siya sa harap nito.

Jonghyun sighed. Namimiss niya ang kababata niya. Namimiss niya ang pangungulet ni Imee.
Bigla na lang itong dumadating sa dorm para ipagluto siya. Nang pumili siya ng condo kasama niya si Imee and she decorated the masters bedroom. Ito rin ang nagpapaligo sa mga babies niyang si Shiro at Tan. Si Tan ay regalo sa kanya ni Imee at baby nilang dalawa ito.

Nakatingin sa pinto si Tan na tila may hinihintay. Binuhat ito ni Jonghyun. Humabol na man si Shiro at ipinatong niya sa kama ang dalawa. Nakakuha na siya ng sariling condo para sa kanila ni Imee pero wala naman ito. Kumandong sa kanya si Tan.

" Na mi miss din siya ng daddy baby Tan. Pasensiya ka na sa mommy mo." Hinimas niya ang ulo ng aso. Tila naman nakikiramay ito sa kanya. Dinilaan nito ang kamay niya. " dont worry baby Tan. Babalik din si mommy. Babalik siya... Kasi mahal niya tayo. "

Humiga si Jonghyun sa kama at tinakpan ng braso ang mata. Pumikit siya at hinayaang tumulo ang luha na kanina pa niya pinipigilan.

Bumalik ka na Imee. Miss na miss na kita.

My Burning AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon