Kabanata 2
I stretched my arms when I was half way through the paper works on my table. Bukas nalang itong kalahati. Nag sipag paalam na ang ibang ka office mate ko. Tumayo na din ako at nag ligpit na ng gamit.
"Joy mauna na ako ah, bye." Paalam ko sa kanya habang itinatali ang buhok ko.
"Nako Sid huwag! Ang bata mo pa para mauna, teka pag sa langit ka napunta hulugan mo ako ng gwapo ha." Aniya habang natatawa pa. Nakaupo sya sa table nya at mukang mag o-over time sa trabaho.
Inayos ko ang salamin na soot at nilingon siya ulit.
"Baliw!" Singhal ko sa kanya at natawa nadin at nag umpisa nang maglakad. Baliw talaga yon kahit kailan."Goodbye! Ikamusta mo nalang ako sa bakla sa bahay mo." Sigaw nya bago ako makalabas nang tuluyan sa pinto ng office.
Papadilim pa lang ngunit kokonti nalang ang tao sa building. Pagod na pagod ako sa trabaho. Nararamdaman ko ang sakit ng batok ko. Ganoon siguro talaga kapag napahinga nang matagal, kapag bumalik sa trabaho ay sobrang nakakapagod sa unang araw.
Pag labas ko nang building ay naramdaman ko ang ginaw. Napatingala ako at napamura.
Maulap at mukang uulan. Wala akong dalang payong. Kailangan kong makasakay agad para hindi abutan ng ulanNaghintay ako nang taxi ngunit walang available. Halos lahat nang nag dadaan ay may sakay. Ang mga jeep naman ay puno maging ang bus. Ang malas ko naman today!
Naramdaman ko ang paunti unting buhos ng ulan. What the! Ang malas naman talaga! Gusto kong magmaktol nang maramdaman na lumalakas na ang ulan.
Lumapit pa ako sa daanan para kung may dadaan na taxi ay makita ako agad. Okay lang kahit bus pa ang importante ay makasakay na ako.
Napamura muli ako nang matalsikan pa ako ng putik dahil may sasakyan na padarang na huminto sa harap ko.
Ready na ako para murahin kung sino ang bababa doon. Ngunit nang makababa siya ay nanliit ang mata ko. Parang kilala ko sya. Hindi ko lang matandaan kung saan.
"Ops my goodness! May baliw dito nag papa ulan." Aniya sabay bukas ng payong nya. Mukang papasok sa Building ng MHC.
Nanlaki ang mata ko at kumulo ang dugo sa kaniya.
"Mas muka kang baliw! Hindi ka nag iingat tingnan mo at naputikan mo pa ako." Naiirita kong sagot sa kanya. Basang basa na nga ako puro putik pa. Mainit ang ulo ko ngayon at hindi ko alam kung anong magagawa ko sa babaeng ito kung hindi sya aalis agad sa harap ko.
"What the hell? Hindi mo ba ako kilala!" Sabi nya at namaywang pa. Kala mo naman maganda para makilala."Dapat ba kilala kita? Umalis ka nga dyan sa harap ko kung hindi ka marunong mag sorry!." Naiinis ko pa syang tinulak. Narinig ko ang pag sigaw nyang maarte pero dire-diretso ang lakad ko dahil may nakita akong papalapit na Taxi at walang ibang sakay.
Pinara ko agad iyon."Hoy! Saan ka pupunta bruha ka." Narinig ko pang sigaw nya pero wala nakong time sa kanya. Mabilis akong sumakay ng Taxi. Medyo nainis pa ang driver nang makitang basang basa ako.
"Ano ba yan Miss, mababasa ang upuan ko."
Reklamo nya."Doble nalang po ang ibabayad ko Mister. Pasensya na." Sabi ko dito at pailing iling syang nag drive.
Napalingon pa ako sa pinanggalingan ng babae. May kausap na sa cellphone at may putik nadin sa kanyang dress. Siguro ay natumba dahil sa pag kaka tulak ko sa kanya.
Well, she deserves it.
Pag hinto ng taxi sa bahay ay agad akong nag bayad ng doble. Hindi ko alam kung galit ba si manong driver o masaya. Hindi naman kasi kumibo nang inabot ko ang bayad. Umalis rin naman siya agad.
BINABASA MO ANG
Gay in Disguise [UNDER EDITING]
RomanceIsa akong lalaki. I know that from the very beginning. Hindi sumagi sa isip ko ang kabaklaan. Ngunit isang araw, i met her. Kinailangan kong maging bakla. I need to hide. I needed to disguise myself as a gay para tanggapin nya. At sa pag papanggap...