Dati

217 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit nagka ganito
Tila ba ang landas natin ay nalito
Nangungulila sa presensya mo
Nasaan na ang dating tayo?

Bakit bigla kang nawalan ng nararamdaman sa akin?
Dati'y sabi mo'y hindi magbabago ang damdamin
Ngunit bakit ako'y iyong binitin?
Sa sabi mong pagibig na mapapasakin

Nasaan na ang dating iniibig ko?
Ang laki ng iyong pinagbago
Sana'y malaman mo ang nais kong sabihin na pilit kong tinatago
Labis nang nagdurugo ang aking puso

Sana'y maisip mo na ako'y pagod na kakahintay
Wala ka sa piling,ako'y nalulumbay
Kapag wala ka,ang buhay ko'y parang isang lantang gulay
Hinihiling ko lamang na ang nararamdaman ko sayo'y tuluyang mamatay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon