Introduction

30 6 1
                                    

Elloise's Point of View

“Sir bossing, sige na naman po. Tanggapin niyo na ako!” Pakiusap ko sa manager ng kompanyang inaaplayan ko. Andito ako ngayon sa loob ng office niya at nagpapakasasa sa aircon. Joke lang, syempre nag-aaply, ano pa ba? Actually yung trabahong inaaplayan ko ay bilang personal assistant ng anak ng may-ari ng kompanyang ito. Bata pa daw kasi yun at siya yung Acting-CEO kaya kailangan niya ng alalay. Chus!

Kaya lang kanina pa ako dito pero ayaw talaga akong tanggapin ng manager na ito na di naman katandaan, mga 21years old siguro? Lalaki daw kasi ang hinanap nilang P.A. Hello? Ano bang masama kung babae ang magiging P.A diba? Mas okey nga yun kasi mas masipag kaming mga babae kesa sa mga lalaki noh. Pwera nalang kung bakla yung boss nila. Pfft.

“Miss sinabi ko naman sayo diba? Lalaki yung hinahanap naming P.A. Tsaka seventeen ka palang. Underage ka.” sagot naman nung manager. Third ata yung name niya eh, nabalitaan ko lang. XD

“Eh Sir, promise po kaya ko pong gawin yung mga panlalaking gawain kahit babae ako. Kailangan ko lang po talaga ng trabaho ngayon. Tsaka two months lang naman eh. Ngayong summer lang.” litanya ko na naman.

“Sorry talaga miss. Hin-----” Hindi na niya naipagpatuloy ang sasabihin niya sana dahil bigla nalang bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa ang isang, 'eheeem', lalaking kasing-edad ko siguro na nakasuot ng gray tshirt at may malaking headset sa ulo. Maputi ito tsaka antangos ng ilong, tas yung buhok niya parang yung sa emo? Ewan. Wala akong paki sa kanya.

“Hey bro! Galing ako sa office ni kuya pero wala siya dun eh. Alam mo ba kung asan siya?” Tanong niya dun kay sir manager. Ni hindi man lang niya napansing may ibang tao dito.

Pero dahil nga kanina pa ako dito at masyado siyang epal kasi hindi pa kami tapos mag-usap ni manager pero umiinterupt na siya, umepal ako sa kanila.

“Hep hep hep! Kung sino ka mang mister ka, pwede ba patapusin mo muna kami dito? Kanina pa kasi ako dito tapos bigla bigla ka nalang dumadating at nang-aagaw ng kausap. Ano ka sinuswerte?” sabi ko. Nabigla naman siya at tumitig sakin. Tapos bigla nalang tumawa.

“Haha okey! Sorry miss!” sabi niya tapos umupo na sa sofa ng opisina.

“Miss sinabi ko na sayo kanina pa! Ang kulit kulit mo eh! Lalaki nga lang ang hinahanap namin. Ayaw nung anak ng may-ari ng babae. Ako ang pagagalitan kapag tinanggap kita.” - Sir Manager

“Eh mas makulit pala kayo Sir Bossing eh! Kaya ko ngang gawin yung mga panlalaking gawain. Tsaka ang arte arte naman niyang boss niyo. Bakit ba ayaw niya ng babaeng P.A, ano ba siya? Bakla?” -ako

“Hahahaha!” napalingon kami dun sa lalaking nakaupo sa sofa. Bakit ba siya bigla bigla nalang tumatawa? Baliw ba to? Tsaka sinong maysabi sa kanyang makinig siya sa usapan namin? Ang chismoso niya ha!

“Ahhm miss, excuse lang ha, pero pwede ko bang makita yung bio-data mo?” sabi nung lalaki tsaka tumayo at lumapit sakin.

“Ha? Bakit?” nagtatakang tanong ko.

“Kasi baka tanggapin kita?” siya.

“HAH? Bakit? Ano ka ba dito?” nabibiglang tanong ko.

“Anak din siya ng may-ari nitong company. Kapatid niya yung naghahanap ng P.A.” Yung manager Third na ang sumagot.

“ANOOOOH?” napasigaw na tanong ko. Ang lupeet! Mali pa yung taong nasungitan ko kanina. PATAAY!

“ Haha! Third asan yung bio-data niya?” Nakatawang tanong nung lalaki kay Sir Manager.

“Oh eto.” sabi nung Third at binigay dun sa lalaki yung bio-data ko. Binasa niya naman ito ng malakas.

“Ehhem, Name: Elloise Cassandra E. Dekartel. 17 years old. Lives at Dimakita Street, Hanapin City. Second year Education student at Kingston International Academy. Nickname is...Louie? Bakit Louie yung nickname mo? Panlalaki yun diba?” Tanign niya sakin.

“Ha? Ah—eh, ewan ko! Yun kasi yung binigay saking palayaw ng mga magulang ko?” Nauutal kong sagot sa kanya. Ikaw kaya tumisteng na sungitan yung anak ng may-ari ng kompanyang inaaplayan mo. Hindi siya masaya. Promise! Kaya wag niyo akong tutularan. Buti nalang mukhang mabait tong isang to.

“Ah ganun ba!” patangu-tangung sabi niya.

Tumango rin ako.

“So Louie, gusto mo talagang magtrabaho sa kuya ko?” siya

“Ah OPO! Gustong-gusto po. Kailangan ko po talaga ng trabaho ngayon Sir eh!” masiglang sabi ko.

“Keanne, alam mo namang ayaw ni Rusty sa mga babae.” Singit nung Manager.

“Okey lang yun Third. Di naman niya malalaman eh!” sagot nung lalaking Keanne pala ang pangalan.

“Ha? What do you mean?” - Third

Tumingin sakin yung Keanne.

“Tatanggapin kita dito. Pero dahil ayaw ni kuya ng babaeng P.A, kailangan mong magpanggap na lalaki.”

“ANNNOO?” sabay pa kaming napatanong ni Manager Third. Oh Come on Mamooon! Ako magpapanggap na lalaki?

“Keanne, is this some piece of joke?” sabi nung Third. Okeey, nag-eenglish na siya ngayon ha? Level up!

“Of course not. Im dead serious here. Now lady,” humarap siya sakin. “Gaya ng sinabi kokanina, kung gusto mo talagang magtrabaho dito, kailangan mong magpanggap na lalaki. It's your choice.You gotta take it or leave it.” seryosong sabi niya taos walang sabi-sabing lumabas ng opisina.

Naiwan kaming dalawa ni manager Third na nakanganga! (Joke lang! Ako lang talaga yung naka-nganga. Nandadamay lang kung baga!)

Ano na? Papayag ba ako?

What to do?

What to do?

Help me mother earthling!

Author's Note:

Hello? What's up guys!?Thanks for reading. Actually this isn't my new story. I've already published several stories before here at wattpad but with no exact reason, (tinopak ako nun) I deactivated my account and sad to say, I can't retrieve my previous account, as well as the stories, votes and fans. (It's breaking my heart cause I miss my previous readers a lot.) And I don't have drafts of my previous stories cause Im so stupid. (Hekhek). So here I am right now, BACK TO ZERO! Hehe anyway it's very nice to be back here with all new account! (Heart.Heart)

'Kay guys. I gotta go! You take care :) God bless

-TrashesOfHearts

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Somewhere in NeverlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon