The Beginning of Trouble......

2.9K 63 6
                                    

Di mapakali na niluwagan ko ang necktie ko dahil pakiramdam ko di ako makahinga sa sobrang tensiyon na nadarama ko ngayon.

Matapos nun ay kinapa ko ang maliit na kahita sa bulsa ng Amerikana na suot ko.

Di ko mapigilan na di mapangiti nang makapa ko na yun.

Excited na talaga ako para sa gagawin ko ngayon....

Sakto nang madinig ko na ang pagtunog ng bell hudyat na tapos na ang klase ay agad na lumuhod ako sa gitna ng dadaanan ng mga estudyante na alam ko na papalabas na nang classroom nila.

Sorry sa Abala mga bata pero kailangan na magawa ko itong plano ko....

Nakita ko ang mga sapatos ng mga estudyante na mabagal na lumalampas sa akin dinig ko pa ang mga bulungan nila ng pagtataka kung sino ako at bakit nakaluhod ako sa gitna nang daanan nila....

Pero wala akong plano na magpaliwanag sa kanila ang bukod tanging mahalaga sa akin ngayon ay ang taong alam ko na huling lalabas na ng classroom....

Huminga ako nang malalim nang madinig ko ang nagmamadaling yabag ng mga sapatos papunta sa akin...

Ngumiti ako pero di ako nagtaas nang tingin at saka mabilis na kinuha ang maliit na  kahita sa bulsa ng Amerikana ko, binuksan ito at inilahad sa taong nasa harap ko.

Naramdaman ko na huminto ito sa paglalakad mismo sa harap ko....

Muli ay napangiti ako at tila lalong lumakas ang loob ko...

Huminga ako nang malalim at saka nagsimula nang magsalita....

"Alam ko nagtataka ka kung bakit ako nakaluhod ngayon sa harapan mo at nakikita mo ngayon ang singsing na nasa kamay ko at nakaharap sa iyo..." huminga muli ako nang malalim para kahit papaano mawala ang kaba sa dibdib ko.
"Pero may ideya ka na kung bakit nandito ako ngayon....
Alam ko na mga bata pa tayo...na madami pa tayong mararanasan...na madami pang dadating na pagsubok sa ating dalawa ....
Na hilaw pa ang karanasan natin compare sa ibang couple na kilala natin,
Alam ko na madami ka pang pangarap na gustong abutin...
Ako din naman gusto ko din na matupad ang mga pangarap ko para sa atin na dalawa....
Pero....pero gusto ko  na sabay natin na abutin at tuparin ang mga ito..." ilang beses na nag exhale at inhale ako para maitulak papalayo ang kabang nadarama ko.

This is it Rowan....

"Mahal na Mahal natin ang isa't isa di ba? at nakikita ko ang sarili ko na tumanda kasama ka....
K----kaya naman... Will you Marry me?" Nakangiting nagtaas ako nang paningin pero na freeze ang ngiti ko nang di si Olive na girlfriend ko ang pinagprosesan ko kundi isang dalagita na nanlalaki ang mga mata at nakacap  nang kulay pula at nakabaliktad at ang nasa likod nya ay isang binatilyo at dalawang dalagita na nakanganga lang at di din makapaniwala na nakikita nila.

"Rowan?" Nanlalaki ang mga mata na lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang tila maiiyak na si Olive na agad na tumalikod sa akin at patakbong lumayo sa akin

"Olive wait!" Agad na napatayo ako at umakmang aalis na nang may pumigil sa beywang ko na dalawang kamay.

Marahas na nilingon ko ito at nakita ko ang dalagitang napagkamali ko na si Olive ang nakahawak sa beywang ko.

"Kid sorry napagkamalan lang kita, please release me,see that runaway lady... girlfriend ko yun at kinakailangan na maabutan  ko si Olive  para magpaliwanag tungkol sa nakita nya" natatarantang paliwanag ko dito pero ayaw nya pa din akong bitawan.

"Hala Avi pakawalan mo si Kuyang tanga para mahabol na nya yun iyakin na si Miss Olive" wika nun Binatilyo pero tinuhod lang sya ng dalagitang nakahawak pa din sa akin.

"Ouch!Avi ang power ko sa pagpapadami ng lahi natin bakit mo sinipa na naman" naiiyak na angal nang binatilyo na nagpatalon talon pa.

Napangiwi din ako at awtomatikong nahawakan ng mga kamay ko si Junior.

"Shut up Mavi!" Asik nito sa binatilyo.

Agad naman na tumahimik ang binatilyong tinawag nitong Mavi at lumapit sa isa pang dalagita na lampas bewang ang buhok katabi yun isa pa na hanggang balikat naman ang haba nang buhok.

"Kat Kat si Junior ko pano na?
Di pa nga ako nagkakagirlfriend baog na ako" naiiyak na sumbong nito sa dalagitang lampas bewang ang buhok.

"Sus Wala yan Mavi malayo sa bituka yan  di ka pa nga tuli at saka panay ka naman basted sa mga nililigawan mo eh" pang aalaska dito nun dalagitang hanggang balikat ang buhok.

"Ang Sama mo Dawn at nagpatuli na ako matagal na kaya ka di pinapansin ni Xander eh bad ka" naaasar na binelatan ito ng binatilyo agad na tumakbo papalayo sa amin at agad naman itong sinundan nun dalagitang kaaway nya.

"Teka Mavi, Dawn mapapagalitan na naman tayo nyan eh, dyan ka muna Avi susundan ko lamang sila" pagpapaalam nun dalagitang Kat Kat ang pangalan at tumakbo na din papunta sa dalawang papalayo na sa amin.

Naiwan kami nang Dalagitang naka Cap na dalawa.

Gusto ko nang sundan si Olive pero di ko magawa pano ba naman kasi itong dalagitang Avi ang pangalan eto at nakahawak pa din sa bewang ko.

"Avi right?" Tanong ko dito at tumango naman ito bilang tugon.

Ngumiti ako dito saka hinawakan ang magkabilang balikat nya,
Umaabot  lamang ang taas nito hanggang gitna ng dibdib ko at payat din ito pero napakalakas nito dahil kahit anung pilit ko na kumawala dito ay di ko sya makaya kaya.

"Please pakawalan mo na ako" pakiusap ko dito pero sumimangot ito at umirap sa akin.

"No!" Angil nito at lalong humigpit ang pagkakayapos nya sa beywang ko.

"Avi-----"

"You already Proposed to me so technically were engaged at magsisixteen na ako next month kaya pwede na tayong ikasal" she michieviously grin to me and wave me her left hand where I see the ring that I want to give to Olive.

kailan nya nakuha sa akin yun singsing?
Ba't di ko napansin na naisuot na pala nya?

"Teka----"

"Nagpropose ka na sa akin sa harap mismo ng mga schoolmates ko lang naman kaya dapat na panagutan mo ako at ibreak mo na yan girlfriend mo dahil ako na ang pakakasalan mo, maliwanag ba?" utos nito.

"Ha? Teka di----Aww!" Napaigik ako sa sakit nang mas lalo pa nyang higpitan ang pagkakayapos nya sa beywang ko.

Shit masyado syang malakas para sa edad nya?

Di kaya may lahi itong Amazona?

"Teka---Oo gagawin ko na" napipilitan na sagot ko dito.

Ngumiti ito nang matamis at niluwagan na ang pagkakahawak sa beywang ko pagkatapos ay sumandig ito sa dibdib ko.

"Good malinaw na usapan yan ha Fiance ko" anito at napatingala na lang ako dala nang matinding frustration na nadadama ko.

God...Rowan ano ba itong napasukan mo?


CAPTURING ROWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon